Chapter 29:Flashback II

3.7K 76 22
                                    

Third Person Pov

"young lady may dumating pong sulat galing school niyo Pwde na daw po ulit kayo pumasok"-pagsasabi ni Gi kay Zandra ngunit tumingin lamang ang bata sa kanya

"At may susundo na po sa inyo mamaya pabalik ng maynila para bukas makapasok ka na young lady"-pagpapaalam naman ni Sesa kay Zandra at tinulungan itong magpunta ng banyo para makapaghanda ng biglang magsalita si Zandra tila nabigla ang dalawa dahil sa ilang araw nila itong kasama ay ngayon pa lamang ito nagsalita at nagtanong

"Si nhay maria po ba ang susundo sa akin? Nakauwi na po ba sina mommy?"-mahinhin na tanong ng bata natahimik naman silang dalawa at hindi makatingin sa mata ng bata dahil Nakikita nila sa mata ng bata ang mata ng umaasang sana tama ang kanyang hinuha at matang puno ng pagnanasa na sana makita na ang kanyang mga hinahanap

"a-ah a-ano hindi ko kasi alam y-young lady"-nauutal na sagot ni Gi sa bata

Matalino si Zandra at alam niya na hindi pa umuuwi ang mga ito at sa sagot pa lamang ng kanyang kasama ay ramdam niya na hindi siya kinakamusta ng mga magulang na hindi na bago para sa kanya pero umaasa pa rin siya na sana kahit isang beses lamang maparamdaman sa kanya na importante siya sa pamilya at bahagi siya dito



_________________

Dumating na ang hapon at oras na para bumalik muli ng Maynila si Zandra saktong 2:00 ng hapon ay sinundo siya ng personal driver ng pamilya nila

"Hmm... Ate Gi and Ate Sesa thank you po sa pagaalaga sa akin even though na hindi ko po kayo kinakausap at kinikibo hindi po kayo sumuko Salamat po at pinaramdam niyong mahalaga ako Maraming salamat po"-pasasalamat ng batang Zandra sa mga ito naantig naman ang mga puso ng mga ito kaya lumapit sila sa bata at sabay na niyakap unang nagsalita si Sesa pagkatapos nitong kumalas sa yakap

"Maraming salamat din sayo Young lady Zandra"-sabi ni sesa at ngumiti dito

"Salamat young lady at nakilala ka namin kahit na ganun masaya kami dahil napakabait mong bata at sana wag mong pabayaan ang sarili mo doon Zandra"-bilin din nito kay Zandra

Hindi din nagtagal ay sumakay na ng kotse si Zandra bago umalis ay nagbilin pa sina Gi at Sesa kay Zandra maging sa driver nito Sa pagtahak nila papuntang maynila ay tahimik lamang si Zandra at walang ibang laman ang kanyang isip kungdi ang kanyang pamilya ni minsan ay hindi pa siya nakasama sa mga ito sa mga lakad nila mapa okasyon man yan o hindi,ni maski sa family day nila ay hindi ang mga ito napunta malimit niyang kasama ay si nhay maria at ang mga anak nito Wala nga siyang maipakitang "Family Picture" dahil hindi naman siya nakakasama sa tuwing magkakaroon ng Family Pictorial sa mansion minsan ay kinukulong siya sa kwarto o paminsan ay pinapadala siya sa mga rest house nila kasama si maria kaya sa tuwing kailangan ng magulang sa kaniyang school ay wala siyang maipakita o madala dahil ang laging dahilan ng mga ito ay busy daw sila o may mas importanteng kailangang gawin Kaya naiinggit siya dahil sa tuwing kailangan ni Aria at ng iba pa niyang kapatid ng aattend sa school ay nakakapunta ang mga ito Magkaiba kasi sila ng school Simula ng magaway si Aria at Zandra ay pinaghiwalay sila ng eskwelahan para maiiwas sa gulo at ang nasisi lamang sa away nila ay si Zandra

Walang ibang nakakaalam na isang Monteverde si Zandra dahil hindi naman siya pinakikilala ng mga ito At ang pinaka masakit para sa kanya ay binago nila ang information ng bata Monteverde pa rin ang gamit nito ngunit ibang pangalan ng magulang ang nakalagay dito at kailangan niyang idenay na kamag-anak o kadugo niya ang mayamang pamilya ng mga Monteverde.Kaya ang akala ng mga kaklase niya ay Ampon siya Ilang beses na nga ba pinatawag ng teacher si Zandra dahil ni kailan hindi man lang kumukuha ang kanyang mga magulang ng report card niya maging sa pag attend ng mga meetings Simula ng pumasok ang bata  sa paaralang pinaglipatan niya Sa isa pa ring Private School pinasok ang bata at binibigyan pa rin naman nila ng allowance si Zandra ngunit kay Maria lang nila ito inaabot

That Dangerous Mafia Boss Is The Father Of My TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon