Chapter 37: Caszandra

3.5K 62 5
                                    

Flashback na po ulit ito

Third Person Pov

Halos hndi na makatayo ng ayos ang mga tauhan ng Crest Mafia dahil sa pagod samantalang nakatayo naman sa gitna ang isang babae na hindi man lang nakaramdam ng pagod kahit buong magdamag ng nageensayo ito magsasalita na sana ito ngunit biglang dumating ang isang may katandaan ng lalaki na tauhan din nila

"Pacensiya na sa abala Young Lady pero kailangan niyo na din pong magpahinga may lesson pa po kayo mamaya kay Ms Freda" sabi nito sa dalaga na ngayon ay nagpapahid ng kanyang katana agad nagsenyas ito sa mga tauhan upang magpahinga na

Hindi na ito nagatubili pang magsalita at nauna nang lumabas at dumiretso agad sa kanyang kwarto

Napailing na lamang ang matandang lalaki sa inasta ng bata hindi na siya magtataka dahil sa tagal ba naman nitong nanatili sa mansion malayo sa kinagisnan at magulang ay marami ng nagbago dito lalo na sa ugali naging mailap na ito at palaging seryoso at tahimik kung dati lagi itong umiiyak o tumatawa ngayon ay napaltan na ng napakalamig na emotion at aura at sa edad na 12 ay halos hndi mo aakalain dahil sa magandang hubog ng katawan nito at napakagandang bata maski sa pananamit ay nabago na Napakatalinong bata na talagang nakakasabay sa kanyang personal na guro at napaka bihasa na din nito sa pakikipag laban maging sa paghawak ng mga armas nasabak na din ito sa mga misyon kahit sa murang edad



Zandra Pov

Nang makaakyat ako sa kwarto ko agad akong naghubad at lumapit sa aking salamin agad akong nagside view at tinitigang mabuti ang tatto sa aking kanang bewang na halos may sakop na rin ang likod Ito ang simbolo ng aming Mafia "Black Moon Crest" ang Crest at Lux Mafia hinaplos ko ang bawat detalye nito at napangiti na lamang ako dahil natupad ko na ang pangako ko kay mamita ang maging malakas at handa akong mamuno sa aming pangkat sa isiping yon ay pumasok na ako sa CR at agad nagbabad sa bathtub

Ilang taon na nga ba ako dito? dahil sa isiping yon ay napatawa na lamang ako ng mapakla umabot na ako sa edad na 12 ay tila isa pa rin akong hangin sa sariling pamilya ko ni noong binurol ang labi ni mamita ay hindi ako nakapunta dahil mahigpit na pinagbabawal ni Emperor ang paglabas ko ng mansion kaya nga dito na ako nagsanay at nagaral Ilang kaarawan ko na ba ang lumipas at hndi pa rin doon ako nakakapag celebrate kina mommy at daddy and next month ay malapit na akong mag 13 kaya ang hiling ko ay makasama ko sila lalo na madalawa ko si mamita napatigil lang ako ng may kumatol sa pinto

"Young lady dumating na po si Ms Freda" pagsasabi nito

Napabuntong hininga na lamang ako bago sumagot "susunod ako" sagot ko dito tanging mga yabag at pagsara ng pinto ang aking narinig hudyat na lumabas na ito

Dali dali na ako at agad na nagbanlaw pagkatapos ay nagbihis agad ako ng isang dress at doll shoes at kaunting kolorete sa mukha agad ko na ding kinuha ang laptop ko, dalawang makapal na libro at bag na naglalaman ng mga notebook at iba ko pang kailangan pagkababa ko pa lamang ng hagdan ay agad akong sinalubong ng mga dagger na agad ko namang naiwasan sino pa nga ba ang gagawa walang iba kungdi si Ms Freda ganyan ang lagi niyang pambungad lalo na pag late ako

"ohh Young lady napaka aga mo naman ata ha" sarcastic na sabi nito sa akin nag bow na lamang ako sa harap nito at agad dumiretso sa garden ng mansion

___________

Halos magaapat na oras na ata akong nakikinig at nagaaral dito at ngayon naman ay nagsusulat pa ako hindi lang naman ito Normal na subjects nahahati ito sa tatlo Una ang normal subjects na talagang pinagaaralan sumunod ay ang tungkol sa business at ang huli tungkol sa armas,Mafia,rules at iba pa

Noong una hirap akong mag adjust pero hindi rin nagtagal ay nasanay na din ako lalo at kailangan ko ito hindi lang para sa akin kung di pati na rin sa mga taong umaasa sa akin kaya lahat ng hirap ay aking titiisin

"nga pala Zandra pinabibigay ni Emperor sayo" sabi ni Ms Freda at agad inabot sa akin ang isang gold na invitation

"Para saan po ito Ms Freda?" pagtatanong ko dito

"Hindi ko pa alam Zandra binigyan din ako pero hindi ko pa siya nabubuksan hmm.. nga pala tapusin mo na yan at bukas na lamang natin ulit ipagpatuloy magpahinga ka na" sabi sa akin ni Ms Freda na akin namang ginawa ang pagtatapos ang pagsusulat tungkol sa mga armas ng mataas ko ay nagpaalam na ako kay Miss

"Ms Freda aakyat na po ako wag kayo magaalala mag advance study na lang po ako mamaya mauna na po ako magiingat po kayo at salamat po sa pagabot nito sa akin" untag ko dito at pinakita ang invitation

"Salamat din Young Lady" mahinahong pasasalamat nito agad na akong nagtungo sa aking kwarto upang buksan ang invitation

Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad na akong lumapit sa kama at doon umupo napabuntong hininga na lamang ako bago buksan ang card na hawak ko

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko matutuwa ba ako o magagalit matapos kong mabasa ang nakasulat

************

        We the Monteverde and Saxcon family invited you to come to special day for our princess

Meet Caria Raxes Saxcon Monteverde the girl behind the success and beauty of all majesty come to her 13 birthday together with her royal family

I'm expecting that you have a time to come to her special day

                     Residential De Monteverde


At ang nakasingit na sulat na alam kong galing kay Emperor

Crest Zandra,

      The Gem of your grandmother gusto kong pumunta ka sa araw ng kaarawan niyo gusto ka makita ng mga kapatid at mommy mo kaya inaasahan ko na darating ka maging ako ay gusto kang makausap

Alam ko ang mga training mo and good job your really have a Mafia blood btw it also your birthday so dadalhin kita sa grandma mo alam kong ilang taon namin pinagkait yon sayo imagine 7 ka ng mangyari yon. Inaasahan kita Zandra

                                             Your Emperor

Matagal akong nawala hindi ko alam kung bakit ngayon pa lamang nila ako pinababalik pero bahala na nga ang importante makita at madalaw ko si mamita

Kung anumang binabalak nila ay handa ako dapat hindi ako maging mahina dahil sa haba ng panahon na nagsanay ako at mahubog ko na din ang sarili ko Marami na akong napatay na masasamang tao lalo na ang mga Mafia na may mga masamang hangarin dahil sa mission ko

Binababa ko na lamang muli ang invitation at nahiga na lamang muli sa kama

Sana matapos na to at mahanap ko naman yong magpapasaya sa akin at maramdaman ko naman ang pagmamahal na pinagkait sa akin

Sa daming mga senaryong tumatakbo sa isip ko ay hindi ko namalayang nadala na ako sa aking kapaguran at nakatulog na agad ako





_______________________________________

What do you think guyss?

Anong reaksyon niyo sa pagbabago ni Zandra?

Ano kayang mangyayari?

Abangan.......

That Dangerous Mafia Boss Is The Father Of My TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon