Chapter 30: Flashback III

3.1K 70 8
                                    

Third Person Pov

Sinikap ni Zandra na imulat ang mga mata niya kahit dama niya ang pananakit nito dahil sa kanyang pagiyak mula kanina Sa kanyang pagupo sa kama ay napansin niya agad na iba ang kanyang suot mula sa puting dress ay pula na ito ngayon na may halong itim at ang kaninang nakalugay na buhok ay nakaayos na sa french braid na may mga palamuting nakalagay samantala pagkatayo niya ay napansin niya agad ang pares ng sandals na black nagalak naman ang puso ng bata dahil sa nakikita alam niya na galing ito sa kanyang pinakamamahal na mamita at nang mapadako ang tingin niya sa salamin inagaw nito ang atensyon ni Zandra dahil sa kwintas na nakasuot na sa kanyang leeg, Isang CREST na may nakaukit sa gilid nito ang salitang "QUEEN" isang pamana sa mga susunod na mamumuno ng pamilya hindi alam ng batang Zandra ang ibigsabihin nito kaya pinagsawalang bahala na lamang niya ito ng maagaw muli ang kanyang atensyon dahil sa ingay na kanyang naririnig sa baba dahil sa pagtitipon

"hala! nakatulugan ko na, ngayon nga pala ay may isang mahalagang anunsyo sina mommy at daddy Sana hindi pa tapos"-saad ni Zandra sa kaniyang sarili kaya agad niyang sinuot ang sandals at muling dumungaw sa bintana upang makita ang nangyayari at upang marinig din ang mga sinasabi nila Ang ilan sa mga bisita ay nagkakasayahan na sa ibaba ang di nila alam ay nakamasid lamang ang batang Zandra sa bawat kilos nila tila nagmamatyag na baka bigla na lamang magkagulo hindi naman lingid sa kaalaman ng bata ang tungkol sa Mafia na kinabibilangan ng kanyang pamilya naputol lamang ang pagtingin tingin ng bata ng may pumasok sa kanyang kwarto

"Happy 7th Birthday Zandra"-bati ni Ate Myra ang isa sa mga anak ni Nhay Maria nasa likod nito si Nhay Maria habang hawak ang isang maliit na cupcake samantala ang isa namang anak naman nito ay wala,si Mela ang bunso alam ni Zandra ay nasa probinsya nila ito upang doon muna mamalagi para magaral at pag sa tamang edad nito ay sa maynila na din muna ito tutuloy

"Salamat Ate at Nhay,nagabala pa po kayo"-nahihiyang sagot ni Zandra

"ikaw talagang bata ka kailan ka ba naging abala sa amin ha"-sagot dito ni maria

"Kaya nga Zandra para naman na din kitang kapatid tsaka dahil din naman sayo nasa mansion pa rin kami"-sagot ni myra dito napangiti na lamang ang bata dito at agad lumapit para yumakap

"pacensiya ka na nak ha dahil hindi man lang kita nabilhan ng kahit anong regalo tapos tingyan mo nga kinuha ko lang ito sa baba para magkaroon ka ng cupcake hayaan mo pagbalik natin bibigyan kita ng regalo"- saad ni maria dito alam niya ang nararamdaman ng alaga dahil hindi man lang ito nakapag celebrate ng kaarawan nito ngayong ikapitong gulang na nito ni hindi na nga matandaan ni maria kung kailan nga ba ang huling selebrasyon ng pamilya Monteverde sa kaarawan ng bata ni kaylan man hindi naransan ng bata ang makapag handa ng malaki at pagsasabay nina Aria ng pagdiriwang ng kanilang kaarawan

"Wala pong problema sa akin iyon nhay tska sanay na po ako''-sagot ni Zandra hindi na naituloy ni maria ang dapat niyang sasabihin ng biglang magsalita ang kaniyang amo na si Mrs. Camilla Monteverde Napunta ang lahat ng attention ng mga tao kay Mrs.Camilla Monteverde ng magsalita ito halos tahimik ang lahat maliban na lamang sa ingay ng mga flash ng camera lahat sila ay tutok sa maaaring sabihin ng ginang samantala sa silid ni Zandra tanging si Myra na lamang ang kanyang kasama dahil pinatawag si Maria ng kanyang ma'am Esmeralda kaya kinakailangan nitong bumaba si Zandra naman ay tahimik lamang at nagiintay sa susunod na mangyayari napansin niya ang pagalalay ng kanyang ama sa kapatid at isa isa ng umaakyat ang myembro ng kanilang pamilya nandoon ang kaniyang Mommy Camilla,Daddy Darwin,Kuya Calix,Clark,Mamita Esmeralda, Emperor Enzo,kasama din ang kanyang lola at lolo sa side ng kanyang ama na sina Lady Dary,Emperor Rexton at ang huli ang kanyang kakambal na kapatid na si Aria naupo ito sa gitnang upuan kung saan nakapaligid sa kanya ang ilan sa mga pinakamahal at importanteng regalo

"*ehem* Good evening ladies and gentlemen First,thank you for coming this night sa kaarawan ng nagiisa naming prinsesa Happy Birthday Caria Raxes Monteverde the one and only princess of our family This night I want to formally announce The Sacxon and Monteverde Clan are officialy declared that you are one of the royal heiress of the family, let's cheers eveyone
   For my Daughter! and For Success! CHEERSSS!!!"- anunsiyo ni Mr Darwin Monteverde ang ama ng mga ito

Natuod naman sa kanyang pwesto si Zandra dahil sa narinig na anunsyo ng mga ito Hindi napansin ni Zandra ang nanyayari sa kanya samantalang napahawak na lamang sa kanyang bibig si Myra dahil sa pagkabigla

"L-lady Z-zandra ang mga m-mata niyo"nauutal na sabi ni Myra dahil sa takot

"Bakit Ate?anong nangyari sa m-mata ko" nagtatakang tanong ni Zandra dito

Dali-daling lumapit sa salamin si Zandra at bumalatay sa kanyang mukha ang takot dahil sa kulay ng kanyang mata

"A-ang mga m-mata ko A-ate a-anong nangyayari Ang mga m-mata ko Kulay B-berde B-BAKITTTT"natatakot na tanong ni Zandra dito Hindi naman makatingin si Myra kay Zandra dala na din sa takot kakaiba ang mata ng bata isang mata na tila hinihigop ka para sa naghahanda mong kamatayan

"L-lady baka y-yan ang l-legendary eyes para sa mga susunod na m-mamumuno" sagot ni Myra

"AHHHHHHH!! hindi maaari I-IBALIK NIYO ko sa dati ATE b-bakit AAAHHHHHH!!!!''Hysterical na sabi ni Zandra dahil sa kaniyang nalalaman takot yan lamang ang kaniyang nararamdaman pakiramdam niya ay isa siyang halimaw na maaaring makapinsala ng lubos

Tahimik lamang nakamasid si Myra kay Zandra na ngayon ay nakaluhod na at na natiling nakaharap sa salamin Hindi niya alam ang gagawin hanggang bigla na lamang tumayo si Zandra ngunit hindi pa man lubos itong nakakatayo ng maayos ng matumba ito

LADY ZANDRAAA!!-sigaw ni Myra at agad itong lumapit after mawalan ng malay ng bata inalalayan niya agad into upang mahiga muli sa kama dali-dali naman siyang bumaba upang ipagbigay alam ang nangyari kay Zandra

Nang makababa si Myra agad niyang hinanap ang ina ngunit napakalayo nito sa kanya kaya wala siyang nagawa kung hndi lumapit na kay Esmeralda sa mamita ng bata dahil alam niyang ito lamang ang kanyang maaasahan at mapagkakatiwalaan Agad na lumapit si Myra dito

"Madame paumanhin po sa abala ngunit may kailangan po akong sabihin sa inyo"sabi agad ni Myra dito paglapit tumingin lamang ng makahulugan si Myra dito upang maipagbigay alam na tungkol iyon sa kanyang apo na si Zandra tumungo na lamang ito senyales na susunod na ito

"Bakit ganun na lamang ang nangyari kawawa naman si Lady Zandra sa murang edad niya ay nararanasan na niya ang mga pangyayaring ito" bulong ni Myra sa kanyang sarili at dali-daling sumunod sa kanyang amo

Samantala pagkadating ni Esmeralda sa kwarto ni Zandra at agad itong lumapit sa bata upang matingyan niya ang kalagayan nito tila nanghina naman ang donya dahil sa kanyang nakikita nadudurog ang kanyang puso para sa kanyang apo






+++++++++++++++++++++++++++

Paumanhin po sa sobrang tagal kong walang update sorry po naging busy lang po talaga and gagawin ko po ang best ko para po sa mga sunod na updates Sorry

That Dangerous Mafia Boss Is The Father Of My TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon