AUTHOR'S NOTE: On the side, yan ang damit ni Bree. Discard the woman wearing the dress. Yung damit lang ang tingnan niyo. Hehe. Enjoy reading :)
CHAPTER 5
BREE looked at herself in the mirror. Inayos niya ang naka-bun na buhok at tinitigan ang sariling mukha sa salamin para tingnan kung ayos na ba ang make-up niya. Nang masigurong maganda na siya, kinuha niya ang kulay itim na clutch bag at lumabas ng kuwarto niya.
"I can't believe it took you three hours to get ready. Alam mo bang kanina pa ako parang timang dito sa sala mo habang hinihintay ang pagbaba mo?" Sentimyento ni Ymar habang masama ang tingin sa kanya.
Way back in High school, she had two male friends. Si Ymar at si Faust. Hanggang sa mag-college siya, nanatiling kaibigan niya ang dalawa. But sadly, si Ymar nalang ngayon ang matatawag niyang kaibigan, 'yong isa, sagad sa buto ang galit sa kanya.
Nginitian lang niya si Ymar ng pagkatamis-tamis. "Hindi kita inimbita na maging-date ko ngayong gabi. You volunteered. Kaya wala kang dapat sisihin kung hindi ang sarili mo."
He rolled his eyes. "Bree, you called me, begging. Ano naman sa tingin mo ang mararamdaman ko habang kausap ang best friend ko na halos umiyak dahil walang ka-date sa writer's ball na dadaluhan niya? Dapat nga magpasalamat ka sa akin, from Baguio, pumunta pa ako rito para samahan ka."
Sumimangot siya. "Kaya nga e, best friend mo ako kaya hindi ka dapat nagagalit sa'kin."
Huminga nalang ito ng malalim at lumapit sa kanya. "You look pretty." Nakangiting wika nito na ikinatawa niya ng mahina. "What?"
"Wala. Best friend nga kita. Halika na."
Pinigilan siya nito ng akmang maglalakad siya patungong pinto ng bahay. "Ano nga? Sabihin mo sa'kin."
Hinarap niya ito at iminuwestra ang gown na suot. "I look hot, Ymar, not pretty. Men will drool if they see me with this outfit, but you, you didn't even blink."
Ymar chuckled. "That's because I'm your best friend and I respect you. At saka, ewan ko ba, kahit siguro maghubad ka sa harapan ko, no effect. Hindi talaga ikaw ang tipo kong babae."
Binatukan niya ito. "Some best friend you are."
Ngumisi ito at hinawakan siya sa siko. "Tara na? Ang ayoko sa lahat ang 'yong nali-late ako."
She shook her head. "Too bad. Late na tayo."
"Kasalanan mo 'yon."
"Whatever."
KANINA pa hindi mapakali si Sebastian sa kinauupuan. Panay ang tingin niya sa pintuan ng malaking grand hall kung saan gaganapin ang writer's ball.
Nang makita niya si Snow, nilapitan niya ang sekretarya. "Dumating na ba si Scarlet?" Tanong niya rito.
Umiling ito. "Hindi ko alam, Sir. Pero malalaman natin kapag dumating siya. Ina-announce diba roon sa may pintuan kung sino ang pumapasok."
Tumingin ulit siya sa pintuan ng grand hall. "Nasaan na kaya siya?"
"Seb! I was looking for you. Bigla mo nalang akong iniwan." Anang boses ni France sabay pulupot ng braso sa braso niya. "Come on. Let's sit."
Hinila siya ng babae patungo sa pandalawahang mesa na nakalaan para sa kanila. Mukhang pinaghandaan talaga ang writer's ball na ito. Mula sa entrance hanggang sa tables, special para sa mga writer's na pupunta.
Tables are reserved for every writer and their companion for the night. Ang ibang writer, kaibigan na babae ang kasama o kaya naman ay kapatid, ang iba naman ay asawa o kasintahan ng mga ito. Hindi lang writer's ang imbitado, pati rin ang mga katulad niya na president ng isang Publishing Company.
BINABASA MO ANG
Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOM
General FictionNOTE: SPG/R-18 Available in any PPC store | Published Under Red Room | Price: 79.00php | Pocketbooksize A night before Sebastian's wedding with France, his girlfriend for two years, his friends throw a stag party for him. They even pay a woman to p...