CHAPTER 9

738K 14.7K 2.4K
                                    

CHAPTER 9

HUMUGOT ng malalim na hininga si Bree pagkatapos niyang i-send ang manuscript niya kay Sebastian through e-mail. May kung ano sa loob niya na hinihintay ang reply ni Sebastian pero pinigilan niya ang damdaming iyon. Hindi iyon makakabuti sa kanya.

Isinara niya ang laptop at huminga ng malalim. Pagkatapos ay tumayo siya para kunin ang cell phone niya na kanina pa nag-iingay. Sinagot niya ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello, Bree speaking." Aniya sa kabilang linya.

Ilang segundo ang lumipas bago ngasalita ang nasa kabilang linya. "Hey, this is Sebastian."

Bree stilled when she heard that baritone voice. Instead of hanging up, she decided to talk to Sebastian.

"Bakit ka napatawag? May mali ba sa Manuscript ko?" Tanong niya sa pormal na boses.

"Actually, hindi ko pa nababasa ang Manus mo." Anito at huminga ng malalim. "Tumawag ako kasi may natanggap akong imbitasyon galing sa Asia's Writer association. Nalaman kasi nila na narito ka na sa Pilipinas at writer ka sa publishing company ko. Ini-imbitahan nila tayong dalawa sa gaganaping Asia's writer's gathering sa Singapore. I just want to know if you'll accept the invitation or not."

"Kasama ka?"

"Yes." Walang buhay ang boses nito. "Ako ang kasama mo. Hindi mo puwedeng isama ang boyfriend mo kung iyan ang sunod na itatanong mo. Kung pupunta ka, ako ang kasama mo." Matigas ang boses na anito.

Nalukot ang mukha niya. "Hindi ko naman isasama si Faust kong pupunta man ako. And I have nothing against you, bakit naman kita aayawang makasama?"

Tumawa ito ng pagak sa kabilang linya. "Bree, stop pretending. I know you don't want to see me or to be with me. Kaya nga diba through e-mail nalang ang pagpasa mo ng Manus mo?"

Itinirik niya ang mga mata. "Sebastian, kaya ko lang naman ginawa 'yon kasi iyon ang gusto ni Faust."

"Ah, so si Faust na pala ang may-ari sa'yo ngayon kasi siya na ang nagdi-desisyon para sa'yo." Puno ng sarkasmo ang boses nito. "Why Bree, bakit bigla ka nalang pumayag sa mga gusto ng lalaking 'yon? I mean, yes, he was your ex fiancé but do you really have to do what he told you to? Wala ka bang sariling isip o sariling desisyon para pikit mata kang sumunod sa kagustuhan niya?"

Natahimik siya bigla sa tanong nito. Sinusunod lang naman niya si Faust dahil ayaw niya ng gulo. Hindi puwedeng masira ang relasyon nila ni Faust. She already made peace with the fact that she won't have a future with Sebastian, but something in her yearns for him and she doesn't like that.

Si Fuast ang kasintahan niya. Dapat ito lang ang laman ng puso't isip niya at wala ng iba pero palaging sumisingit doon si Sebastian at naiinis siya sa sarili niya.

Nang hindi siya magsalita, nagsalitang muli ang binata sa kabilang linya. "By the way, nasa labas ako ng bahay mo. Papapasukin mo ba ako?"

Napasinghap siya at mabilis na dumungaw sa bintana para tumingin sa may gate ng bahay. Natutop niya ang bibig ng makita roon ang binata na nakatayo at nakatingin sa harap ng bahay niya.

"Anong ginagawa mo riyan?" Gulat na tanong niya. "Akala ko nasa opisina ka."

Nang magsalita ito ulit, may bahid 'yon na paglalambing. "Na-miss kasi kita kaya narito ako sa harap ng bahay mo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig na sinabi nito.

"Umalis ka na!" Hindi napigilan niyang sigaw. "Ayokong mag-away kami ni Faust dahil sa'yo."

"Pakialam ko sa inyo. Nag-away kami ni France dahil sa'yo. So I think we're even."

Pinatay niya ang tawag at tinungo ang pintuan ng bahay para kausapin ng personal si Sebastian. Nang makita siya ni Sebastian na naglalakad patungo sa gate, titig na titig ito sa kanya. She felt awkward walking towards him. Ramdam niya ang matiim nitong titig kahit nakatungo ang ulo niya. Pagdating niya sa gate, hindi niya pinagbuksan ang binata.

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon