PROLOGUE 1

1.2M 22.1K 3.7K
                                    

PROLOGUE 1

IT WAS a chilly night in Haven's Resort. Nakasuot ng sleeveless na damit si Bree. Gusto niyang kutusan ang sarili ng makaradam ng lamig. Nakalimutan niyang magdala ng jacket o kaya naman sarong. Bakit naman kasi hindi nalang siya dumeretso sa hotel room niya mula sa bar kung saan naka-inom siya ng limang shot ng Mojito at tatlong shot ng Tequila. Para ngang bahagyang umiikot ang paningin niya. She's not drunk, just a little tipsy. Medyo marami rin kasi ang nainom niya.

Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad sa buhangin malapit sa dagat. She's enjoying the peaceful slumber of the night when she heard a booming laughter.

Napatingin siya sa pinanggalingan niyon. Her forehead knotted when she saw group of men in a floating cottage. They all seem happy. Specially the one in the center.

Hmm... The man in the center captured her attention. Mula sa kinatatayuan niya, nakikita niyang guwapo ito. Sayang. Sana man lang makita ko siya sa malapitan para magamit ko siyang hero sa nobela ko.

Baka isipin ng mga ito na nagi-ispeya siya dahil nakatingin siya sa mga ito, mabilis siyang naglakad pabalik sa Hotel. Tutal ay gabi na naman, mas makabubuti kung matutulog na siya. Maaga pa ang alis niya bukas patungong San Francisco.

She was invited to participate in Erotic Writers Convention. It's an international event and it's a big honor for her and for her that they wanted her to be a part of such gathering. She published her own books, kaya naman para mapansin ang gawa niya at siya bilang isang writer ay talagang big deal sa kanya. Ellora’s Cave, the premier publisher in erotic romance even offered her to be their exclusive writer. Kaya naman hindi niya palalampasin ang opotunidad na ito na makapagsulat para sa pinapangarap niyang Publishing Company.

Nang makarating sa room nine, inilabas niya ang susi ng inuukupa niyang silid mula sa bulsa at binuksan ang kuwarto. She entered then closed the door.

Habang naglalakad patungong kama, isa-isa niyang hinubad ang lahat ng damit sa katawan. She had this strange behavior. She can't sleep with her clothes on, kailangan hubad siya para makatulog siya ng mahimbing.

Nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama, a moan escape her lips. What an amazing bed. Ang lambot. Dapat sulitin niya ang huling gabi niya sa Hotel na ito. Bukas, Hello San Francisco na siya. Ipinikit niya ang mga mata para matulog na. Nakatulong ang alak na nainom niya para makatulog siya ng mahimbing sa gabing iyon.

SEBASTIAN'S friends laughed hard when he declined their offer. Ayaw niyang magalit sa kanya si France, ang soon to be wife niya. Ilang oras nalang ang bibilangin niya, magiging married na siya.

"Seriously, guys. I'm not interested." Aniya at tinunga ang alak na nasa baso. "I love, France."

Martin scoffed. "Ang sabihin mo, myembro ka na ng takusa. Takot sa asawa. Hindi pa nga kayo kinakasal e."

"Oo nga." Segunda ni Yuan. "Hindi naman ito malalaman ni France. This is between us guys. Hindi ito lalabas. We promise." Pangungumbinsi nito sa kanya.

He shook his head. "It's still a no."

Ngumisi si Pierre. "Seb, hindi ka namin titigilan hanggat hindi ka pumapayag."

Napailing-iling nalang siya at tumingin sa karagatan. Ayaw niyang patulan ang kalokuhan ng mga kaibigan pero alam niyang hindi siya ng mga ito titigilan. If he said no, they will just pester him to no end. Baka pati bukas sa araw ng kasal niya ay kulitin pa rin siya ng mga ito. Or worse, hindi ang mga ito sumipot sa kasal niya bukas!

"Come on, Seb." Anang boses ni Martin. "Just this one and we'll stop bugging you. This is for your own good. At kapag hindi ka pumayag, hindi ka a-attend sa kasal mo bukas."

Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon