CHAPTER 15
BREE'S eyes were sore from crying. Hindi siya lumabas ng silid kahit nuong nananghalian na dahil ayaw niyang makita ng mga ito ang namamaga niyang mga mata. Kaya ng dalhan siya ni Sierraty ng pagkain sa kuwarto, kinumutan niya ang sarili mula ulo hanggang paa at sinabi niyang masama ang pakiramdam niya at wala siyang ganang kumain.
Halatang nag-alala ang mga ito sa kanya dahil pumasok si Tita Sophie sa silid at kinumusta ang pakiramdam niya.
"Bree?" Tawag nito sa pangalan niya. "Ayos ka lang ba?"
"Opo." Sagot niya mula sa loob ng kumot. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko."
"May lagnat ka ba?"
"Wala po." Pagsisinungaling niya. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya.
"Do you want me to get Sebastian for you?"
Nanikip ang dibdib niya at nag-umpisa na namang manubig ang mga mata niya ng marinig ang pangalan ng binata. "H-Hindi na po kailangan. Ayos lang po ako."
"Are you sure, iha?" Paninigurado nito sa kanya.
"O-Opo."
"Sige. Magpahinga ka nalang para umayos ang pakiramdam mo." Wika ng ginang. Napaka-bait talaga nito. "Kapag nagutom ka, bumaba ka lang. Nasa lamesa ang pagkain."
"Okay po."
She heard her sighed before she left. Naiwan na naman siyang mag-isa sa silid na iyon. Minutes later, Bree found herself sobbing again.
NAPAKUNOT ang nuo ni Sebastian ng tumunog ang cell phone niya at nakitang ang ina niya ang tumatawag.
"Who's that?" Usisa ni Adam. Marami na itong nainom na alak pero hindi pa rin ito lasing.
"Si Mommy." Aniya na nakatingin sa screen ng cell phone niya habang nag-iisip kong sasagutin ba niya o hindi.
Alam niya kung bakit ito tumatawag. Gusto nitong siguraduhin na hindi siya nakikipag-suntokan.
"Answer it, baka importante." Wika ni Adam at inubos ang laman na alak sa bote na hawak nito.
He sighed and answered his phone.
"Hello, mom." Aniya sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag. "I'm not punching someone if that's the reason why—"
"Umuwi ka sa bahay ngayon din." Her mother's voice sounds tense. "Hindi kumain ng dinner si Bree. Nang puntahan ko sa kuwarto, nakatalukbong ng kumot at masama raw ang pakiramdam. Nagtanong ako kung may lagnat siya at nagsinungaling siya sa'kin. Sabi niya wala, pero nararamdaman ko naman ang init na nanggagaling sa katawan niya. Anak, Bree needs you. Umuwi ka muna." Pagkasabi 'non ay pinatay nito ang tawag.
Kinain siya ng pag-aalala sa narinig mula sa ina niya. In that moment, he wanted to see Bree if she's okay. He wanted to make sure that Bree is not sick and her mom was just kidding him. Pero kailan ba nagsinungaling ang ina niya sa mga ganoong bagay?
Binalingan niya si Adam na may hawak na namang isang bote ng martini na hindi pa nabubuksan.
"Man, I have to go." Aniya sa kaibigan.
His eyebrow rose up. "May emergency ba sa inyo?"
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Nag-aalala talaga siya. "Bree is sick."
Tumango-tango ito na parang naiintindihan nito ang nararamdaman niya. "You should go home, pare. Magkita nalang tayo kapag may free time ka."
"Thanks, man. Aalis na ako." He tapped Adam's shoulder. "Don't drink to much."
BINABASA MO ANG
Mine (Completed) - PUBLISHED UNDER RED ROOM
General FictionNOTE: SPG/R-18 Available in any PPC store | Published Under Red Room | Price: 79.00php | Pocketbooksize A night before Sebastian's wedding with France, his girlfriend for two years, his friends throw a stag party for him. They even pay a woman to p...