Picture ni Serena sa right side. :">
--------------------------------------------------------
"Death, in all men, is inevitable. Today we are gathered here to accompany our old friend, Maxwell Calhoun, to the Almighty Father. From dust he was created, and from dust he will return.."
Serena Calhoun tried her best to listen to the preacher's final farewell to her ste father. Pero sa kabila ng pilit niyang pakikinig ay hindi pa rin nakalampas sa pandinig niya ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.
"Bumalik na pala. Siguro nakonsensya."
"Umaasa siguro sa makukuhang mana."
"Hindi na nahiya. Hinintay na mamatay muna ang ama bago muling tumapak dito."
Napapikit siya. So that is what people have been thinking of her. At her side she caught glance of her mother. She was dressed fashionably, one that you would expect from an ex-Mayor's widowed wife. Naramdaman niyang humigpit ang hawak sa kanya ni Gwen. Marahil ay hindi rin nakaligtas sa pandinig nito ang bulungan.
"Don't mind them." Her mother mouthed the words.
Nagconcentrate siya sa misa ng pari. Only to be disturbed again by the loud roaring nearby. Ang lahat ng mata ng mga naroon ay natuon sa paparating na lone biker. With long hair blown by the summer wind, hindi niya makita kung sino ang bisitang dumating para magbigay ng huling respeto para kay Max.
"Oh my God. The nerve of him to show here." Narinig niyang sabi ni Abby.
"Sino?"
Ngunit bago siya sinagot nito, hininto ng bagong dating ang Harley at kaswal na ipinarada iyon sa gitna ng mga nagkikintabang sasakyan. Her heart skipped when the man's stride reminded her of someone.
"Here comes trouble."
"Ano ang ginagawa niya dito?"
Muling nagsimula ang bulungan but this time, patungkol na ito sa lalaki na naglalakad sa kinaroroonan nila. Dressed in faded jeans and white shirt, halos iluwa ng suot nito ang naguumbukang biceps. There was something familiar with the bad-ass biker's smooth olive skin and jet black hair, but Serena couldn't place him.
"Siguro ay guguluhin sa huling pagkakataon ang libing ng tatay niya."
Serena's heart stopped a mile just at the same time the stranger's dark eyes met her. Of course! How can she not know him?
Levi Allegrezza, the bastard son of her father, according to some. Paanong hindi niya makikilala ang mga matang iyon? She saw them pierce through hers a thousand times in the past. Naramdaman niya ang paglapit ng lalaki sa kabaong at kahit nasa kabila ito ng kintatayuan niya, she knows she was being observed.
"Let us pray for Maxwell Calhoun." Ani pari.
Sumunod siya sa lahat ng mga naroon at niyuko ang ulo.
"Ang gwapo niya pa rin."
"I heard wala siyang nobya ngayon."
"Sana maisakay niya ako sa motor niya."
Ilang babae sa likuran ang wala na yatang hiya na bumulong nang malakas. Gusto niyang singhalan ang mga ito. Hindi bar ang pinunta nila dito kundi ang burol ni Max. She frowned and closed her eyes. Even as a child, Nick Allegreza had attracted more than his share of attention. And she hates it!
"Amen." The mourners recited as one.
"Yeah, amen." Serena uttered and then glanced over the top of her sunglasses. She watched Levi's lips move as he made a quick sign of the cross. Tumaas ang kilay niya.
Surely he must be bluffing, right?
Natapos ang service at nagsimulang lumapit sa kanila ni Abby ang mga bisita. Nagawa niyang ngumiti at kausapin ang lahat. She lost sight of Levi and it had been good.
"Hanggang kailan ka dito, hija?" Tanong sa kanya ni Mr. Ricafort, ang business partner ni Max. She used to date his son for a year.
"I don't know. I was planning to leave maybe tomorrow or the day after. May naiwan pa kasi akong trabaho sa Chicago."
"Maybe you want to see James again while you're here, eh?" Ang anak nito ang tinutukoy nito.
The rumble of Levi's Harley drew her attention and she looked over her shoulder. Halos magsalubong ang kanyang mga kilay nang makita kung sino ang nakaangkas sa likuran ng motor nito.
The nerve! At ginawa pang pick-up bar ang burol ng tatay niya. Hindi niya kilala ang babae na parang tuko na nakakapit sa bewang nito. Ganunpaman ay wala na siyang pakialam. Mas magtataka pa siguro siya kung umalis ito nang walang pinipick-up na kung sino.
"So Serena, what can you say?" Muling tanong ni Mr. Ricafort.
Tiningnan niya ang matandang lalaki. Habang sa gilid ng mga mata niya ay tinitingnan ang papalayong motorsiklo ni Levi.
"I don't know. Honestly I don't pick up guys."
Huli na para bawiin niya ang sinabi. Her mother silently glared at nakita niyang napamata sa kanya ang mag-asawang Ricafort. She slowly cursed and wished the earth would swallow her.
Shet. It was Levi.
His presence always seems to get the bad side of her.
BINABASA MO ANG
The Will of Engagement.
RomansaLove is when you can't hate no matter how much wrong is done to you. If you can love beyond all of the hurt, then it must be true. Love is experienced to share, not to keep it all bottled up. :">