Chapter 2. [Princess Serena]

12 0 0
                                    

Picture ni Levi sa right side. 

A/N: Levi has dark eyes, while Matt Bomer has blue or green eyes. Whatever. Nevertheless, he's still the perfect Levi. :">

--------------------------------------------------------

"Seriously Serena. Don't you have nothing else to say?"

Nasa limousine na sila on their way back to the Calhoun Mansion nang harapin siya ni Abby. Alam niyang patungkol ito sa inasal niya kanina sa harapan ng mag-asawang Ricafort. Pero hindi naman niya pwedeng sabihin dito na she was just triggered by an unwelcoming presence. Bringing Levi in the topic would just aggravate her mother's anger.

"I'm sorry. But they want me to see their son."

"So? You dated James for some time. Ano bang problema doon?"

"Not if the guy is a cheating machine." Ingos niya sa ina.

Bumuntong hininga si Abigale at tiningnan ang anak. Serena had always been distant and hard-headed. Noong nabubuhay pa si Max at bata pa si Serena ay malimit na ang dalawa ang nagkakasundo. Mas malapit ang huli sa lalaki bagamat hindi sila magkadugo. Nagpapasalamat na din siya dahil hindi siya nahirapan ipakilala si Max sa bata.

"At ano itong sinabi mo kanina na uuwi ka rin agad? Don't you have plans of staying here for good?"

"I have my work, Mom. Ayokong iasa kay Max ang buhay ko."

"He only wants the best of you. Kaya hindi ka niya pinayagan noon na umalis dito dahil he knows how you can decide sometimes without using logic. You jump ahead without thinking of the consequences."

Naipikit ni Serena ang mga mata. Here they go again. As much as she loves and missed her mom for the last seven years, talaga nga yatang hindi na sila magkakasundo sa mga bagay-bagay. Abigale is just like Max, laging nakikialam sa buhay niya at tinuturing siyang bata na wala pang muwang.

It had been her problem with Max before they had a falling out ilang taon na ang nakakaraan. Aaminin niya, he had been a great father to her and the perfect husband to Abigale. But he just couldn't let go of her yet. Habang ang mga kaedad niya noon ay nagsisilayasan na sa poder ng mga magulang para hanapin ang sarili sa ibang lugar, Max did not gave her that kind of freedom. Gusto nitong panghawakan na lang niya ang negosyo nila kesa umalis siya to discover the world. In other words, she was a prisoner of her own life. 

"I built and owned a salon in Chicago. Pinaghirapan ko iyon mula sa pawis ko. Hindi man iyon kasing ganda o kasing gara ng mga negosyong gustong pahawakan sakin ni Max, at least I could say na akin iyon. You both should be proud of me." May pait sa boses na sabi niya.

"Pinagmamalaki ka namin at alam mong ganun din si Max. Pero naisip mo rin ba na kung sinunod mo lang sana kami noon ay hindi ka na nagpapakahirap pa na mamuhay mag-isa sa Chicago? Max provided you everything. He even included you in his last will."

Of course, he would! That is Maxwell Calhoun's way of getting back at her for what she did at the past. Including her in his will as if she badly need it.

"Hindi ako interesado sa will na yan."

Tumigas ang mukha ni Abigale.

"Sa ayaw at sa gusto mo, mananatili sa lugar na ito habang hindi pa nababasa ang last will and testament. Hindi ko ito inuutos dahil binilin ito sa akin ni Max. Inuutos ko ito dahil ako pa rin ang ina mo."

Pagkatapos noon ay sinoot na ni Abigale ang itim na Chanel sunglasses. Nakapaskil na ang ngiti sa magandang mukha nito bago pa man bumaba ng limousine. Sa malaki at engrandeng Calhoun Mansion ginaganap ang funeral lunch para kay Max. Pagbaba pa lang ni Abby sa sasakyan ay napakarami nang tao ang nagpaulan ng condolences dito. And Abigale is playing the mourning widow part really well, both being depressed and being regal at the same time.

Kung siya lang sana ang tatanungin, she would head directly back to the airport to catch the next flight to Chicago. Wala na si Max, ano pa ang gagawin niya dito? Matagal niya nang kinalimutan ang bayan ng Idaho. Ang bayan kung saan ang pamilya niya ang tinuturing na royal family ng lahat. 

Max is the King, Abby is the Queen, and she is the Princess.

But even Princesses need a break. Kailangan niyang magisip ng paraan. She just got to get out of here bago pa man masira ulit ang isipan niya.

Or worse, ang buhay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Will of Engagement.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon