"Yaya! I want Ice cream!" Kanina pa nangungulit ang batang si Psyche.
"Princess, Hindi kita pwedeng iwan dito. Wala kang kasama at masyadong malayo ang tindahan." paliwanag ng kanyang Yaya na tila naiinis na.
"Don't worry Yaya, dito lang naman ako sa Park. I'm not so makulit naman po eh" di parin patatalo ang bata. Gustong gusto na talaga niya ng paborito niyang ice cream.
"OK. Basta dito ka lang ha. Wala ka pang kakilala dito." Sumuko ka din ang kanyang Yaya sa kanyang kakulitan.
"Yehey! I love you na Yaya! You're sooo beautiful!" nagtatalon ito sa tuwa.
"Siya Siya. Maiwan na kita. Binola mo pa ako. Ikaw talagang bata ka"
Umalis ang kanyang Yaya para bumili ng ice cream. Nagpatuloy sa paglalaro si Psyche. Abala siya hanggang sa may mga batang lumapit sa kanya. Tumingin siya sa mga ito.
"Hello!I'm Psyche Monteverde!" masigla niyang bati. Ngunit nagtawanan lang ang mga bata.
"Look oh! Wala siyang ngipin sa harap!"
"Ahh bungi"
"She's so ugly!"
"ewww!"
Tukso ng mga bata sa kanya."Look at her hair! It's so curly!" Sabi ng isang bata at hinila ang kanyang buhok.
"Hilain natin para maging straight!" sabad pa ng isang bata."No! It hurts!" sigaw niya, ngunit di sila nakinig hanggang sa...
"Stop!. I said stop!" Nagulat sila sa sigaw ng isang Lalaking bata."Isusumbong ko kayo sa mga parents niyo!" dugtong pa nito.
Agad agad namang umalis ang mga bata dahil sa takot sa kanya. Seryosong seryoso kasi ito.
"T-Thank you" nauutal na sabi ni Psyche.
"you're welcome. Bago ka lang ba dito?" Wala na ang galit sa mukha ng batang lalaki.
"Yup! I'm Psyche Monteverde! How about you?" Masiglang Sabi nito.
"I'm Alexander Brix Vergara."
"Can you be my friend? wala pa kasi akong kaibigan dito"
"OK. From this day, I'm your friend!"
Nagtatalon naman sa tuwa si Psyche. She's so happy. Natigil Siya nang dumating na ang Yaya niya."Jusko. Anong nangyari sa buhok mo?!" gulat na gulat ang Yaya niya.
"It's noting Yaya. And oh, he's Brix! Kaibigan ko" tumingin ang Yaya niya kay Brix. At ngumiti lamang si Brix.
"OK, kailangan na nating umuwi. Ayusin Natin hair mo. Eto na pala yung ice cream mo" Sabay abot sa ice cream na Mas lalong nagpalapad ng ngiti ni Psyche.
"Thanks Yaya. Bye Brix! Till next time!"
"Yeah, bye."
And that's how their story started.
BINABASA MO ANG
Is it too late?
Novela JuvenilTo love someone is a great feeling. But loving your best friend is too hard. It fucking hurts. AN: Sorry, it's my first time to write a story, so please bear with my grammars😢🙂