Psyche's P.O.V
I'm with Alexander Brix Vergara, my boy best friend. He's dancing with me.
Ang saya saya sa pakiramdam. Para akong nasa langit. Never kong na imagine na mangyayari to. Sana palaging ganito.
Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Heck. Anong gagawin niya?
Is he going to kiss me? Shet na malagkit.
Ayan na.. Malapit na..
Konting push nalang.
Ayan na...."Psyche gising na!!"
Sa sobrang gulat ko muntikan akong nalaglag sa kama. Sino ba tong storbo?
At p*ta panaginip lang yun? Sana di nalang ako nagising eh. Sayang. Hahalikan na niya ako!! Take note, Si Brix yun! Si Brix!
"Ano ba yan! Storbo! Kitang natutulog yung tao eh!" sigaw ko pabalik. Like duh, ang aga aga pa at wala namang paso--
Wala sa loob akong napatingin sa orasan. 9:03??!
"Wahhh!! LATE NA AKO!!" napasaarp ata ako ng tulog. 9:00 pasok ko eh!
Agad agad akong lumabas sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad ang napaka gwapong mukha ni Brix. Alam kong guni guni ko lang yun. Nag da day dream na naman ako. Tsk. Palagi nalang. Ano namang gagawin nun dito? Late na ako, baka nasa school na yun.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may humila sa braso ko.
"Ano ba?!" tsk. Makahila to wagas.
"Wow Psyche! Kanina pa ako naghihintay sa harap ng kwarto mo pero lalampasan mo lang ako? Wala man lang good morning? And we're late! Nagpuyat ka na naman ba kagabi?" galit na ata si Brix. So totoo nga na nandito siya. Kala ko guni guni ko lang eh.
"Sorry naman. I didn't ask you to wait for me. Pumasok ka nalang sana na Wala ako. Oh Diba? Hindi ka pa na late?"
"Tsk. It's not my poi-"
"Oppss Tama na. Late na tayo. Mamaya na tayo mag away. Maliligo lang ako" putol ko sa sasabihin niya. Abugh alam ko namang mahaba habang usapan na naman to. Ke aga aga nagsesermon na naman.
"Tsk. Ok fine. Bilisan mo. May practice pa kami." palibhasa OK lang siyang ma late kasi team captain ng basketball team sa school. Practice lang naman ginagawa nila.
"OK Sir!!" pagkasabi ko nun agad na akong umalis para maligo.
-----
Pagkababa namin, naghiyawan na agad ang mga studyante. Madaming fans talaga tong panget na to. Pakalat Kalat pa sila, nagsisimula na siguro ang clase ah. Tsk."Bye Psyche. I'm going to the Gym. May practice pa kami. And please, listen to your teacher. Palagi ka nala-.."
"oppsss, Tama na ang daldal. Malalate na ako!"
"Palagi mo nalang akong pinuputol" oo nga no? Eh lagi nalang kasi niya akong sinesermonan. Kala mo naman tatay ko Siya, like duh, he's my future husband.
"Sige na! Byeee!" At tumakbo na agad ako. I'm super late na talaga.
Nasa tapat na ako ng room ng mapansin kong ang ingay nila. Ano na naman bang nangyayari? Pumasok na ako. Mukhang walang teacher eh kaya Maingay. Bakit Wala kaya si panot? Opsss.
"Oh Psyche! Late ka na naman!" sigaw ni Aleah Lee, best friend ko maliban kay Brix. Para na kaming magkapatid niyan. Mas maganda nga lang ako. Shh lang kayo ha.

BINABASA MO ANG
Is it too late?
Teen FictionTo love someone is a great feeling. But loving your best friend is too hard. It fucking hurts. AN: Sorry, it's my first time to write a story, so please bear with my grammars😢🙂