37

3.7K 57 5
                                    

IL

"Lets have a debate. So our topic is about Love until forever. Naniniwala ba kayo na may forever?" kalmadong tanong ng prof namin

Nagsimula naman ang mga hiyawan sa loob ng aming classroom.

May mga naririnig akong nagsasabing

Forever my ass!

Walang forever!

May mga mangilan ngilan na rin ang nagtataas ng kamay upang sumagot kabilang ako.

I raised my right hand na nagpa ngiti sa aming guro.

"So lets hear our first student. Yes Ms. De Leon?" naka ngiting tanong nya sa akin

"I am certain that forever do exist. Mga bitter na kabataan lang ang hindi naniniwala sa forever." seryosong sabi ko sa kanila pero nabigla ako nang magtaas ng kamay ang isa sa pinaka kinaiinisan ko sa lahat.

"Let's hear it from Mr. Evangelista." pag aanunsyo ng aming guro.

"If forever do exist why does humans die?" tanong nya pabalik sa akin

"So does that mean hindi na sila nagmamahal? No, given that they are not physically present but their soul doesn't stop loving." halos pasigaw kong sagot. Madiin ang bawat salitang binitawan ko dahil alam ko na tama ang pinaglalaban ko

"Chill, okay? Walang forever dahil nagfefade ang feelings ng tao." prenteng sabi nya at saka naupo na.

Nakakainis talaga ang isang yun. Bwisit talaga sya sa buhay ko

Nagturo na lamang ang professor namin tungkol sa All kinds of Love.

Pinagawa nya pa nga kami ng essay tungkol doon. Ewan ko ba anong trip ng teacher na yun. Valentine's day kasi pero may pasok kami.

Dami dami nyang sinasabi siguro in love sya. Well, ako din naman not romantically pero basta!



Tinawagan ko na lang si Mommy nang makalabas ako sa room.

"My! I miss you po." malungkot kong bati sa kanya.

"Miss ka na rin namin baby. Nga pala lunch time na, kumain ka na ba?" nag aalalang tanong nya

Kahit first year college na ako ay alagang alaga pa rin ako nina Mommy

Narinig ko naman ang boses ni Daddy sa kabilang linya

"Hi baby! How are you? Miss ka na namin ni Mommy mo pero mas miss ko na sya." pilyong sabi ni Daddy habang tumatawa pa

"Guel naman! Wag ka ngang ano! Naririnig ka ng bata eh." saway naman ni Mommy

Paniguradong nagtatalo na naman sila kaya minabuti ko na lang na ibaba ang tawag.

Pauwi na ako sa dorm namin pero nakasalubong ko si tita.

"Hija! namiss ka namin." nakangiting sabi nya habang hawak ang kamay ng kanyang asawa.

"Napakalaki mo na. Manang mana ka talaga sa mama mo!" natatawang sabi ng kanyang asawa

"Oo nga po tita. Nga po pala, kumain na po ba kayo?" tanong ko dahil gusto ko rin naman silang kasabay kumain

"Hindi pa nga eh, ikaw ba? Halika sumabay ka na sa amin at marami kaming ikukwento tungkol sa mga magulang mo." naka ngiting pag aaya nina tita.

And so we dine in to a fine resto malapit lang sa school ko.

Nagulat ako nang pagkaguluhan ako ng mga tao.

"Omg! Kasama nya yung legendary couple!" tili ng mangilan-ngilan na mga tao.

"Hello po pwede pong papicture?" lumapit ang isang babaeng nasa 5'8 ang tangkad, morena at maganda.

"Ha? ay sige." nakangiting sabi ko at ngumiti sa camera na dala dala nya.

"Sikat ka na talaga nak." naka ngiting sabi ni tita

"tita naman!" pagmamaktol ko


"Joke lang ito naman di mabiro." si tita ulit ang nagsalita

"Nga pala Bel, kamusta yung sinusulat mong script para sa gagawing movie?" pag iba ng topic ng asawa ni tita.

"okay naman po tita Mich. Medyo naiiyak pa nga po ako sa naging wakas." tipid kong sabi

Isa akong tanyag na atleta sa larangan ng Volleyball although rookie pa lang ako. Anak ako ng dalawang napaka galing at beteranong mga atleta din ng Pilipinas.

"Miss na miss na namin sila, Bel." malungkot na sabi sa akin ni tita Mich

"Ako rin po miss na miss ko na sila." ngumiti ako para hindi na mas lalong malungkot si tita Mich

"Ito talagang mga mahal ko nagdadrama na naman. Wag nga kayo! Bel, ano bang naiisip mong title para doon?" pag iiba ng topic ni tita A

"Wala pa po akong naiisip kundi its all in the Eyes." natatawang sagot ko na nagpa tawa sa mag asawa

"Nga pala tita nasaang part na po kayo ng shooting?" pagtatanong ko.

Sina tita kasi ang gaganap sa main characters ng story na sinusulat ko.


Lahat ng mga tita ko actually. Bongga naman kasi sila so pinilit ko talagang sila ang gumanap ng mga characters sa story ko.


"Hmm doon pa lang sa part na nasa concert sila, yung date nila." nakangiting sabi ni tita Mich.


Malayo layo pa pala sila sa gitna.

"Kailan po kayo pupunta sa Japan?" sunod sunod ang tanong ko dahil ako naman ang writer at feeling ko deserve ko namang malaman

"Sa January 20 baby." sagot naman ni tita A.

May eksena kasing sa Japan talaga nangyari kaya kailangan talagang pumunta doon.


Binuklat ko naman ang pinagkukunan ko ng inspirasyon.

Binasa ko ang pinaka paboritong part ko.


I know things wouldnt be the same without her.

Siyam na salita lang pala ang kailangan para umiyak ako.



Naramdaman ko naman ang pagyakap nina tita A at tita Mich



"If kailangan mo ng kausap nandito lang kami, okay?" pag aalo ni tita Mich sa akin


tumango na lamang ako bilang sagot.

"Nga pala by, may interview tayo sa TWBA sa susunod na linggo. Lahat tayo, okay ba yun?" tita A tried to lighten up the atmosphere.


"Ibig po sabihin ipopromote ko na yung story ko? I mean yung story po niyong lahat?" parang may kung anong lumukso sa aking puso nang marinig ko ang sinabing iyon ni tita A

I've never been interviewed by tito Boy. That will be my first ever tv exposure.


I was only 15 when I started writing their story. I never thought that a lot of people will know about it then a year after writing, ABS CBN published my book then, they offered me to do a movie. Who am I to say no?


Ako ang hinayaan nilang mamili ng mga characters and so I did.

All of my tita's are already on their 40's but they still look young.

I chose them to play the role of themselves since I am very sure that they know a lot more than I do.


I just hope that wherever they are, sana proud sila sa kung ano ang narating ko at the very young age of 18.

Like We Used To (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon