[ j. ] RAIN

271 18 4
                                    

"Rain falls because the clouds can no longer handle the weight

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Rain falls because the clouds can no longer handle the weight. Tears fall because the heart can no longer hold the pain"

_________________________

Jihoff


Wonwoo's

"Mahal mo ba ako?"

"Wonwoo wag ngayon pagod ako please"

"Aw. Okay so kailan?"

"Anong kailan?"


"Kailan ko mararamdamang mahal mo ako?" Tanong ko sa kaniya. Mata sa mata. Puso sa puso. Damdamin sa damdamin.


I dare you Kim Mingyu.


Sabihin mo saking mahal mo ako. MAHAL.mo.pa.ako.


Kasi ano... mahirap na, mahirap ng kumapit pa sa relasyong wala namang patutunguhan. Sa isang relasyon na napuno nalang ng responsibilidad sa isa't-isa.

"Kim mingyu.. minahal mo ba ako kasi mahal mo ako? O minahal mo lang ako kasi mahal kita"

Parang tinutusok ang puso ko sa bawat salitang binabanggit ko sa kaniya. For 6 years... hulog na hulog na ako sa mga bitag niya. For 6 years na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay.


6 years, of marriage. With me, only giving all the love and effort to nourish it. Sa akin puso, sa kaniya papel lamang.


Malaya siyang nakakaalis, malaya siyang nakakasama ang mga taong kinikilala niyang kaibigan. Malaya siyang gawin ang kaniyang mga nais.


Samantalang ako, ni paghinga nga siguro hindi pa pwede.


And within those years, umasa ako. Umasa ako na mapapaibig ko siya. Sa mga effort ko, sa mga pagpapadama ko ng pagmamahal sa kaniya. Kasi punyeta. Sinong tao ang hindi mahuhulog sa taong kagaya niya?


THE Kim Mingyu. Always talk of the town. Young achiever, business tycoon, with his oozing visuals that anyone would die for.


Ngunit hindi ako nahulog sa kaniya dahil sa kung anong mayroon sa kaniya. Nahulog ako dahil siya ay siya.


Natatandaan ko pa noong unang year namin sa pagce-celebrate ng christmas. It's just a few weeks after out wedding. We never went to other country for the honeymoon kasi diretso siya kaagad sa kaniyang trabaho. Ipinagkasundo lang kami kasi ipinagbili ako ng aking mga magulang sa kaniya.


MELODIES OF LOVEWhere stories live. Discover now