[ j. ] SUNSHINE

277 16 4
                                    

"Love comforteth, like sunshine after the rain"

-William Shakespeare

[ rain continuation ]

___________________________

Jihoff's

*Wonwoo's*

"Wonwoo pwede mo bang maibigay ito sa vice pres?"

Napahinto ako sa pagtitipa sa keyboard at umangat ang tingin ko sa supervisor ng department namin. I pushed my glasses before accepting the folders on her hand.

Tumayo ako at tahimik na naglakad palabas sa department namin. I checked the time, it's almost 11 in the morning. Early lunch break kasi minsan ang Vice press namin kaya tinatansya ko kung nandoon pa na siya sa opisina niya para ako mismo ang maga-abot sa kaniya nito.

"Hi wonwoo" bati nung secretary na nakabantay sa labas ng opisina ng vp.

"Nandyan pa ba si sir? May pinapabigay supervisor namin" sabi ko sa kaniya at ipinakita sa kaniya ang mga folders na hawak ko.

"Yes, pero pakibilisan mo lang kasi magla-lunch break na siya. Alam mo naman yun, matakaw sa pagkain" sabi niya saka tumawa.

Tinanguan ko lang siya, I really don't find her statement funny at all. Hmm. Mabait naman ang vice pres namin, pero binubully lang talaga siya ng mga workers dito. Miski ng secretary niya, kasi sa katabaan nito.

Tsk.

Kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan ang pintuan. I saw the vp talking with someone. A guy to be specific.

Tahimik lang akong naglakad papunta sa harapan niya para mapansin niya ang presensya ko.

"Oh, wonwoo? What brought you here?" Tanong nito noong makita na niya ako.

"Our department supervisor wants me to send you these files sir" sagot ko sa kaniya saka inilagay sa kaniyang lamesa yung mga folders.

Ramdam ko yung tingin ng taong kausap niya. But i didn't dare to look at him... kasi... pamilyar siya. Pamilya na pamilyar. Sa amoy niya pa lang, sa tingin niya pa lang...

Anong ginagawa niya dito?

"Thank you wonwoo, you've been a loyal worker to our company. You've done so much for this company to grow. Alam mo? Ikaw ang asset ng kumpanyang ito kaya sana naman manatili ka dito. Hehehe" ani ng vice president namin.

I cleared my throat and gave him my gratitude for his praises. "If you'll excuse me si--"

"Wait. Ipapakilala ko muna sayo ang bagong investor natin. Since you're our asset. I think it'll be good if you will be the one handling the project na pino-propose ng investor natin as soon as ma-approve na ito ng President"

Napakurap ako ng ilang beses. What? Ako... ako pa talaga? Tsk.

"You'll salary will increase by 30%. Hehehe" pangte-tempt ng vice president.

MELODIES OF LOVEWhere stories live. Discover now