🥀
"𝘞𝘦 𝘮𝘦𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘳𝘦𝘢𝘴𝘰𝘯, 𝘦𝘪𝘵𝘩𝘦𝘳
𝘺𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘢 𝘣𝘭𝘦𝘴𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘳 𝘢 𝘭𝘦𝘴𝘴𝘰𝘯."_________________________
heavenlyhaydi
𝐓𝐇𝐄𝐍 𝐓𝐇𝐄𝐑𝐄'𝐒 𝐘𝐎𝐔
𝘴𝘦𝘶𝘯𝘨𝘤𝘩𝘦𝘰𝘭 𝘹 𝘫𝘦𝘰𝘯𝘨𝘩𝘢𝘯🌹
Jeonghan's POV
"How about him?"
"I told you, Ji. Hindi ako interesado."
Hinilot ko ang sintido ko as I strive to calm myself. It's already 3 in the morning and sa buong maghapon na dumaan na magkasama kami ni Jihoon ay wala siyang ibang ginawa kundi pilitin ako na i-date ang mga kapwa namin mga doktor na iba't-ibang departamento ang hawak.
Breaktime at naisipan naming dalawa na bumaba sa on call overnight rooms ng hospital at humigop ng mainit na kape. Katulad namin ni Jihoon, hindi mo makita sa mukha nila ang ngumiti dahil sa puyat at pagod.
"Hyung, hindi paurong ang edad mo. Maski ako, kailangan ko ng makawala sa puder mo no! Naka-graduate na ko't lahat at naging surgeon, kapit tuko parin ako sayo."
"Sino ba kasing nag-sabi sayong sakin ka tumira? Arte-arte mo kasi! Papakasalan kana nga ni Dr. Kwon kahit na may junakis ka, eh kung tanggihan mo naman parang virgin kapa!"
"Hoy! Kahit na di na ko virgin, masikip parin 'to no! Malaki lang talaga ulo ng anak ko kaya medyo nabanat! Kapal ng mukha nito."
Nagka-tinginan kami na parang mga tanga dahil sa sagutan namin, sabay din kaming napa-iling dahil sa di makapaniwalang tipo ng salitang napili naming pag-usapan. Sabi nga nila, di bale ng ngumiti ka't maging masaya kahit na puyat at pagod ka, kaysa naman bumusangot ka. Mai-istress kapa.
"Eh itong si patient #04, papasa ba?"
"Choi Seungcheol?"
"Sus, alam na alam ang pangalan! Kunwari pa siya."
"Malamang pasiyente ko yoon kaya kilala ko!"
"Luma na yan, diyan nagkatuluyan lolo't lola natin. Remember.."
"Nako, tigilan mo ko. Lee Jihoon. Diyan kana nga may gagawin pa ako." Tumayo na ko't mabagal na binaybay ang madilim at tahimik na corridor ng ospital.
YOU ARE READING
MELODIES OF LOVE
Fanfica heavenlyhaydi and jihoff collaboration of seventeen ships one shot stories. STATUS: ON GOING © DECEMBER 2018 Most impressive ranking: #9 seungchan #20 wonhui #50 jicheol #66 seoksoo