KABANATA 01 FUCKING WOMEN AUCTION

31.4K 645 65
                                    

----)))))
Hello guys... Try ko ngang gumawa ng series hahaha...

Para sa iyo ito vaylez000
this is your story....

Dont worry itutuloy ko parin ang crazy amazon.

-------------))))))))))

Kabanata 01

Lian moan pov.

"Ate pagdating mo doon yong sapatos ko po ah.."nakangiting sabi ni nathalia na bunsong kapatid niya.

"Ano ka ba naman thalia hindi pa nga umaalis si ate lian pasalubong na agad ang nasaisip mo."sabi naman ni rose na sumunod sa kanya.

Nakangiting ginulo niya ang buhok ni thalia.

"Pagkasahod ni ate bibili tayo ng sapatos mo basta magpakabait ka dito ahh. Wag na wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si nanay."nakangiting sabi niya sa kapatid.

"Opo.. Tutulong din po ako sa gawaing bahay ate.."sabi naman nito sa kanya at niyakap siya.

"Anak kailangan mo ba talagang pumunta sa manila? Bakit hindi ka nalang magtinda ulit ng gulay.."sabi ng kanyang inang si nanay sally.

Kumalas naman ng pagyayakap si thalia kaya pumunta siya sa pwesto ng kanyang ina.

"Nay alam mo naman na maliit lang ang kinikita ko sa pagtitinda ng mga gulay. Kulang pa iyon sa pagbili ng gamot at paggastos natin dito sa bahay saka malaki na ang utang natin kay aling petra.."sabi niya dito at niyakap ang kanyang ina.

Kailangan niyang punta sa manila dahil gusto niyang matulungan ang kanyang ina.Isasama siya ni Mommy didit na nakilala niya noong nagtitinda siya ng mga gulay. Alam niya kong ano ang trabaho ang papasukin niya sa manila pero iba ang sinabi niya sa kanyang ina. Alam din niyang hindi siya nito papayagan kapag nalaman nito ang totoong trabahong papasukan niya.

"Hindi ko maiwasan na matakot baka makita mo siya at kunin kanya sa amin.."sabi nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Si daddy ba nay. Dont worry nay hindi ako sasama sa kanya. Saka imposible na kunin niya ako sa inyo diba pinamigay nga niya ako sa inyo dahil hindi niya ako kayang alagaan."may hinanakit na sabi niya dito.

"Ginawa niya lang iyun dahil..."

"Nay stop. Kahit anong mangyari hindi ako sasama sa kanya.."sabi niya dito..

Ramdam niyang humigpit ang pagyakap ni nanay sa kanya.

"Salamat anak. Mahal na mahal kita. Mag ingat ka doon ahh.."sabi nito.

"Wag kang mag alala nay. Kapag nandoon na ako tatawag ako sa inyo araw araw."sabi naman niya dito.

"Ate mamimiss ka namin."sabi naman ni nathalia at niyakap siya nito sa likod.

"Oyyyy pasali naman dyan. Group hug.."sabi ni rose. Kaya nagtawanan nalang sila..

"Lian... lian.."sigaw ni mommy didit na nasa labas na..

"Nay nandyan na si mommy didit kailangan nanamin umalis."sabi niya at kumalas siya sa group hug nila.

"Pag dumating na kayo doon tumawag ka agad ahhh..."naluluhang sabi ng kanyang ina.

"Nay wag kang umiyak. Baka maiyak na rin ako."sabi niya at pilit na ngumiti siya. Para kasing gusto din niyang maiyak.

"Kong wala lang akong sakit tutulong ako sa iyo. Ako ang ina pero ikaw ang nagtratrabaho."
malungkot na sabi nito.

FW01: Cloud Stephen Taylor✔️✔️✔️✔️ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon