KABANATA 22

14.2K 330 17
                                    

Kababata 22

"Mga walang silbi!! Isang tao lang ang pinapahanap ko hindi niyo pa magawa.!" Sigaw na sabi niya sa mga tauhan niya.

"Boss manuel lahat naman ng nakukuha namin lead ay pinupuntahan namin. Pero wala naman si maam lian."sabi ng tauhan niya na nakayuko.

"Oo nga boss manuel. Parang pinaglalaruan kami."sabi naman ng isa.

Masamang tinignan ko ang dalawa.

"Kong ganun gumawa kayo ng paraan!!! Wag kayong mga inutil. Umalis na kayo sa harapan ko baka mapatay ko pa kayo.."galit na sabi ko sa kanila.

Yumuko ang mga ito bago umalis...

"Hindi kaya ang mga taylor ang may gawa?"sabi naman ni robert na naka upo sa sofa.

Napakuyom ang kamao niya. Sinasagad talaga nila ako.

"Inuubos nila ang pasyensya ko!! Bukas ng gabi isasagawa ko na ang plano ko."seryoso kong sabi dito.

Anong akala nila hindi ako gaganti. Magsaya sila ngayon bukas ako naman ang sasaya..

Napangisi nalang siya.

"Gagawin mo parin iyon? Kukunin mo parin silang dalawa? God manuel anak at ama ang makakalaban mo. Hindi ka ba natatakot baka patayin ka nila?"sabi ni robert.

Tinignan ko ito.

"Binabawi ko lang ang akin robert. Kaya manahimik ka dyan. Kong ayaw mong samahan ako bukas wag kang sumama!"seryosong sabi ko.

"Wala naman sa iyo manuel. Kasi simula palang hindi na sa iyo sila. Hindi mo naman talaga anak si lian. Anak siya ng step brother mo na pinatay mo."sabi nito.

Napakuyom ang kamao niya.

"Shut up."

"Totoo naman diba. Saka namatay ang ina ni lian dahil sa iyo rin."sabi ulit nito.

Masamang tinignan ko ito.

"Hindi ko sinasadya kong bakit siya namatay. Kong hindi siya sumugod sa akin sana buhay pa siya ngayon."sabi ko dito.

(Nakaraan)

"Kailangan natin palabasin na patay na siya."mautiradad kong sabi kay robert.

"Diyos ko naman manuel. Bakit mo pinatay ang step brother mo."sabi ni robert.

"Shut up."

"Alam kong galit na galit ka sa kanya dahil kinuha niya sa iyo ang lahat. Pero hindi ko akalain na kaya mong pumatay."sabi nito.

Napatingin ako sa labas.

"Kasalanan niya kong bakit ko siya pinatay. Kong hindi lang siya sip sip sa lahat ng bagay hindi ko gagawin iyon. Kinuha niya ang para sa akin robert. Si dad si lyka at ang companya.."galit na sabi niya..

"Pinatay mo siya!!"

Gulat na napatingin siya sa may pinto ang asawa ng step brother niyang si ian.

"Lyka"sabi ko dito.

"Hayop ka!!!Pinatay mo ang asawa ko.."sigaw na sabi nito at sinugod siya nito ng sampal.

Pilit na kinukuha niya ang kamay nito.

"Shit lyka. Tumigil ka.."sabi ko dito at pinipilit na pinatigil ito.

Pero hindi ito nakinig kaya malakas na tinulak niya ito. Hindi niya sinasadya sa ginawa.

Napa aray ito ng sakit sa ginawa niya. Nakita niya kong paano bumuhos sa hita nito ang dugo.

FW01: Cloud Stephen Taylor✔️✔️✔️✔️ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon