[Luke's POV]
Heto na naman ako sa paulit-ulit na sitwasyon ng buhay ko tuwing nasa eskwelahan: ang ma-bully.
"Hoy liit! Kamusta na? Tumangkad ka na ba?" panimula ni Red, ang basketball player na dakilang playboy.
"Pre tumangkad nga 'yan! Mga isang milimetro lang!" sagot ni Kian, isa naman siyang soccer player na dakilang fuck boy.
"Uy wag niyo na siyang asarin! Pumapatol kayo sa bata eh!" dagdag pa ni Daniel, isa siyang prankster at dakilang manyak.
Kapag 'tong tatlong 'to ang nagsama-sama at nakita ako, wala na 'kong takas at magdamagan akong aasarin neto tungkol sa kung ano-ano. Isa na ang height ko, naturingang 5'1 lang ako kahit grade 10 na ako.
Nasa loob kami ng klasrum namin at dahil wala pa ang guro namin ay tila may party dito. Halos lahat ng estudyante ay nakatayo at iilan ang nakaupo lang na parang walang pake sa nangyayari, parang ako. Wala akong pake kung pinagtitripan ako ng tatlong itlog dito dahil nasanay na ako.
"Tapos na ba kayo?" irita kong sabi. Mukhang naintriga naman si Red dahil sinabunutan ako. "Aray! Putangina masakit 'yon!" sigaw ko at napatayo sa kinatatayuan ko. Hinarap ko si Red kahit na nakatingala na ako.
"Ano liit? Palag ka?" panghahamon niya habang ang dalawa ay pumalibot sa akin. Hindi ako umimik at nakipagtitigan lang sa toreng 'to. "Hanggang salita ka la- ARAY!" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang sipain ko ang alaga niya. Napahiyaw at patuloy siyang umiinda ng sakit dahil sinadya kong lakasan ang pagsipa doon.
"Aray ko Luke! Punyeta ka ang sakit!!!" sigaw niya habang ako'y nanatiling nakatayo at pinapanood lang siyang halos umiyak sa sakit.
"Class! Settle yourselves!" Nang makarating ang teacher namin ay agad na tumino ang klase namin. Aakalain mong walang nangyaring rambulan. Nang makapwesto na ang teacher namin sa kanyang table, bumaling agad ang tingin niya sa amin ni Red. "Luke Dela Vega and Jared Mortel! What is happening in there?!" Nang mabanggit ang pangalan ko ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Lagot ako neto, unang beses ko yatang mapapapunta ng detention room.
"Ma'am! Si Luke po sinipa ako sa ano!" sumbong ni Red nang makatayo siya. "Sa ano Jared?" tanong ng teacher namin at kumunot ang noo. Dahil doon ay tumawa ang buong klase. Maging ako ay napatawa. "What's so funny?! Class I am not jo-" "Ma'am sinipa ko tt niya" sagot ko na ikinagulat niya at namula rin ang mukha niya.
"J-just sit down the two of you!" Ngumisi ako at saka umupo sa upuan ko na hindi na binalingan ng tingin si Red ngunit alam kong pinapatay niya na ako sa tingin niya.
"So today before we start the day, I will introduce you to your new classmate," pormal niyang sinabi at sumenyas na may pinapapasok sa silid, "You may enter Mr. Ty." Pagkasabi niya no'n ay pumasok ang isang estudyanteng mga kasing-tangkad nina Red, singkit, at may maayos na pangangatawan.
"Please introduce yourself." Nakayuko lang ang estudyanteng iyon at tila nahihiya. Buti pa siya may hiya, sabi ko sa sarili ko. Tiningnan kong mabuti ang taong iyon at ang napansin ko lang ay ang braso niyang may tatoo. Ito ri'y malapad at mukhang.... Maskulado.
"Hi, a-ako si N-Nathaniel Ai Ty. Tawagin niyo na lang akong Nat." Seriously, this guy is damn nervous. "H-half chinese ako since yung dad ko chinese." sabi niya bago kagatin ang labi niya para tumikom.
"Okay Mr. Ty, or should I say Nat. You may sit beside Mr. Dela Vega. Luke please raise your hand." Dahil doon ay obligado akong itaas ang aking kamay at maging katabi itong mahiyaing 'to.
Habang naglalakad siya papunta sa pwesto ko ay halos lahat ng babaeng daanan niya ay tinitingnan siya. Mga malalandi nga naman talaga. Umupo na siya sa bakanteng upuan sa aking tabi at ibinaba ang bag niya.
"Hey, nice to meet you Nat," bungad kong sabi sa kanya. Tiningnan niya ako na parang papatayin ko siya sa laki ng mata niya.
"Hi, alam mo na pala pangalan ko."
"Malamang sinabi mo kani-kanina lang."
"Ahh hehe oo nga pala," sagot niya na may pagkamot pa sa batok at pilit na ngiti.
"Ako pala si Luke, Luke Dela Vega. Alam mo na rin naman." sabi ko at inabot ang kamay ko.
"Nice to meet you din pala Luke," sagot niya at nakipag kamay sa'kin.
YOU ARE READING
Dandelion
Teen Fiction"Mahilig ka pala sa bulaklak?" "Ah hindi! Kumukuha lang ako ng bulaklak at ginuguhit ko." "Pwede mo bang iguhit ang paborito kong bulaklak?" "Sige ba, ano bang bulaklak 'yon?" "Dandelion"