🌻Daffodil

5 0 0
                                    

Lumipas ang ilang oras at natapos ang subject ni Ma'am Miller, ang teacher namin sa Science na last subject before lunch. Oras na nga ng lunch sa wakas. Lahat ng kaklase ko nagpunta sa canteen pero ako sa garden ako nagpunta. Mas gusto ko dito tumambay dahil mas tahimik kaysa klasrum maging sa canteen. Mas gusto ko ang katahimikan dahil sa katahimikan ko nailalabas ang mga bagay na gusto kong sabihin. At dahil hindi ako berbal na tao, idinadaan ko na lang ang lahat sa pagguhit. Kahit anong makita kong nakaaagaw-pansin ay iginuguhit ko, lalo na ang mga bulaklak.

Kanina lang nang makaupo ako sa malambot na damo sa hardin ay nakakita ako ng isang bulaklak na kulay asul na may apat na talulot at medyo maputi ang gitna nito. Nagkataong asul at puti ang paborito kong kulay at apat ang paborito kong numero ay agad kong kinuha ang sketch pad sa bag ko. Ipinatong ko ang bulaklak sa ibabaw ng sketch pad na nabuklat na at sinimulan ko nang iguhit ito.

Habang ako'y nagguguhit ay nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Lumingon naman ako ngunit walang tao. "Pinaglalaruan na naman ako ng guni-guni ko," sabi ko sa sarili ko. Nang makaharap muli ako, "Ay hayop na Intsik!" napasigaw ako nang bumungad sa'kin si Nat.

"Grabe ka naman magsalita Luke! Ang sakit nun ah," sabi niya at umakto pang nasasaktan na may paghawak sa dibdib. "Kung hindi ka nanggulat hindi kita masasabihan ng ganun!" sagot ko na hawak pa rin ang dibdib ko sa takot na nadama.

"Oo na lang po kuya Luke," dahil doon sa sinabi niya gumaan ng kaunti ang atmospera sa aming dalawa at napuno kami ng tawanan. Natapos din ang tawanan at asaran saka tumingin siya sa sketch pad ko.

"Mahilig ka pala sa bulaklak?" tumingin din ako sa sketch pad ko at nakita ko ang drawing ko na malapit ng matapos.

"Ah hindi! Kumukuha lang ako ng bulaklak at ginuguhit ko," sagot ko at saka pinakita ang bulaklak na napulot ko kanina.

"Iyan ba yung ginuguhit mo?" tumango lang ako at kinuha muli ang gamit ko pangguhit para ituloy ito muli.

"Alam mo ba, isang Georgia Blue 'yang bulaklak na ginuguhit mo?" tanong niya kaya napatigil uli ako sa pagguhit.

"Sabi ko naman sa'yo na hindi ako-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumulo ang luha sa mata niya. "Nat, ayos ka lang? May problema ba?"

"'Yan ang paboritong bulaklak ni mom," sa pagkakataong 'yon ay bumuhos na lang ang luha sa mata niya kaya niyakap ko siya, wala na 'kong pake kung malukot ang sketch pad sa gitna namin.

"Tahan na Nat, ituloy ko na lang 'tong ginuguhit kong bulaklak, Georgia Blue, tama ba?" tanong ko at bumitaw sa yakap saka siya tumango. "Tapos kapag natapos na 'to, ibigay ko na lang sa'yo. Ayos ba 'yun sa'yo?" at tumango naman siya.

Habang nagguguhit ay binalot ng katahimikan ang paligid, na hindi na ako gaanong sanay dahil may kasama ako. Binasag niya naman ito nang magtanong siya, "Pwede mo rin bang iguhit ang paborito kong bulaklak?" Tumingin ako sa kanya at nagtanong din, "Sige ba, ano bang bulaklak 'yon?"

"Dandelion." Pagkabanggit niya no'n ay biglang nag-ring yung bell, senyales na tapos na ang lunch kaya nag-ayos na kami ng gamit ni Nat. "Seryoso ka ba?" bigla niyang tanong nang makatayo ako. "Saan?" pagtataka ko at kumunot ang aking noo. "Hindi ka kumain ng lunch, baka magutom ka habang nasa klase." "Wala 'yun, sanay na ko," sabi ko at naglakad na habang siya ay nakasunod lang, "At saka, minsan wala akong gana kumain. Sakto lang isa na ang araw na 'to."

Habang naglalakad kami sa kahabaang ng koridor ay mayroong mga matang nakatingin sa amin ni Nat. Hindi ko na lang iyon pinansin at patuloy na tutungo sa locker room para kunin ang P.E. uniform ko, iyon kasi ang susunod naming klase. Nagtataka lang ako dahil sobrang tahimik ni Nat.

Nang makarating kami doon ay agad kong kinuha ang uniform ko at paalis na sana ngunit pinigilan ako ng isang napaka pamilyar na tao.

"Hoy pandak, hindi pa tayo tapos." Hindi pala tao, hayop pala. Tatlong bibe kumbaga. "Ano na naman 'yon Red? Di ka pa ba nagsasawa kasi ako nabubuwisit na sa'yo," sambit ko at akmang aalis na sana kaso itinulak ako ng malakas kaya umuntog ang ulo ko sa bakal ng locker.

Lumabo ang paningin ko ngunit nakikita ko pa ng bahagya sina Red. Sisipain na niya sana ako ngunit may pumigil sa kanya, hindi ko na nga alam dahil malabo na talaga paningin ko.

"Pre kung may problema ka kay Luke, ako kaharapin mo. Subukan mo pa siyang saktan at ikaw ang malalagutan."

DandelionWhere stories live. Discover now