🌺Tithonia

1 0 0
                                    

Nagising ako nang may naramdaman akong hapdi sa aking ulo. At nang idilat ko ang mga mata ko'y isang nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa akin kaya't nag-adjust muna ang mata ko bago ko makita kung nasaan ako. "Bakit ako nandito sa clinic?" tanong ko sa kung sino man ang nakarinig. Ilang saglit lang ay nakita ko si Nat na papunta sa stretcher ko at may dalang pagkain.

"Gising ka na pala, kamusta lagay mo?" tanong niya habang hinahanda ang pagkaing binili niya sa mesa. "A-ayos lang ako, medyo masakit lang ulo ko pero matitiis naman," sagot ko at tiningnan lang siya, "Bakit andito pala ako sa clinic? At saka, diba kumain ka na kanina? Gutom ka na naman?" "Sino ba nagsabing sa'kin 'to?" sagot niya at inihain ang pagkain sa harap ko. "T-teka sabi ko naman sa'yo na-" "Kakainin mo 'yan o ibibigay ko na lang sa magandang nurse dito?" Dahil wala naman akong choice dahil nairita rin ako nang banggitin niyang maganda yung nurse, hindi naman maganda yun eh mukha ngang pokpok.

Agad akong natakam nang tingnan ko ang pagkain binili niya, java rice at binagoongan. Aaminin ko na-miss kong kumain ng binagoongan kaya nilamutak ko yung pagkain na halos mabulunan ako. "Hindi daw gutom ah? Eh kung kumain halos kainin pati tray," sabi niya at tumawa ng mahina. Pinanliitan ko naman siya ng mata at sumagot, "Eh kasi paborito kong ulam ang binagoongan eh, bakit ba?"

Walang ano-ano ay biglang pumorma ang isang ngisi sa labi niya, "Pero aminin mo, selos ka kanina nung sabihin kong maganda yung nurse noh?" Muntik na akong mabulunan dahil doon at mabuti naman at inabutan niya agad ako ng tubig. "Hinay-hinay lang Luke! Hilig mong sumubo eh!" pang-aasar pa niya. "Isa pang asar mo at babagsak kamao ko sa panga mo! At anong maganda sa pagmumukha ng nurse na 'yan?!" Wala na akong pake kung maingay kami sa clinic o kahit na ang lakas ng boses ko na narinig ng nurse na tinutukoy ni Nat.

Bigla namang naging seryoso ang mukha niya at nagtaka ako, "Bakit?" Unti-unti naman siyang lumapit sa mukha ko kaya lalo akong naging hindi komportable. "N-nat? B-bakit?" hindi na talaga ako komportable dahil hindi na ako makaurong pabalik at siya nama'y patuloy sa paglapit sa mukha ko. Kung sila Red lang 'to ay nasapak ko na talaga sa mukha yung mga yun kaso hindi ko magawa kapag kay Nat. Nang halos isang sentimetro na lang layo ng mukha namin ay pinikit ko ang mata ko at ngumiwi ang bibig.

Is he gay? Is he going to fucking kiss me?

Hinintay ko lang na may labing lalapat sa akin ngunit wala naman. Imbes na labi ang maramdaman kong lumapat ay daliri lang iyon. "Ang kalat mo pala kumain," sabi ni Nat habang tinatanggal ang dumi sa labi ko. May kakaibang pakiramdam sa'kin na buti hindi niya ako hinalikan at bakit hindi natuloy

Teka ano ba pinag-iisip ko?!

Naantala ako sa sarili kong mundo nang magsalita si Nat, "Ayos ka lang Luke? Masyado bang maanghang yung pagkain?" Buti na lang ata agad kong naintindihan ang ibig niyang sabihin, alam kong namumula ang pisngi ko. "A-ah ano... M-medyo lang naman." Buti na lang at nauto ko siya kaya sinabihan na lang akong ubusin ang pagkain ko dahil isang oras lang kami dito sa clinic.

"Ano ba next subject natin?" tanong ko kay Nat habang kumakain. "Math, kay Sir-" nagulantang ako nang sabihin niyang Math ang next subject namin dahil isang dakilang terror teacher ang guro namin doon, si Sir Roland. Hindi na ako nagdalawang-isip pang ubusin agad ang pagkaing binigay ni Nat at saka tumayo mula sa stretcher na bitbit ang bag. "Tara na! Ayaw ko ma-late kay Sir Roland! Baka patayin tayo nun!" sambit ko at hinila si Nat palabas ng clinic. At ayaw ko na ring magpaalam siya sa nurse na mukhang pokpok dahil baka kung ano gawin kay Nat.

Habang matuling naglalakad ay hindi mawari ang pagreklamo ni Nat dahil ang bilis ko maglakad. "Ikaw na nga 'tong mahaba ang biyas ikaw pa ang mabagal?" asar ko na may kaunting pagkairita dahil nagmamadali na talaga ako. Sakto naman at nang makarating kami sa klasrum namin ay kalalabas lang ng guro namin bago mag-Math.

Agad kong binitawan kamay ni Nat bago pumasok ng silid para hindi magkaroon ng malisya ang mga kaklase ko. Kahit na magkatabi kami ay 'di ko ganoong pinakita ang sobrang pagkamalapit namin sa isa't-isa at buti naman ay nakisama si Nat.

Nang dumating ang Math teacher namin, the usual greetings tapos sisimulan na niya ang lesson. Ngunit may iba ngayon, hindi umaalis ang tingin niya sa aming dalawa. Pinasawalang-bahala ko na lang iyon at patuloy sa pagkalikot sa bag para hindi magkaroon ng suspetiya si Sir Roland.

"Dela Vega and Ty!" dahil doon ay agad akong tumayo pero si Nat hindi umusog man lang. "Yes sir?"

"Bakit magkahawak kamay kayo ni Nat kanina?"

Kung minamamalas ka na nga naman talaga.

DandelionWhere stories live. Discover now