"Ahh ano po sir, hinila niya lang ako kasi pinipilit niya akong pumasok sa klase niyo," biglang sagot ni Nat at tumayo, "Sorry po sir, ako po talaga may kasalanan." At dahil bago lang siya dito ay agad na pinatawad ni Sir Roland. "Pwede na kayong umupo. Ty next time 'wag maging tamad sa pagpasok sa klase, nagkakaintindihan ba tayo?" Umupo na ako sa pwesto ko at tiningnan ko lang si Nat na tumango at nag-sorry ulit. Tumango rin si Sir at saka nagturo na ng lesson habang si Nat naman ay umupo na.
"Pero ang totoo yung katabi ko talaga nagpumilit kasi ayaw niyang ma-late sa Math class," agad akong napatigil sa pagsusulat nang banggitin niya iyon. "Manahimik ka na lang pwede ba?" irita kong sagot at nagpatuloy sa pagsusulat. Buti naman at nanahimik din si Nat saka nag-notes na rin sa Math.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Makalipas ang isang oras na panay trigo, natapos na rin ang dakilang subject na pasakit sa ulo. Ngunit bago umalis si Sir Roland sa silid, the usual, nag-iwan siya ng assignment na sasagutan sa libro.
Sakto naman at ang susunod na oras ay vacant kaya magagawa ko agad ang assignment. Tumayo ako sa kinauupuan ko at aalis na sana dala ang math book ko nang may humila sa aking kamay. "Saan ka pupunta?" tanong ni Nat na may kaunting kalamigan sa boses niya. "S-sa library lang, gagawin ko yung assignment sa math."
Agad siyang tumayo rin at kinuha ang bag niya, "Sasama ako." "Nat, 'wag na. Kaya ko na-" "Sa ayaw mo at gusto mo sasama ako." Dahil wala rin naman na akong pagpipilian, pinasama ko na lang siya. "Baka abangan ka na naman nung mga nang-aaway sa'yo eh. Nag-aalala lang ako Luke."
Bakit ba ganito? Bakit bigla na lang akong nanlalambot at tila natutunaw sa bawat tamis ng salita niya sa'kin? Hindi maaari, hindi ako maaaring magmahal sa kapareha kong kasarian. Hindi maaaring ganito dahil ang ama ko'y-
"Luke, alam mo ba yung homophobia?" biglaang tanong ni Nat habang naglalakad kami papuntang silid-aklatan. Natulala ako nang bahagya ngunit nasagot ko ang tanong niya, "Oo, iyon ang uri ng taong ayaw o may matinding galit sa mga homosekswal, diba?" kahit na alam kong tama ang sagot ko ay hindi mawala ang pag-aalinlangan, "Bakit mo naman natanong?" Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad at ako'y napatigil din. Ang ekspresyon ng mukha niya'y hindi maipaliwanag dahil daig pa nito ang tuwid na linya. "Nat, bakit? May problema ba?" Tumingin siya sa akin ng diretso at.... nanlilisik ang mata niya?
"Luke, I know I am homophobic," sa sinabi niya ay tila nag-iba ang bilis ng tibok ng puso ko at may kaunting sakit ngunit hindi ko alam kung bakit, "dàn wèishénme wô duì nî tòngxué?" pagkasabi niya niyon ay agad siyang umalis at iniwan akong mag-isang nagtataka.
Anong ibig niyang sabihin?
Doon ko napagtantong half-Chinese pala siya kaya may ganoon siyang paraan ng pananalita. Hinayaan ko muna iyon at pumunta na ng silid-aklatan para gawin ang assignment sa math.
YOU ARE READING
Dandelion
Teen Fiction"Mahilig ka pala sa bulaklak?" "Ah hindi! Kumukuha lang ako ng bulaklak at ginuguhit ko." "Pwede mo bang iguhit ang paborito kong bulaklak?" "Sige ba, ano bang bulaklak 'yon?" "Dandelion"