🌺Lantana

1 0 0
                                    

"Class dismissed, have a safe trip in going home," sabi ng teacher namin sa last subject. Halos lahat ng kaklase ko ay naghiyawan sa tuwa na natapos na naman ang isang araw ng paghihirap. Halos lahat, maliban kay Nat na kanina pa diretso ang mukha matapos ang insidente sa silid-aklatan. Habang inaayos ko ang gamit ko ay tumayo na si Nat at umalis. Nag-aalala ako kung bakit siya nagkaganoon ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya ng diretso.

Sana maayos na lagay niya bukas.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Agad naman akong nakauwi ng bahay at dali-dali akong nagmano kay Mama na nasa kusina pero si Papa hindi ko nakita. Baka nasa opisina niya na naman, ayaw ko nang istorbohin pa siya.

"Kamusta naman school, anak?" tanong ni Mama sa akin habang nagluluto ng hapunan. "Ayos lang naman po Mama, wala namang bago sa school eh. School pa rin naman," biro ko at tumawa naman si Mama. "O sige na nak, magbihis ka muna at nangangamoy ka na." "Ma naman eh!" Kahit kailan talaga si Mama, ang bilis makabawi kapag inaasar. Bago pa man ako makaalis ng kusina ay nagbilin si Mama na pagkatapos ko magbihis ay kakausapin ako ni Papa. Sumagot na lang ako ng "Opo Ma," saka umalis ng kusina at umakyat papuntang kwarto ko.

Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at hinagis ang bag sa kama. Hinubad ko agad ang uniporme ko kaya't naiwan akong nakasuot na lamang ng boxers. Ilalagay ko pa lang ang marumi kong damit sa marumihan nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Kuya! Kuya! Nakakuha ako ng perfect sa- kuya?" masayang sambit ni Louies ngunit naputol iyon nang makita niyang halos wala akong saplot. Agad kong tinakpan sarili ko, lalo na ang bandang ibaba ko dahil hindi lamang nakakahiya kundi dahil babae ang kapatid ko. Kahit na limang taong gulang pa lang siya na walang kamuwang-muwang sa ganitong bagay ay babae pa rin siya. "Louise, lumabas ka muna! Nagbibihis pa ko eh!" pasigaw kong inutos at walang pagdadalawang-isip ay lumabas siya ng kwarto at nag-sorry.

Agad na akong nagbihis ng damit-pambahay at inilagay na ang maruming damit sa dapat paglagyan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang bumukas ang pinto at humampas ito sa mukha ko. "ARAY!" sigaw ko at napasapo sa mukha ko ang palad ko. "Hala kuya, sorry po. Di ko po sinasadya kuya. Sorry." At dahil hindi ko matiis ang kapatid kong 'to kasi sobrang cute niya, binuhat ko na lang siya at hinalikan sa noo. "Okay lang si kuya, basta Louise next time ano dapat gawin bago pumasok sa kwarto ng kahit sino?" tanong ko habang pinupunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya.

Kahit kailan din ay hindi ko kakayaning makitang umiiyak kapatid ko. Siya lang ang nag-iisa kong kapatid at kahit ano pa ay gagawin ko ang lahat para sa kanya. Higit pa si Louise sa magiging kasama ko sa buhay na panghabang-buhay.

"Knock p-po muna," pahikbing sagot niya. "Shh, tahan na Louise. Okay lang si kuya, diba sabi natin noon na-" sinadya kong putulin ang sasabihin ko at hinayaang si Louise ang magtuloy noon. "'Pag okay kuya, okay Louise. Pero hindi okay kuya, hindi okay Louise!" sumaya na ulit siya nang banggitin iyon. "Bati na ba tayo, Louise?" tanong ko at lumabas ng kwarto habang buhat pa rin siya. "Hindi pa po~" "Bakit naman?" Lalo akong nagtaka nang nag-isip si Louise at nakuha pang magkamot ng baba na akala mo nag-iisip talaga.

"Hindi tayo bati kasiiii-" pabitin din minsan 'tong bulilit na 'to eh. "Kasi sabi mo bili mo ako cotton candyyy~" tila biglang tinamaan ng bala ulo ko at doon ko naalalang may pasalubong pala ako dapat kay Louise ngayon.

"Walang nabili si kuya eh, sorry Louise," agad naman siyang bumusangot nang sabihin ko iyon, "Pero gusto mo bukas ako magsusundo sa'yo pag-uwi tapos treat kita, okay lang ba sa'yo?" ang busangot niya ay agad napalitan ng isang maliwanag at matamis na ngiti. "Opo kuya! Thank you kuya! I love you po!" sabi niya na may kasabay na yakap. "You're very much welcome Louise, I love you too li'l sis."

"Lukario Dela Vega, pumunta ka ng opisina ko ngayon din!" dinig naming sigaw ni Papa mula sa sala. "Kuya? Away kayo Papa?" tanong ni Louise nang ibaba ko siya sa sofa. "Ah wala yun! Baka may toyo lang si Papa," sabi ko at binulong ang pangalawa kong sinabi kaya't natawa na lang si Louise. "Okay po kuya! Bukas po ah! Promise po 'yan!" masaya muli niyang sambit bago manood ng telebisyon.

Bago pa man ako makapasok ng opisina ni Papa ay nag-ipon ako ng napakaraming lakas ng loob.

Kakaharapin mo na naman siya Luke, kaya mo 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DandelionWhere stories live. Discover now