part 1

259 2 1
                                    

Ehiptologo o Egypt,

Matatagpuan hilagang silangang asya kung saan umaagos ang Nile river.
Ilog Nile- may habang 6671 km mula sa kabundukan ng Africa pallabas ng Mideterranean Sea.

-umaapaw ang tubig tuwing Hulyo at bumabab sa buwan ng Oktubre
Herodotus- isang historian na Greek na nagsabing ang ang kabihasnang Egyptian ay handog ng Nile

(gift of Nile).

Sahara at Libyan Desert - matatapuan sa kanluran at timog ng bansa, naging harang at pahirap sa pananakop ng mga dayuhan.

Kasaysayan

7000BCE- nagsimulang nagkaroon ng pamayanan sa tabi ng ilog Nile.
-natutunan nila ang pagtatanim sa mainam na lupain at pag aalaga ng mga hayop tulag ng baka,kambing at tupa
3200BCE- ang pamayanan ay nagkaisa at nakapagtatag ng dalawang kaharian:

a. Mababang Egypt- nasa hilagang bahagi ng Nile river, ang kanilang hari ay may kulay pulang korona.
b.Mataas na Egypt- nasa timog na bahagi ng Nile river
3100BCE- napag-isa ang 2 kaharian ng masakop ni Menes hari ng mataas na Egypt ang katunggaling kaharian.
Memphis- ang naisera ng pinag-isang kaharian,

dito rin nagsimula ang unang dinastiya sa Egypt na umaot sa 31.
Pharaoh (paraon)- tawag sa mga pinunong Egyptian na ang ibig sabihin ay dakilang tirahan, na nang lumaon ay itinuring na mga diyos na nasa pisikal na anyo ng tao.
Mga Tungkulin at kapangyarihan ng Pharaoh
• Magkontrol ng ekonomiya at kalakalan
• Mamahala sa kanyang nasasakupan
• Magpatupad ng mga batas at patakaran.
• Magpanatili ng maayos na sistemang pag irigasyon
• Mangalaga ng tao sa panahon ng kalamidad at tag-gutom
• Magpanatili ng ng kaayusan at katahimikan ng kaharian.
• Manguna sa mga seremonya at panrelihiyong ritwal.
• Manguna sa hukbong sandatahan ng Egypt
Vizier- pangunahing opisyal ng pharaoh na katuwang niya sa panganagasiwa ng kaharian at nagsisilbing kanyang tagapayo sa mahahalagang usapin.

Ang Egypt sa Iba't Ibang Panahon

Lumang Kaharian (2686 B.C. - 2181 B.C.)
-Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo
ng mga piramide sa Ehipto na nagsilbing libingan ng mga paraon.
Pyramid- isang malaking gusali na nagsilbing libingan ng mga paraon, mahigit 80 ang nagawang pyramid sa panahon ng lumang kaharian.
Mga namuno
1. Menes (3100BCE) - naging batayan ng lumang kaharian ang kanyang pamamahala sa pinag-isang kaharian.

2. Zoser o Djoser(2750 BCE) - sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780. Idinesenyo ni Imhotep, ang punong tagapayo ni Zoser at isang magalingna arkitekto
3. Khufu o Cheops (2650 BCE) - sa kanyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao. 4.
Unis - sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang kalipunan ng Hieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon ng paglilibing sa paraon at ang kanyang kahahantungan sa kabilang buhay.
Sanhi ng Pagbagsak
• Pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mataas na buwis.
• Mahina at walang kakayahan sa pamumuno ang mga sumunod na hari.

Gitnang Kaharian (2040 B.C. - 1786 B.C.)
Sa panahong ito hindi ganap ang kapangyarihan ng mga pharaoh.
Thebes- bilang kabisera ng Egypt.
-sa panahong ito hindi na inililibing ang mga paraon sa pyramid kundi inilalakad ang kanilang mga labi sa lugar na tinatawag valley of king.
-pinamunuan ng 14 na paraon na ang mga pinakamahalaga ay ang sumusunod:

1. Amenemhet I (1991-1962 B.C.) - Binuo niyang muli ang Ehipto mula sa kaguluhan na namayani pagbagsak ng Lumang Kaharian. Binuhay niya ang pakikipagkalakalan sa Palestina at Syria.
2. Amenemhet III (1842-1797 B.C.) - Siya ang nagpagawa ng sistema ng irigasyon sa Faiyum na ginagamit pa hanggang ngayon.
Hykso- pangkat ng mga asyano na lumusob sa Egypt at sinakop ang Nile Delta noong 1640BC, sa loob ng mahigit 100 taon napasakamay nila ang Egypt.

Sanhi ng Pagbagsak
• Pag-aalsa ng mga maharlikang galit sa mga pribilehiyo ng mga bagong-yaman na gitnang uri.
• Pagsalakay ng mga Hykso mula sa Arabia at Syria noong 1700 B.C.

Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)
-Itinuturing na Panahon ng Imperyo dahil dito nagsimula ang pananakop ng mga
sinaunang Ehipsyano. Pinamunuan ng 33 paraon na ang mga may mahalagang
ambag ay ang sumusunod:

Naapaysumpay..

Unang Kahari-an Ng EgiptoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon