part 4

36 1 0
                                    

Ekonomiya:
Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipsyano. Sila ay mga platero, manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.
Pagsasaka at pagpapastol ang mga pangunahing hanapbuhay. Nagtanim sila ng barley, trigo, at mga gulay.
Nagmina rin sila ng tanso at ginto.
Nagkaroon ng palitan ng kahoy na cedar mula sa Phoenician at olive oil mula sa Crete para sa flax, papyrus, inasnang isdang alabaster at ginto ng Ehipto. Ang kalakalang ito ay nagdala ng karangyaan sa mga mangangalakal.
Nagkaroon ng bugso ng pagtatayo ng mga kanal at daan.
Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mga mamamayan.

Ambag sa Kabihasnan:
Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang paghaba ng Nile.
Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag na Hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 BCE. Itoay binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24 simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo, mayroon pang 80 simbolo na may tig-dalawang katinig.
• Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide ni Khufu o Cheops na nasa Giza.

Naapaysumpay.

Unang Kahari-an Ng EgiptoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon