Encounter

2.8K 137 13
                                    


Warning: You might notice lots of wrong grammar and typhographical errors.

YOU HAVE BEEN WARNED!

Lliane's POV

Pucha naman oh. Sa tanang buhay ko, ngayon ko palang naranasan tumakbo habang binabato ng mga daggers na hindi ko alam kung saan nagmumula ang pag atakeng ito. Mabuti na lang talaga ay naiwasan ko 'yong kanina dahil kung hindi, katapusan ko na!

Mabuti na lang ay medyo familiarize ko itong dinadaanan ko. Malaking advantage ito para sa akin. Kahit gano'n man, hindi ko pa rin alam kung ano ang rason kung bakit niya ako hinahabol. One thing is sure, gusto niya akong patayin.

Walang mga tao na nasa labas ngayon since malalim na ang gabi, hindi rin naman ako mahilig humingin ng tulong sa iba dahil lumaki ako bilang independent. Isa pa, Ayaw ko silang madamay sa gulong ito. Mas okay kung makakahingi ako ng tulong mula sa mga pulis. Tatawagan ko sana ito ngunit mukhang nalalag sa bag ko ang aking cellphone. Napairap ako sa ere dahil bagong bili ko lang 'yon last week. Binaybay ko ang daan patungo sa parke sa aming lugar. Siguro naman ay makakatago ako roon dahil sa sobrang laki nito.

"Shit." Unti-unti na akong nakararamdaman ng pagod. Hindi ako lumilingon dahil baka mas lalo pa akong kabahan kung makikita ko ang itsura ng humahabol sa akin.

Nakita ko ang arko ng parke at tumakbo patungo rito. Nang makapasok na ako ay naghanap ako ng malaking puno na aking pagtataguan. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakita ko siyang nakakapit sa isang puno habang naghahabol ng hininga. Base sa hubog ng kaniyang katawan, Isa itong lalake. Nakasuot ito ng jacket at pantalon. Hindi ko lubusan na makita ang mukha niya dahil na rin sa suot nitong mask.

Muli akong nagtago sa likod ng puno at napa-upo. Talo ko pa ang um-attend ng PE Class ni sir Von sa ginawa kong pagtakbo kanina. Mukhang Manila to Bicol ang tinakbo. Exaggerated ang ate mo, lol. Habang naghahabol ng hininga nakarinig ako ng isang malakas na pagsabog sa 'di kalayuan.

Dahil sa sobrang curious ko sa nangyayari, Sumilip ako habang pinatili ko ang sarili ko na nakatago at sinisigurado na hindi ako makikita.

Napakunot ang noo ko nang makita na nakikipaglaban ang lalakeng humahabol sa akin sa limang estudyante. Paano ko nasabi na estudyante sila? Simple lang, mga nakasuot sila ng uniform. Hindi ito mga pangkaraniwang estudyante. Hindi rin ako masyadong familiar sa uniporme nila dahil ngayon ko lamang ito nakita. Panigurado na hindi sila tagarito. Sa tingin ko, galing pa ito sa ibang lugar. Ang pinakamalaki kong tanong, Nananaginip ba ako or binabangungot?

Hindi ko alam kung may ability o kapangyarihan ba sila or epekto lang talaga ata 'to ng pag-inom ko ng kape, limang beses sa isang araw. Kinusot-kusot ko ang aking mata at napatunayan kong totoo ang lahat ng nakikita ko. The fuck.

Sa tanang buhay ko, ngayon ko pang napatunayan na lahat pala ng nabasa ko sa libro ay totoo. Hindi ko in-expect na mararanasan ko siya ng aktwal. Mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari.

"Kung panaginip man po ito, sana magising na ako." Sabi ko habang pinapanood ang nasa harapan ko.

Maraming nagtumbahan na mga puno sa paligid, sira-sira na mga halaman, at sunog lahat ang mga palaruan ng mga bata. To describe the whole place, A total mess.

Nakita ko kung paano nawala ang hawak na mga patalim nung lalake — 'yong humabol sa akin kanina. Napalitan ito ng isang matulis na spear. Ang patalim nito ay hindi gawa sa isang normal na patalim na kapansin-pansin kahit nasa malayo. Sumugod ito sa isang babae. Katulad ng iba, nakasuot ito ng kanilang uniform. Kulay hazel-brown ang buhok nito na abot sa kaniyang pwet-an at nakasuot siya ng salamin.

Ikinumpas ng babae ang kaniyang daliri, gumapang papalapit sa kaniya ang mga ugat na mula sa mga nagtumbahan na puno at sinugod ang lalaki. Nagpalitan ng atake ang dapawa. Gumapang sa paanan ng lalaki ang mga ugat ngunit mabilis niya itong hiniwa gamit ang hawak nitong spear. Hindi siya malayang makalapit sa lalaki dahil sa sobrang liksi nitong kumilos. Kasalukuyang tinutulungan siya ng kaniyang kasamahan. Bale 1 vs 5 ang nangyayari.

Nagpaulan ng maraming bolang apoy ang isang lalaki na nagngangalang Jiroh. Paano ko nalaman? Narinig ko lang naman itong tawagin ng kaniyang mga kasamahan sa kaniyang pangalan. Nagkaroon ng malalakas na pagsabog sa paligid.

Ginamit naman itong pagkakataon ng isa nilang kasamahan na lalake upang mabilis na masuntok ang taong naka-mask.

Habang nanonood, Napalingon ako nang may maramdaman akong tao sa aking bandang likuran — kasamahan ito nila Jiroh dahil parehas ito ng kaniyang suot. Naktingin ako sa lalaking 'yon at mararamdaman mo talaga ang kakaiba nitong awra. Sa tindig, itsura, at kung gaano ito ka-kalmado. Ito ata ang leader nila. Sa likod niya ay nakabuntot ang isang babae na sa tingin ay ang pinakabata sa kanilang lahat. Ngumiti ito sa akin ngunit hindi ako nag-respond dito. Wala naman akong galit sa kanya or something.

Also, Isa na rin sa factor kung bakit hindi ko maggawang ngumiti dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang mga nangyayari.

"Kuya Ced, Sa kaniya mo talaga nararamdaman 'yong kakaibang enerhiya? I mean the way I look at her? She looks normal." sabi nung batang babae na nasa likod ni Ced-kunno.

"Yep." Tipid na sagot nito at lumapit sa akin. Napaatras ako dahil sa takot. Malay mo, gusto rin pala ako nitong patayin. Heck no, bakit ang dami nilang gustong magtangka sa buhay ko?!

Nang konti na lang ang aming pagitan, tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ang buo kong pagkatao. "Anika, Scan her. Anything you'll see must be remain between us, understood?" Sumaludo ito sa sinabi ng lalakeng nasa harapan ko na ikinakunot naman ng noo ko. Scan me? eh wala nga itong hawak si Anika na kung anong gamit para ma-scan ako. Mga adik ata ito sa kanto. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakbo papalayo.

"Imposible na isa ka lang normal na tao. Bakit ka naman hahabulin o pag-aaksayahan ng oras ng isang Rank D na Consolite?" Maging sa pagsasalita nito ay ramdam ko ang awtoridad nito.

Anong sabi niya? Rank D? Consolite? Ano 'yon? Sobrang dami naman nilang sinasabi, wala man lang ma-absorb ang utak ko dahil hindi naman nila ito pinapaliwanag sa akin.

"Tapos ko na siya suriin, Kuya!" Masiglang saad ni Anika. Lumapit sa kaniya si Ced ngunit bigla itong huminto.

"Hanggang kailan mo balak magtago d'yan, Keith?" Tanong nito pero wala naman akong makitang ibang tao rito, Kaming tatlo lang kaya ang narito.

Biglang lumitaw ang isang tao sa tabi ni Anika na ikinagulat ko. Base sa kaniyang itsura, Magkasing-edad lang siguro sila ni Anika.

"Ang KJ n'yo naman! Gusto ko rin malaman kung ano 'yong mga nalaman mo sa kanya." Itinuro ako nito habang kinukulit si Anika.

Napabuntong-hininga na lang ang kanilang pinuno. "Keith, Tinulungan mo na lang sana sila Kuya Jiroh at Ate Flora mo kesa nakikinig ka rito." saad nito.

"Pero, bakit si Anika? Ang daya-daya nam-" Hindi niya na natapos ang kaniyang sasabihin. Tiningnan lang kasi ito ni Ced. Napabuntong hininga ito, senyales ng kaniyang pagsuko. "Fine." Naglakad ito papalayo sa amin.

Nag-usap ang dalawa—sina Ced at Anika. Nanatili ang distansya nila sa akin upang hindi ko marinig ang kanilang usapan. Habang abala sila sa pag-uusap, abala rin ako sa pagplano kung paano ko sila maggagawang takasan.

Sumulyap muli ako kina Jiroh at nakita kong nakapulupot ang mga ugat na ginawa ni Flora sa lalakeng humahabol sa akin kanina.

Nang may maisip na akong plano ay tatakbo na sana ako ng bigla akong tawagin ng isang pamilyar na boses.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Sheryn na tumatakbo patungo sa akin.

"Oh, and'yan na pala si ate Sheryn!" Masiglang saad ni Anika at sinalubong ito. Yumakap ito kay Sheryn.

Sheryn is one of them...

***

Adarme Academy : School of Powers (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon