Warning: You might notice lots of wrong grammar and typhographical errors.YOU HAVE BEEN WARNED!
Lliane's POV
Kanina pa ako pawisan sa pakikipaglaban sa lalaking nasa harapan ko. Kahit kanina pa kami nagpapalitan ng atake, Hindi mo makikita sa itsura niya ang kapaguran. Kahit gano'n man, makikita ang mga malalim na sugat sa kanyang braso at kaniyang binti na dulot nang aking mga atake.
"Shit." Napadaing ako sa sakit sa dami ng sugat na nakuha ko mula sa kaniya. Sira-sira na ang aking damit at punong-puno na ito ng mga dugo. Hawak ko ang isang punyal sa aking kanang kamay habang naghahabol ng aking hininga. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya na nasa kabilang side ng lugar na ito.
Base sa itsura ng lugar, mukhang nasa isa kaming palasyo. May ilan na torches na nakadikit sa pader ngunit hindi ito sapat upang magbigay ng liwanag sa buong kapaligiran. Kita rin dito ang isang painting na nakasabit sa kaliwang bahagi ng gusaling ito. Hindi ko makita ang itsura ng mukha nito dulot ng kadiliman ngunit nakasisiguro ako na isa 'tong babae base sa kaniyang pananamit.
"Natutuwa ako sa 'yong makipaglaro." Tumawa ito na umalingawngaw sa kapaligiran. "Mukhang wala ka talagang balak sumuko 'no?" Ngumisi ito at muli akong tingnan sa mata. Matinding galit. 'Yan ang naramdaman ko nang magtama ang aming mga mata."Hindi ka ba napapagod? Mukhang sa lagay mong 'yan, Kaunti na lang ay bibigay na rin ang 'yong katawan." Nagbwelo ito at inihanda ang kaniyang sarili sa pag-atake.
Sumugod ako sa kanya. Naglaho ang punyal na hawak ko at lumabas sa kanang kamay ko ang isang pana habang sa kaliwa naman ay isang palaso. Mabilis kong inasinta ang kaniyang katawan habang patuloy sa pagtakbo patungo sa kaniyang kinatatayuan. Nakita ko itong ngumisi. Hindi ako magpapasindak sa mga ngiti niya. Hindi ako natatakot.
Kahit kanina ko pa siya nagagawang sugatan, sa tingin ko, Ako ang pinakadehado rito. Hanggang ngayon kasi, Hindi ko pa rin alam ang kaniyang ability. Ngayong pa nga lang na nakikipaglaban ako sa kaniya within short range ay nahihirapan ako, how much more kung ginagamitan niya na ako ng ability niya.
Mabilis itong nakapunta sa aking likod. Akmang sisipain niya ako ngunit mabilis ko itong naiwasan. Tumalon ako at pinaulanan siya ng aking mga palaso. He managed to dodged it all easily. Paglapat ng aking paa ay mabilis kong ginawang punyal ang aking pana at palaso. Muli akong sumugod sa kanya. Hindi ako dapat panghinaan ng loob. Kahit kanina pa akong pagod na pagod, hindi ako susuko hanggang hindi ko nakikitil ang kaniyang buhay.
Nagpagulong-gulong ang aking kalaban at kumuha ng pocket knives sa kanyang bulsa. Itinapon niya ang mga ito patungo sa aking direksyon. Itinapat ko ang aking palad sa direksyon kung saan ito nanggaling. Lumiwanag ang aking palad, Gumawa ako ng isang matibay na barrier upang protektahan ang aking sarili.
Nagulat ako nang makita kong maraming bomba ang patungo sa aking kinakatayuan. Ginamit lang pala niya ang kaniyang mga pocket knives upang mawala ang aking pokus sa kaniyang susunod na gagawin. Hindi ko pa rin naman inaalis ang ginawa kong barrier kaya balewala ang kaniyang ginawang atake. Nagdulot ito ng usok sa kapaligiran at hindi ko siya makita mula rito.
"Not bad. Kahit papaano, natutuwa naman akong makipaglaro sa'yo." Nang mawala ang usok nakita kong kinuha niya ang espada na naka-display sa pader. Mukha itong mabigat pero malaya niya itong nilalaro sa kaniyang kamay. "How about we make this fight to the next level, Lliane?" Ngumisi ito at binalutan niya ito ng kaniyang kapangyarihan. Nagkaroon ito ng parang apoy na kulay itim sa palibot nito.
Inalis ko ang barrier na nakapalibot sa akin. Ang aking punyal na hawak-hawak ay naging isang mahabang espada, ginto ang hawakan nito at may hugis puso sa may hawakan nito.
BINABASA MO ANG
Adarme Academy : School of Powers (On Going)
FantasyWelcome to Adarme Academy : School of Powers "Where Love can be Special" Disclaimer: This story is in Tagalog Picture is not mine, Credits to its rightful owner. ©Leeward Paming (Heycee7)