Chapter:59

25 1 0
                                    


Naalimpungatan nalang ako ng tumunog yung alarm ko 7 na ng umaga. Pagtingin ko sa tabi ko wala na si kuya. May nakita akong note sa may table sa gilid ng kama ko.

To:Ayesha
Goodmorning, hindi na kita ginising ang himbing kase ng tulog mo. Yung kotse pag balik ko dala ko na. Ingat ka dyan love you.

From:kuya pogi

Napailing nalang ako ng mabasa ko yung dulo. Tumayo nako at naghilamos. Bumaba nako at nagluto ng almusal. Pagtapos ay kinuha ko yung bag ko at umupo sa couch. Tatapusin ko na yung mga paperworks ko ngayon at para hindi nako mahirapan pa bukas.

Pagtapos ko gumawa umakyat ako at naligo. Mainit narin ang panahon ngayon at tapat pa ang araw dito. Ng matapos ako maligo kinuha ko yung basket na laman ng marurumi kong damit at pumunta sa baba.

Nilagay ko sa washing machine yung decolor tska ko nilagyan ng sabon. Pagtapos umupo muna ako sa couch at nanood ng tv.

Sinampay ko na yung mga damit ko sa likod dahil open area naman yun kaya matutuyo dun yung damit ko. Sinunod ko naman yung nga puti. Binabad ko muna to tska ko pinlay yung washing.

Mga 1:30 nako natapos maglaba kaya ngayon lang ako magluluto. Naisipan kong mag ginileng na may patatas. Bawang at sibuyas. Ginisa ko muna yung bawang tska sibuyas tska ko nilagay yung ginileng. Mga ilang minuto nilagay ko na rin yung patatas at inintay ko muna itong kumulo.

Nagsaing muna ako habang iniintay na kumulo yung ginileng. Pagtapos magluto kumain na ako. Naglabas narin ako ng tubig at baka mamaya mabulunan pako mahirap na. Pagtapos kumain naghugas nako ng pinggan at inayos ko rin yung kusina medyo magulo na kase sya.

----

Nagdaan ang linggo at mabuti na ang kalagayan ko siguro naka move on na nga ako dahil rin sa mga kaibigan ko at lalo na kay zymeth. Nagkakasalubungan pa naman kami ni harrian sa corridor at nagngingitian naman kami kahit papaano. Hindi ko na rin nakikitang magkasama sila ni jia kaya nagtataka ako.

Kung kelan wala na ako tska naman nya iniwan si jia haysttt.

"Una na kami mga bakla" sabi nila mj at cj.

"Babye ingat" paalam naman nila cassey at luisa.

"Oh pano ba yan alis uwi na tayo" sabi ni zymeth kaya napalingon ako sakanya. Tumango nalang ako at pumasok sa kotse nya.

Sabi ni kuya baka daw sa isang araw na nya madala yung kotse ko dahil daw may trabaho pa daw sya. Sobrang busy rin nya kaya pinabyaan ko nalang at ayos lang naman hinahatid at sundo naman ako ni zymeth kahit papaano.

Diko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay. Humarap ako ng zymeth at nginitian nya.

"Salamat sa pag hatid, ingat ka pauwi" sabi ko sabay halik sa pisnge nya namula pa sya kaya napahagikgik pa ako at bumaba ng sasakyan nya.

Kumaway lang ako tska pumasok sa bahah. Nagbihis lang ako tska lumabas ng bahay. Nagmotor nako para hindi ako mahirapan.

Keep Voting!

LOVE PAST AWAY(Completed)Where stories live. Discover now