Chapter 26

3.5K 79 0
                                    

Chapter 26: Suitor
.
.
.
.
.
.
.

Zechariah's POV

"Ate please don't tell this to kuya" pagmamaka-awa ni Klaire sakin na tinanguan ko lang at tumingin ako kay Heize ng masama.

"O bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Heize sakin.

"Akala ko ba ako lang? Sabi mo ako lang luv mo?" Pabirong acting ko.

"Tsk. Sira" ani nito saka ginulo buhok ko. "Kahit na ikaw ang luv ko. Hindi naman ako ang luv mo" pabirong sabi niya.

*pout*

"Luv kaya kita! Ikaw lang Bestfriend ko dito ehh" sabi ko.

Inakbayan niya ako saka bumulong.

"I missed you Bestfriend" bulong niya.

"Tsk. Umalis ka nga dyan! Nag seselos na si Klaire oh" pang-aasar na sabi ko. Saka inalis yung pagka akbay niya sakin.

"Hayaan mo siya. Alam naman niya na mas mahal ko siya kesa sayo. Diba Baby?" Sabi niya saka kinindatan si Klaire na nag blush naman. Ang cute nila!!!

"Ah ganon? Break na tayo! Two timer ka pala!" Biro ko pa.

"Hahaha. Panget mo" asar niya. Maski si Klaire ay natatawa na rin.

"Panget man ako sa inyong paningin. Isang Klystron Davis lang naman kaya kong paibigin!" Banat ko. Kaya tawa lang sila ng tawa.

"Hahaha tara na nga! Bago ka pa matuluyan at baka magpakamatay ka dahil sa kabaliwan mo"sabi ni Heize saka ako hinila. "Ihatid muna pala natin si Klaire" sabi pa niya saka ako binitawan at hinawakan sa kamay si Klaire. Wahhh!!! Nag seselos ako!!!

Nang makarating kami sa classroom ni Klaire agad namang naghiyawan ang mga kaklase nito dahil nakita nila si Heize.

"Wahh!!! Papa Heize sinusundo mo na ba ako?" Hiyaw nung isa niyang kaklase.

"Pst! Manahimik ka nga diyan! Nandyan yung Girlfriend nya ohh" suway naman nung isa.

"Hindi naman sila ah! Girlfriend yan ni Pres. Kly ehh" tsk.

"Ah pasensya kana ate sis ahh" si Klaire yan.

"Okay lang. Sige pasok ka na may papatayin pa ako ehh" sabi ko saka sumulyap kay Heize na nagtataka naman.

"Papatayin?" Takang tanong nito.

"Ahh wala. Sige pasok kana" sabi ko kaya tumango naman siya saka tumingin kay Heize at bumeso.

O.O

Daig pa ako?

Nang makapasok na si Klaire agad kong hinila si Heize papalayo sa classroom nila.

"Napano ka?" Takang tanong ni Heize sakin ng makalayo na kami.

"Bakit hindi mo sakin sinabi agad?" Nagtatampong sabi ko.

"Tsk. Paaano ko sasabihin eh nasa bakasyon ka"

"Pero paanong nangyari yun?" Usisa ko.

"Mamaya ko na kukwento. Late na tayo oh" sabi niya saka ipinakita yung wrist watch niya 8:35 na!!! Late na nga kami.

Nagpunta na kami sa classroom at buti nalang late rin yung Prof namin.

Nag umpisa na ang klase pero parang wala paring pumapasok sa utak ko dahil iniisip ko pa rin kung paanong nangyaring nililigawan ni Heize si Klaire ngayon. Dumaan ang oras at lunch break ni isa sa napag aralan namin ngayon ay wala akong naalala. Bwisit na Heize kasi yun! Hindi pa kasi kinwento!

The Billionaire's Maid (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon