Chapter 31

3.1K 65 1
                                    

Chapter 31: Proposal?
.
.
.
.
.
.
.

Zechariah's POV

Pagkatapos magbigay ng message ni Heize. Si Klaire naman tapos si Klyde at marami pang sumunod sakanila. Ngunit isa lang ang hinihiling ko na mag message sakin at yun ay walang iba kundi si Kly.

Pagkatapos ng pagbibigay ng message. Nagpalaro si Reign. Mga teenager na mag jowa ang mga kinuha niya at sila daw ang mag lalaro. Yung larong ididikit ng babae ang tape sa anumang bahagi ng katawan ng lalaki na nagsisimula sa letter na ibinigay ni Reign. At yun nga, tawa lang ako ng tawa sakanila pero deep inside, iniisip ko na sana kasali rin kami ni Kly.

Hanggang sa matapos na ang mga palaro niya at oras na para isayaw ako ng mga lalaking nasa listahan daw niya. Kahit na ayaw kong sumayaw napilitan ako dahil part din daw yun ng program. Pagkatapos ng sayawan ay kainan nanaman. Patapos na yung party pero wala parin si Kly. Ano ka ba naman Zec! Syempre hindi siya makakarating. Ikaw kaya hampasin ng dospordos, tubo at baseball bat. Makaka attend ka pa ng party!? Ang shunga ko!

Nasa kalagitnaan ng pagkain ang lahat habang ako ay nakatungangang nakaupo parin dito sa stage. Nang biglang mamatay ang ilaw at nagpanic ang lahat.

*flash*

Biglang may projector nanaman ang sumindi at nasa harapan ko ito ngayon.

Ano nanaman kaya ito?

Unti unting pumatak ang luha ko ng makita kong isa isang nag flash ang mga litrato namin ni Kly. Kasabay ang pagtugtog ng 'You are the Reason' by Calum Scott and Leona Lewis. Hindi ko alam kung paano nakunan lahat ng iyan. Lahat ay stolen. Simula nung mapunta ako sa mansion nila hanggang sa nagpunta kami sa rest house ng lolo niya. May mga ibang hindi stolen at sinadya talaga namin yun ni Kly. Hindi ko rin alam kung paano napunta yun dyan sa projector. Tapos yung picture na nagpropose sakin si Kly nandun din. Hindi ko na talaga mapigilan at gusto ko ng humagulgol. Kaya tumungo ako kahit na nakaplay pa yung video. I really miss him! Sana okay lang siya.

I climb every mountain~~🎶
Swim every ocean~~🎶
just to be with you 🎶
and fix what I've broken~~ 🎶
ohh, cause i need you to see~~ 🎶
and you are the reason~~ 🎶

"Hey, dont cry. Ang pangit mo" may biglang nagsalita kasabay ng pagsindi ng ilaw.

O__O

Tug.dug.tug.dug.tug.dug

Bumilis yung tibok ng puso ko. Tama ba yung pagkakarinig ko? Si Kly?

Tinignan ko ang nasa harapan ko ngayon. Si Kly nga!!!

"Wahh!!! Klyyy!!" Sabi ko habang umiiyak at niyakap ko siya. Niyakap niya rin naman ako. Narinig kong nagpalakpakan ang mga bisita.

"Happy birthday babe" bati niya pero umiiyak parin ako habang nakayakap sakanya. "Huwag ka ng umiyak. Nandito na ako" sabi niya saka pinahid ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Akala ko h-hindi ka na makakapunta" alalang sabi ko saka siya niyakap ulit.

"Pwede ba yun?" Sabi niya. Teka diba nabugbog siya? Bakit ang linis naman niya? Hayaan na nga mamaya ko nalang itatanong. "Hindi ka na galit sakin?" Tanong niya kaya humagulgol ulit ako. "Stop crying" sabi pa niya.

"Kung hindi ko lang napanood yung video mo kanina. Iisipin ko talagang break na tayo!" Sabi ko. Pero natawa lang siya.

"I'm sorry okay. Hindi ko naman hahayaang mangyari yun" sabi niya.

The Billionaire's Maid (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon