Chapter 1

12.3K 234 7
                                    

Chapter 1: Meet Him
.
.
.
.
.
.
.

"Anooo!!!?"

"Pasensya na anak kailangan kong gawin ito"

"Pa naman. Sa lahat ng pwedeng ibayad bakit ako pa!?" Halos pasigaw kong sabi. Nakakainis!!! "Anak nyo ba talaga ako!?" inis na sabi ko

"Papag-aralin ka naman daw pero kailangan mo lang sundin ang pinapagawa niya" mahinahon na sabi ni papa.

"No! Hindi ako makakapayag!" ano ba kasing pumasok sa isip nila para ako ang ipambayad!? Grrrr!!!

"Anak naman. Sige na, mawawalan ako ng trabaho kapag hindi ko siya nabayaran. Kapag nangyari yun pati bahay natin mawawala. Intindihin mo naman ako anak" pagmamakaawa sakin ni papa.

"Sige na anak pumayag kana" pagsegundo naman ni mama. Pero halatang halata din sakanyang labag din ito sa kalooban niya.

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko dahil sa sama ng loob sakanila. Ano bang nagawa ko para gawin nila sa akin ito?!

"Pag-iisipan ko" umiiyak na sagot ko sabay akyat ng kwarto at pabagsak na isinara ang pinto.

Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at doon na ako humagulgol ng iyak. Parang batang pinaghahampas ko ang unan na nasa tabi ko. Hindi ko maisip kung bakit? Anong dahilan? Bakit ako pa?! Bakit!!!???

***KINABUKASAN***

Nagising ako na parang ang bigat ng mata ko kaya hindi ko muna binuksan ang mga ito at pinilit ko paring matulog.

Naiinis parin ako kay papa kaya kahit gising na ako hindi parin ako lumabas ng kwarto. Pero nagugutom nako!

Kaya wala ako choice kung hindi lumabas ng kwarto na nakapikit parin ang mata dahil antok pa ko at ayaw ko rin makita si papa. Alam ko naman ang pasikot sikot ng bahay kaya, kaya kong magpunta ng kusina ng nakapikit. Galing ko no?

*Toink*

"Aray! Huhuhu" daing ko nang bigla akong mauntog. Aish! ang tanga ng pader!

"Ehem"

Hala! Wahhh!!!! nagsasalita yung pader.

Tumalikod ako at dun na binuksan ang mata ko para makatakbo sa kwarto ko.

Lumaki yung mata ko ng mapagtanto ko na hindi namin bahay to.

"Wahhh!!!! Nasan ako!!!??" Naiiyak na sigaw ko at napaupo nalang ako sa isang sulok.

"Miss Matthew?" May tumawag sakin pero hindi ko pinansin. "Miss Matthew. Pasensya na at hindi ko nasabi sayo. Nandito ka ngayon sa Mansion ng mga Davis" tumingin ako sa lalaking nag salita mukhang nasa 40+ na.

"Bakit ako nandito? Sino ka? Anong mga pinagsasabi mo? Bakit mo ako kilala? Sinong mga Davis? Wahhhh!!!! Ibalik niyo na ako samin!!!" Sunod sunod na tanong ko.

"Teka miss Matthew isa isa lang" sabi nito. "Nandito ka para pagsilbihan ang mga Davis bilang kabayarang sa mga utang ni Mr. Matthew" tukoy niya kay papa.

"Ano!? Hindi pa naman ako pumayag!" gulat na sabi ko.

"Tumawag si Mr. Matthew kagabi sa akin at ipinapasundo ka. Natutulog ka noong pumunta kami sa inyo. Ang sabi niya saamin na mas mabuti ng natutulog ka habang papunta dito sa mansion dahil siguradong magwawala ka kung malalaman mo." Paliwanag niya.

The Billionaire's Maid (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon