Chapter 24

14 0 0
                                    

Amber POV

Natapos na namin ni best ang mga dapat ayusin nag lalakad kami ngayon papuntang cafeteria nag text kasi kanina si drew na sa cafeteria nya na lang daw kami hihintayin, hindi ko alam kung kasama nya na si kian hindi naman kasi ako nireplayan nung nagtanong ako kung mag kasama na sila. Hayy hanggang ngayon napapa isip pa rin ako kung anong nangyari sa kanila o ang rason ng tampuhan nila at umabot pa sila sa suntukan.

" bessy okay na daw sila? " tanong sakin ni best habang naglalakad kami

" di ko alam best eh, di na nag reply si drew "

" ano kayang nangyari sa dalawang yon ano? ngayon ko lang ata nakita na nagkatampuhan sila "

" napapa isip nga din ako best, hindi ito yung unang tampuhan nila pero feeling ko hindi lang basta tampuhan kasi tingnan mo naman umabot pa sila sa suntukan "

" i know right, knowing drew di nya naman siguro basta sasapakin si kian ng basta basta "

" ayts naman "

" chill girl, siguro naman mag sasabi din sila kung anong problema nila tsaka magkakaayos din sila. Tiwala lang " pag aalo sakin ni best

" sige na best, mauna ka na sa cafeteria sabayan mo na lang muna si drew feeling ko kasi di sila magkasama ngayon ni kian "

" huh? pano ka? di ka ba muna kakain? "

" hahanapin ko na lang si kian then sabay na lang kami kakain "

" sure ka? gusto mo samahan muna kita maghanap ite-text ko na lang si drew na male-late tayo saglit "

'' di na best kaya ko na toh, nakakahiya na kay drew baka kanina pa naghihintay yon "

" sure ka ah "

" yep. text na lang kita best maya ha "

" okay sige. "

Pagkahiwalay namin ni best tinext ko si kian kung nasan sya para sabay kami kakain ng lunch. Nag hintay ako ng ilang minuto sa reply nya pero wala pa rin, kaya tinawagan ko na sya baka kasi naka silent yung phone nya kaya hindi sya nagrereply. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos ko i-dial yung number nya, kaya naman pala di nag rereply naka off yung phone nya. Nasan ka ba kian? naman oh san kita hahanapin. Lahat ng mga nakakasalubong ko na kakilala sya tinatanong ko kung nakita ba nila si kian pero di rin nila alam kung nasan daw yung iba naman nag tatanong na " hindi mo kasama si kian? " eh kaya ko nga sila tinanong kasi di ko kasama ahahaha natatawa na lang ako sa kanila ang labo din nila eh. Hayyy kian nasan ka ba kasi lakas lang maka " NasaankaElisa " ang peg mo eh.

Oh shoot tama, baka nga andun sya kaya pumunta ako sa likod ng school hindi kasi masyadong matao don pero masarap tumambay kasi mahangin at tahimik perfect place sa mga gustong mag emote ahaha at si kian yon feeling ko dun sya nag eemote ngayon. Pagkadating ko sa likod ng school tama nga ang hula ko dito nya napili mapag isa, nakaupo sya sa ilalim ng puno habang nakatingin sa malayo.

" ehem. sobrang lalim ng iniisip ah, baka malunod ka na nyan "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One and Only YouWhere stories live. Discover now