One and Only You Chapter 11

24 0 0
                                    

Amber POV

Hayy salamat at magaling na si Kian pero feeling ko parang ako naman ang magkakasakit ang sakit ng ulo ko at ang sama din ng pakiramdam pero hindi ako pwede magkasakit malapit na ang exam namin mapapaaga ang exam namin dahil foundation week na next week kaya sana lang talaga wag ako magkasakit.

" psst, girl okey ka lang?" tanong sakin ni lheslie

" sa totoo lang hindi eh, ang sakit kasi ng ulo ko tapos ang sama din ng pakiramdam ko kainis "

" hala ka pumunta ka kaya muna sa clinic para mabigyan ka ng gamot tsaka para makapag pahinga ka na rin muna "

" hindi na kaya ko pa naman eh, tsaka ayaw ko ng gamot hindi ako sanay uminom eh "

" eh? pano ka gagaling nyan kung hindi ka iinom ng gamot "

" hehe wala to mawawala din siguro mamaya yung sakit ng ulo ko "

" ayts ang tigas talaga ng ulo mo hihintayin mo pa na magkasakit ka ng tuluyan "

" hehe hindi naman, thanks sa concern. Oh sya mauna na ako ah may klase pa kasi ako eh "

" sure ka kaya mo? baka bigla kang matumba sa daan ah "

" yup kaya ko, salamat ulit. bye "

Pagkagaling ko sa SSC Office dumiretsyo na ako sa room namin ire-review kasi kami ng prof namin dahil nga malapit na ang exam.

" best " tawag ko kay lexie pag dating sa room sabay beso

" oh bessy " sabay beso nya din sakin " may sakit ka ba? bakit parang ang init mo "

" syempre best buhay pa ako eh ^____^ "

" gaga, seryoso nga bessy ang init mo "

" hehe love you best, sinat lang yan ang sama kasi ng pakiramdam ko eh "

" naku, wag mong sabihin nahawa ka kay Kian? at ikaw naman ngayon ang magkakasakit "

" hindi naman siguro mawawala din to mamaya "

" mabuti pa bessy umuwi ka na lang para makapag pahinga ka tutal wala naman si sir eh "

" wala? bakit wala daw? "

" may meeting daw eh, isesend na lang daw sa email natin yung reviewer "

" ganon ba, iniwan ko pa naman si lheslie sa office kasi akala ko ang ire-review tayo ni sir "

" si lheslie lang ba tao sa office? "

" oo, may klase pa kasi sila mike eh "

" maiintindihan naman ni lheslie yon kung uuwi ka, hello kailangan mo magpahinga buti ba sana kung nainom ka ng gamot "

" oo na po magpapahinga na, tatawagan ko na lang si lheslie "

" so tara na hatid na kita "

" hmm wait lang best, paalam muna tayo kay Kian baka kasi maghintay yon mamaya after ng practice nila "

" okey "

GYMNASIUM

" wooooo ang daming papables bessy " lexie

" hahaha gagi ka best para namang hindi mo kilala yang mga yan "

" hahaha just kidding. Oh pano ba yan bessy pano ka makakapag paalam kay kian eh nasa kalagitnaan sila ng practice "

" oo nga eh, hintayin na lang natin saglit baka malapit na yung breaktime nila "

at umupo muna kami sa mga bleachers, kahit nagpa practice lang sila medyo madami pa din yung mga nanonood karamihan mga sophomores ang estudyante.

One and Only YouWhere stories live. Discover now