Chapter 19

16 0 0
                                    

" girl sigurado ka ba sa gagawin mo? "

" sigurado na nakausap ko na sya at pupunta sya "

" pero girl alam mo naman na may girlfriend sya diba? hindi lang ang girlfriend nya ang masasaktan sa gagawin mo, pati sarili mo sinasaktan mo "

" alam ko. pero kung di ko gagawin ito hindi nya ako kakausapin hindi nya malalaman ang dahilan ko kung bakit ko sya iniwan "

" baka hindi pa handa ang tao, please girl wag mo na ituloy masasak-

" matagal na akong nasaktan, sa tuwing nakikita ko sila na magkasama, sa tuwing iniiwasan nya ako doble ang sakit "

di na napigilan ng dalaga ang mapa iyak sa sobrang sakit na nararamdaman..binuhos nya na ang lahat ng luha na pinipigilan nya..kung alam nya lang sana na ganito ang mangyayari di na sana nya itinago sa lalaki ang dahilan ng pag alis nya..kung naging matapang lang sya ng mga panahon na yon sana di mangyayari ang lahat ng ito..

" shhh girl tama na.. siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa "

" pero mahal ko sya. mahal na mahal at kahit kailan di nawala yon "

" i know. pero girl may girlfriend na sya masaya na sila. babae ka din alam mo ang mararamdaman ng girlfriend nya at lalo ka lang masasaktan pag pinagpatuloy mo pa ito "

" akala ko ba kaibigan kita? bakit parang mas nag aalala ka pa sa babaeng yon? "

" girl naman.. sinasabi ko sayo lahat ito dahil kaibigan kita.. hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. "

" sinasabi mo yan dahil hindi mo pa naranasan ma inlove.. di mo alam ang nararamdaman ko.. ang sakit tuwing nakikita ko sila, tuwing nakikita ko na tumatawa si kian dahil sa babaeng yon, kung paano asikasuhin ni kian ang babaeng yon..lahat yon di mo alam kung gaano kasakit "

" nagkakamali ka.. alam na alam ko kung gaano kasakit ang lahat ng yan ang makita ang mahal mo na masaya sa piling ng iba..na tumatawa sa piling ng iba na kulang na lang lumuhod ka sa harapan nya para sabihin na ako na lang ang mahalin mo.. lahat yon naramdaman ko na pero dahil mahal ko sya kahit masakit pinilit ko syang i let go dahil alam kong di sya magiging masaya sa akin kahit kapalit nun ang unti-unting pagdurog sa puso ko maging masaya lang ang taong mahal ko at ang bestfriend ko "

" g-girl sorry.. hindi ko alam..s-sorry "

" shhh tama na..past na yon wag na natin balikan "

" b-bakit hindi mo sinabi? "

" para saan pa? masaya na kayong dalawa sisirain ko pa ba? "

" pero dapat sinabi mo "

" nah di na.. kaya girl please lang wag mo na ituloy.. kaibigan kita at hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo "

" sorry girl pero buo na ang desisyon ko "

Drew POV

" ang gara naman bro ano ba kailangan nya? "

" i don't know "

buhay nga naman oh bakit kung kailan ayos na tsaka naman may darating na problema..ayan tuloy problemado na naman ang kaibigan ko tsk tsk nakakabawas pa naman ng kagwapuhan ang problema kaya di na ako magtataka kung mas gwapo na ako kesa sa kaibigan ko *smirk*  syempre biro lang.

" oh anong plano mo? "

" pupuntahan ko na lang sya para matapos na lahat "

" sigurado ka? "

" yeah "

" pano si amber? di mo ba ipapaalam sa kanya? " tanong ko sa kaibigan ko ang gara naman kasi ng babaeng yon alam nya naman na may girlfriend na yung tao eh.

One and Only YouWhere stories live. Discover now