Chapter 2

4 0 0
                                        

"NAMAN,ate angel wag ka rito" Reynald-----her younger and only brother---ng makidutdot sya sa grand piano kung san ito tumutugtog.
Ngumiti lang siya at nag-beautiful-eyes pa.

"Naku.Hindi mo na ako makukuha sa paganyan-ganyan mo ," pagsusungit pa ni Reynald.

"Ikaw naman,kapatid,hindi na mabiro.paupo nga ate sa tabi mo." sabi ko at nang umisod ito nang kaunti ay umupo nako sa tabi nito.

"Ang ganda ng tinutugtog mo. ano nga ang title n'on?NASA dulo ng dila ko,eh." nag iisip na sabi ko,alam ko na

"IKAW PARIN  ni...ni..." Sabi ko ,medyo napakunot-noo ito

"Sorry, nakalimutan ko kung sino'ng kumanta ng Tagalog version.May Japanese version kasi iyon.Mas kilala ko kung sino'ng kumanta ng Japanese kaysa sa Tagalog version."Sabi nito

"Talaga? Tugtugin mo uli.please?"Sabi ko with beautiful--eyes
Dahil nagandahan talaga ako sa music na iyon, siguradong  mae-LSS ako.

"Mayroon ka bang note n'ong song?"tanong ko

"Wala.tuturuan nalang kita kung gusto mo.Two Thousand per session." Sabi nya ng nakangiti ng nakakaloko

"Tse!Buraot ka talaga kahit na kailan,at kahit nineteen ka na papatulan pa rin kita" Tumawa L
Lang sya sa sinabi ko

"Hindi ako pumapatol sa isip bata."Sabi nito

"Hmp.Tumugtog ka nalang."Sabi ko

Kahit madalas kaming mag-asarang magkapatid,never naman kaming mag-away.Lambingan lang namin ang pag-aasaran.Dalawa lang kami magkapatid at ako ang    panganay my name is Angel Camacho.Ang mama Ann namin ay sa bahay lang at hindi na pinagtrabaho pa ni papa Reynaldo .Ang papa namin ang nagtatrabaho para sa aming pamilya.May fifteen percent kasi kaming share of stock sa Millares Corporation.Ang kapatid ko na si Reynald ay  kumukuha ng Marketing Management sa Mori High University.Habang ako naman ay graduate ng Tourism sa parehong University.Wala pa akong  trabaho ,dahil naisipan ko muna magpahinga ng isang taonpagkatapos makagraduate.

"Ichiban daiji na mono ga.Ichiban tooku e iku yo.Kona ni oboweta Kimi no."

Napangiti ako habang pinapakinggan ang pagkanta ng kapatid ko.
Anime addict kasi si Reynald kaya mahilig din sa mga Japanese songs.
Matapos nitong magtugtog ang piyesa ay pumalakpak ako.

"Nice one,bro"sabi ko

" Salamat,kapatid"tumayo na ito,bago magsalita"Ikaw naman ang bahala dyan sa piano"

Tatalikod na sana ito ng harapin ulit ako."Nasabi na ba sayo nina mama na mayroon silang one month grand vacation?" Tanong niya

"Ah,oo.Kasama sina tita Alma at tito Jessie"Sabi ko

"Two weeks from now na yon.May Isa pa pala ako fresh na fresh.Gusto mong malaman?"Sabi nito na naupo uli sa kanyang tabi

Sa tangkad ng kapatid ko nagmumukha syang matanda at idagdag mo pa ang tikas ng katawan nito na alaga sa gym

"Hay naku,Reynald Camacho Hindi kana naubusan ng tsimis.daig mo pa ang babae,Ano ka ba talaga?baka naman closet queen ka?sunod sunod kung tanong

"OA MO!hindi ko sasayangin ang gandang lalaki ko"sabi nya

Tumikhim ito at nagseryoso "Next week darating iyong anak nina Tita Alma na nagaling sa State"Sabi nito

"Iyong Carl?bunsong anak yon nina Tita Alma,diba?"tanong ko

Sa totoo lang,wala akong ideya tungkol kay Carl,
because hindi ko pa ito nakikita in person,at kahit latest picture nito ay wala akong nakikita.

"Hindi yon nabanggit saken nina Tita Alma"Sabi ko

"Sinabi lang yon saken ni mama,next week din ang welcome party para kay Carl.bibilhan kita ng dress.Isuot mo sa welcome party"Sabi nito

"Ikaw bahala"Sabi ko

Himala mabait ata ang kapatid ko

"Okay,bigyan mo nalang ako ng cash mamaya,pupunta kasi ako sa mall"sabi nito

Napatigil ako sa pagpindot sa tiklado ng piano,saka tiningnan ko ng masama ang kapatid ko

"Kung di mo rin naman ako  ililibre, don't bother buying me a new dress"Sabi ko

Pinisil ni Reynald ang pisngi ko.As in brutal na pagpisil na halos ikasigaw ko sa sakit.

"Ano ba! Wala ako pera"Sabi ko

"By the way,balita ko,binata pa raw yong Carl.23 years old"Sabi nito

"So?"Sabi ko habang ngumawa-ngawa kasi naman masakit talaga pisngi ko

"Just so you know" kumindat pa to bago tuluyang umalis.

Ano naman kung binata at bakit kailangan ko malaman tssk


DAHIL walang magawa,naisipan kung pumunta sa kabilang mansion.
Nagkataon naman na wala roon ang pamilyang Valdez.

"Baka mamayang gabi pa ang uwi nila o di kaya naman bukas pa"imporma pa ni Helen ang kasambahay roon

"Ganon ba?ano ginagawa nila don?"tanong ko ngunit nagkibit balikat lang sya

UNEQUALED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon