KINABUKASAN pagkagising ko,inabala ko agad ang sarili sa paggawa ng scrapbook.Nilagyan ko iyon ng kung ano-anong designs.
"Señorita,gusto mo bang mag-snack?" Tanong ni Manang Choleng
"Busong pa po ako manang,salamat nalang po"Ipinagpatuloy ko ang ginagawa nang muling mapag- isa.
Nang makaramdam ng pagod,lumabas muna ako sa aking silid.Dinala ako ng aking mga paa sa terrace kung saan kita ang harap ng aming mansyon.
Napakunot-noo ako nang makita si Mandi na naglalakad.Nakasuot ito ng maong shorts at tube top na kulay - pula,naka-high heels pa ito at mukhang banas na banas.
"Summer na summer talaga ang aura niya,huh.sabagay summer na ngayon"anas ko na sinundan lang ito ng tingin.
Huminto si Mandi sa paglalakad at humarap sa bahay ng mga Valdez
"Hi, handsome!how are you?I'm Mandi and you are?"malakas nitong sabi para siguro marinig ng kinakausap nito.
Napatingin tuloy ako sa kabilang mansyon.natulala ako nang makita ang dahilan ng pagpapacute ni Mandi.
Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata."Totoo ba ang nakikita ko?"hindi makapaniwalang bulaslas ko.Ipinikit ko ang aking mga mata at marahan uling idinilat."SHUcks"impit kung tili nang hindi mawala sa paningin ang nakikita ko.
Pano ba namang hindi ako matutulala nang makita ang nilalang ng Diyos sa kabilang terrace?Daig ko pa ang makakita ng totoong Greek god dahil SA sobra nitong kagwapuhan.OA na kung OA pero wala ako magagawa kung yon talaga ang nakikita ko.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi.Napalunok din ako dahil parang nanuyo bigla ang lalamunan ko.Napakabihirang mangyari saken na maattract sa isang lalaki nang ganito kadali.Nahawakan ko ang dibdib mayamaya.
Diyos na mahabagan,tinamaan na yata ko agad-agad.
Nakatayo ang lalaki habang nakahawak ang dalawang kamay sa railings.Nakatingin sa malayo at parang hindi naririnig ang sinasabi ni Mandi.The man in white t-shirts and denim pants was really, really gorgeous.Side view lang ang nakikita ko pero I'm sure di hamak na mas gwapo ito kapag humarap na.Ito na siguro ang bunsong kapatid ni Nicole.
Tama si Nicole.Sobrang gwapo nga ng kapatid nya.Para akong nakakita ng instant inspiration sa pang araw -araw kung buhay.
Nagising ako sa aking pagpapantasya ng biglang sumigaw si Mandi."Hey!Are you deaf or what?I'm asking your name here!"
Napatingin uli ako kay Mandi na halatang inis na.Hindi pa rin ito pinapansin ng lalaki.Gusto ko sanang sumabad at isigaw ang pangalan ni Carl pero hindi ko magawa dala ng hiya.Binalingan uli niya ang lalaki na nakantingin pa rin sa malayo.
Si Mandi naman ay nagwalk out na nangingitngit.Sino ba naman babae ang hindi maiinis kapag napahiya sa harap ng ibang tao?Natawa tuloy ako sa sinapit ni Mandi.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumaling saken ang lalaki.Daig ko pa ang nanigas sa kinatatayuan.Pati ang ngiti sa mga labi ko ay na- freeze din nang tuluyang makita ang mukha ng lalaki.OA man pakinggan pero kulang ang salitang 'GWAPO' para i-describe ito.Tulad ko hindi rin inaalis ng lalaki ang tingin saken.Nang makabawi ako,agad akong ngumiti at kumaway dito.Wala man lang itong reaction nang ibaling uli ang tingin sa malayo.Naibaba ko tuloy ang kamay,pero ang ngiti sa aking mga labi ay parang wala na yatang balak matanggal.
Pasimple kung hinawakan ang dibdib.Erotiko na ang kabig nito.Nang pumasok na sa loob si Carl,napaupo nalang ako sa rattan sofa na nasa likuran ko.
"I think I'm in love.I think I'm in love with you...."wala sa sariling kung sabi."Hay,nababaliw nanaman ako,si tita alma talaga,may itinatago pala siyang anak na ganong kagwapo."kinuha ko ang throw pillows sa malapit at iniunan iyon.Pumikit ako at mukha parin ni Carl ang nakikita mo."Para akong shabu na nakaka-addict."
Maya maya bigla nalang ako napatili dahilan kaya nagmamadaling pinuntahan ako ng mga kasambahay.
"Señorita Angel,anong problema?"nag aalalang tanong ng kasambahay
Napabangon tuloy ako mula sa pagkakahiga.
"H-ha? A-ah...kwan.ano,ahm...may..."May ano?tanong ng isip ko."May nakita kasi akong ipis kanina.T-tama,ipis nga.pero nakalipad na yata."pagdadahilan ko
Sabay - sabay napahinga ng maluwag ang tatlong kasambahay.
"Ganon po ba señorita?"
"Akala naman po namin kung ano na""Okay na po ako,pwede na ninyo akong iwan."
Pagkaalis ng mga kasambahay,saka lang ako nakahinga nang maluwag.Bahagyang sinabunutan niya ang sarili."Baliw kana talaga,Angel Camacho.at dahil yon sa kapitbahay mong gwapo"utal nya sa sarili
BINABASA MO ANG
UNEQUALED LOVE
RomanceUnang kita palang ni Angel Camcho kay Carl Valdez---ang biyaya ng diyos na galing state----na love at first sight na siya rito.First time pa naman nyang tamaan ng pana ni Kupido ay mukhang mahihirapan pa.Carl was cold as ice.Sa di malamang dahilan p...