LALONG lumapad ang ngiti ni Helen habang nagkwekwentuhan kami "Kasi Naman,Angel,dumating na si Sir Carl"kinikilig nitong pagbibida."Ang sabi nina Ma'am Alma,guwapo raw talaga ang bunso nila"
Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa reaksyon ni Helen "Daig mo pa ang high school student kung kiligin,Helen"Sabi ko
"Sino ba namang hindi kikiligin?nong nakita ko yung picture ni Sir Carl noong bata pa sya talagang guwapo na.
Pano pa Kaya ngayon?Pero wag kang mag alala,dahil ibabalato ko na sayo si Sir Carl.tutal,di hamak na mas bagay kayo" Sabi nyaNapairap nalang ako "Naku,sayo nalang,Hindi kita aagawan"kinindatan ko pa sya."Aalis na ko Helen"paalam ko bago nagtuloy tuloy palabas ng gate ng mga Valdez.
Sobra talagang curiosity ang nararamdaman ko para sa parating na si Carl Valdez,isinantabi ko muna yun ng makita ko si Mandi,ang pinakapapansin na yatang babae saaming street.
Ahead lang sya ng isang taon saken,at sa lahat na yata ng guwapong lalaki ay reyna sya ng papansin."Hi, Mandi!"nakangiti Kong bati nang dumaan sya sa aking harapan
"Hi yourself,wala akong panahon para sa mga hindi ko kalevel"maarte nyang Sabi
"Bakit?naglevel up ka nanaman ba?"biro ko sa kanya
"Ewan ko sayo!hmp inggit ka"irap nya saken
Natatawang sinundan ko nalang ng tingin ang papalayong si Mandi,kahit ganon ang ugali nya Hindi ko naman sya sinusungitan kagaya ng ginagawa nya saken.
Napahikab nalang ako."Parang masarap matulog"sinulyapan ko muna ang aming bahay tsaka bumaling ulit sa Valdez mansion.
"Hmm.makikitulog muna ako"sabi ko sa aking sarili at bumalik sa kabilang bahay.
"Oh,Angel,bumalik ka!"salubong ni Helen nang makita akong pumasok sa main door.
Agad akong umabgkla sa braso nya."Helen, inaantok ako."Sabi ko
"Anong gusto mo?patulugin kita? sarcastic nyang sabi
Umiling ako at,"hindi, makikitulog muna ako rito.sa guest room"
"Saan pa nga ba?sige sasamahan na kita para maayos ang mahihigan mo"malambing na sabi ni Helen
Paakyat na kami sa Grand staircase nang makasalubong namin si Nay Carmen ang mayordoma ng mansion
"Nay Carmen,makikitulog po muna ako"paalam ko sa kanya
Tumango lang sya bago nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.
"Iba ka talaga,Angel basta pagdating sayo sa bahay na ito wala na kung masabi.feel at home ka talaga lagi"natatawang sabi ni Helen
"Sshhh.baka may makarinig sayo"Sabi ko
Totoo naman ang sinabi ni Helen,kahit nasa kabila lang ang bahay namin,para ako hinhila ng higaan ng mga Valdez.
Carl PV
SAGLIT lang na inilibot ko ang tingin sa paligid bago ko napagpasyang umakyat sa hagdanan,
Bago ang lahat saken ang buong paligid,ang hanging nalalanghap at ang mga taong nakakaharap ko sa araw araw kahit pa mga magulang at kapatid ko."Magpapahinga ka na ba anak?"tanong ni daddy
Binalingan ko ang aking ama na nasa baba ng hagdan."Yes,I'm tired"maikli kong sagot
"May inihandang kwarto para sayo ang mom mo.Gusto mo bang pasamahan kita sa maid?"tanong nya
Marahan akong umiling."Ako na po ang maghahanap"
Kahit na mas matagal akong namalagi sa State kaysa sa Pilipinas,hindi ko naman kinalimutan ang wikang filipino.
"Okay,suit yourself"nakangiting sabi ni dad
Nagpatuloy na ako ulit sa pag akyat.dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot sa itaas,nanghula nalang ako ng magiging silid ko..
Pagod ako dahil sa ilang oras na byahe mula state,kaya gustong gusto ko ng ilapat ang likod sa malambot na kama at magpahinga na rin.Nang pipihitin ko na ang doorknob ng kwartong napag interesang buksan ay bumukas naman iyon.
pagkalock sa pinto nagtuloy tuloy na ako sa pagpasom.Mukhang guest room ang napasukan ko.
BINABASA MO ANG
UNEQUALED LOVE
RomanceUnang kita palang ni Angel Camcho kay Carl Valdez---ang biyaya ng diyos na galing state----na love at first sight na siya rito.First time pa naman nyang tamaan ng pana ni Kupido ay mukhang mahihirapan pa.Carl was cold as ice.Sa di malamang dahilan p...