CHAPTER 1

63 5 1
                                    

Chapter 1

"Okay Ms. Heart, you are enrolled already. And I am looking forward to you." Sabi ni Sir Brown

Yehey. I'm sure my Kade will be happy for me, nag enroll ako dito sa St. Therese University.

Kahit sa imagination ko lang. Hihihi

Sa totoo lang plano ko talaga mag enroll dito. Higit sa lagi ko siyang makikita, dahil crush ko siya, ay maganda talaga mag-aral dito, magaling ang mga guro dito at mababait ang mga mag aaral. Sana

Nasobrahan na yata ang pagka obsessed ko kay Kade dahil kahit sa University kung saan siya nag aaral ay nag enroll ako. Di bali na, gwapo naman siya eh. Si Kade, member siya ng volleyball team, kung ang iba ay sa basketball team kasali,  siya naman ay sa volleyball team. Attracted ako sa mga  lalaking kasali sa sport kesa naman sa mga lalaking walang ginawa kung hindi tumunganga at puro problema lang ang dala.

Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa University. Kung ilalarawan mo ang paaralan na ito ay malawak talaga. Hindi na ako magtataka kung bakit maliligaw ako pag nagkataon. Itetext ko na lang ang bestfriend ko para naman may kausap na ako at kasama.

To: Alhena♥
Beh, nasaan ka na? I've been waiting for you here for an hour na. Nasa bench ako, tapat ng HM building
Sent.

Mga ilang minuto lang.

Alhena calling....

"Hello, Alhena Joy Tan? Nasaan ka na?"

"Hoy! Rian Isabelle Heart, huwag mo nga akong tawagin sa buong pangalan! Papunta na ako diyan, hintayin mo ako"

"Okay, hihintayin kita. Bilisan mo okay? Wala akong kasama dito"

"Opo na. Sige na ba-bye. Mwahh"

Call ended

Nanatili ako sa kinauupuan ko para hintayin ko si Alhena, siya pa lang naman ang kaibigan ko, sabay kasi kami mag enroll dito dahil pinalipat na siya ng Chinese niyang Ama, para naman daw new environment para kay Alhena, magulo ang family ni Alhena , kaya ayaw niya na binabanggit ang whole name niya lalo na ang apelyido niya na Tan, Gusto na nga daw niya agad mag pakasal para lang hindi na Tan ang surname niya. What a weird girl she is.

Maya-maya pa ay dumating na din siya.
"Akala ko maghihintay pa ulit ako ng another 1 hour" sabi ko kay Alhena

"Grabe ka naman, alam mo naman na mabagal talaga ako diba? Hindi ka na ba nasanay sakin?"sagot niya.
Aba't, kaya pala ako pinaghintay ng matagal ay dahil sanay na ako. Itong babaeng to!

"Mabuti talaga at mahal kita" sabi ko, umupo siya  sa tabi ko "At ano? Iiwan mo din ako? Katulad ng Dad ko, na ngayon lang naman sumulpot?" sagot naman niya

"Hoy, huwag kang mag-inarte diyan. Tara na nga at baka ma-late pa ako sa klase ko" sabi ko sakaniya. Sabay na kaming naglakad at papunta na sana kami sa building namin.

Pareho kami ng course na kinukuha ni Alhena which is Nursing. Pangarap ko na talaga ito simula pa noong bata pa ako. Buti na lang at wala kaming problema sa family, they will always support me. That's why I love them.

Pataas na kami ng hagdan nang may makasalubong kami na babae, na mukhang nagmamadali, kaya naman nabangga niya ako. Tuloy ay nalaglag ang lahat ng dala ko.

In TimeWhere stories live. Discover now