CHAPTER 2

41 3 0
                                    

Chapter 2

*Krrriinngg..krriinngg..*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Bumangon na ako at pinatay ito. Bumaba na ako at nagtungo na sa kusina upang magluto ng sarili kong pagkain.

Sanay na akong mag-isa, dahil ang mommy ko ay nasa Europe for business at Daddy ko naman ay nasa U.S , binilhan na lang ako ng condo unit, dahil masyado malaki ang bahay para sakin.

Fried rice at sunny side up egg lang ang food ko, uminom lang ako ng gatas tapos naligo na ako. Pagkatapos kong mag gayak ay pumunta na ako sa sasakyan ko. At nagtungo na ako sa St. Therese University.

Hindi ko na hinintay pa si Alhena, pumasok na ako sa room, umupo at nagbasa ng librong hiniram ko sa library.

Maya-maya pa ay nagsimulang umingay sa paligid ko, puro sigawan at tilian ng mga babae. Hindi tuloy ako maka pag concentrate sa binabasa ko, isinarado ko ang libro at tiningnan kung saan naggagaling ang ingay.

Pagkakita ko--ang Blue Spikers Team kung saan kabilang si Kade. Dali-dali akong pumunta at nakipag siksikan sa mga umi-idolo rin sa kanila. Muntik pa akong matumba dahil ang daming fangirls and fanboys, buti na lang may nakasalo sakin.

Sino ba'to?

Kailangan ko pang tumingala para lang makita kung sino ang nakasalo sakin, dahil matangkad siya.

Pagtingin ko isang lalaki na may matangos na ilong,mapula ang labi, hazel-brown ang color ng mata niya at – Gwapo!

"Are you okay miss?" Tanong niya, at tinulungan niya na akong tumayo ng maayos.

"Um. Yes, I'm fine. Thank you sa pagsalo sakin" sagot ko naman sa kaniya.

"Walang anuman. Mag-iingat ka next time. Okay?" Sabi niya.

"Okay, thanks again" sabi ko, at tumalikod na siya at umalis.

Nung naka-recover na'ko, pag tingin ko sa paligid ko wala na ang Blue Spikers, ang mga fangirls nalang at fanboys ang natira.

Sayang, akala ko pa naman makikita ko na si Kade.

Pumunta nalang ako sa classroom at  nadatnan ko si Alhena na nakikipag kwentuhan kay Andrea.

"Nandito ka na pala." sabi ko.

"Ay, hindi. Wala pa ako dito Rian, obvious naman diba?Psh." Pagtataray niya.

Natawa naman si Andrea sa sinabi ni Alhena.

Aba! Tinatarayan nanaman ako.

"Problema mo? Meron ka'no? kaya ang sungit mo." sabi ko. "Oo, mayroon ako ngayon, tapos hindi mo pa ako hinintay, wala ka nung dumating ako, siguro nag hahanap ka na ng ibang bestfriend. Hmp" sagot niya.

Natatawa ako sa reaksiyon niya. Minsan talaga napaka moody ni Alhena
"Hahaha. Hindi ah, ikaw lang ang bestfriend ko." Sabi ko.

"Oo na." Aniya

Maya-maya pa ay dumating na ang professor namin. Buong klase ay attentive naman ako, dahil masyado akong interesado sa lahat ng pinag-aaralan namin. At gustong gusto ko talaga nitong course na ito.

Pagdating ng lunch. Napaka ingay ng cafeteria.

Ano nanaman kayang ingay to?

Pagtingin ko, totoo ba'to? Nandito.Ang.Blue.Spikers!
Meaning nandito din si Kade! Oh my Gosh.

Napagisipan ko na hindi na lang makipag siksikan dahil ayoko na maulit ang nangyari kanina, pagdaan ng minuto unti-unting nawawala ang mga fangirls pati narin ang fanboys na umiidolo sa kanila na kaninang tunatabunan sila.

Si Kade ang una kong nakita!
Mas maganda parin talaga ang silver eyes niya sa personal, ang matangos niyang ilong, at ang maganda niyang labi. Kung titingnan mo ang kulay ng balat niya ay hindi kaputian at hindi naman kaitiman. Bagay sa isang tulad niyang lalaki.

Gwapong gwapo siya sa suot nyang plain shirt at rugged jeans.

Habang nahuhumaling ako at nakatunghay sa kaniya bigla siyang tumingin sa gawi ko!
Nagkatinginan kami. Then he just suddenly smiled at me. I smiled back, and I can't believe how those smile captivated me in a second.

Kaya lang, may biglang humarang sa harapan ko. Teka, Si Mr. Hazel-brown eyes ito ah.

"Hi." Sabi niya, sabay ngiti sakin.

"Umm, Hello ––"
"Xanderius Gomez, Xander for short" pagdudugtong niya sa ibang sasabihin ko.

"Oh, Hello Xander. It's nice seeing you here, again" sabi ko tapos binigyan din siya ng pagkaganda gandang ngiti.

"Gusto mo bang sabay na tayo mag-lunch? Mukhang wala kang kasabay." Ani Xander

"Sige, dito ka na sa tabi ko" sabi ko sabay tapik ng upuan.

Umupo siya doon at nag simula na kaming kumain. Maya-maya pa ay nag salita na siya. Nag kwentuhan kami, nalaman ko na broken family pala sila, ang nanay niya ang namamahala ng company nila samantalang ang tatay naman niya ay nasa Ireland kung nasaan ang lolo at lola niya. Mayaman sila at may ibubuga. Kung ako ang tatanungin ay maswerte na din siya.

"–pero alam ko naman na swerte parin ako, dahil maalaga ang mommy ko, hindi rin naman ako pinapabayaan ni Dad." Sabi niya.

"You're lucky, you have parents like them" I told him.

Pagkatapos naming mag lunch ay sabay na kaming mag lakad papuntang lobby. Hindi ko kasabay si Alhena ngayong tanghali dahil sinundo siya ng Daddy niya, dahil may emergency sa bahay nila.

"You know what, we should go out often" sabi ni Xander. Tumingin ako sa kaniyang nagtataka.

"Sure ka? Bago pa lang tayong magkakilala." Sabi ko. "Feeling ko kasi madami akong matututunan kapag kasama kita. At magaan ang loob ko sa'yo." Aniya

"Pwede rin, pag may spare time ako." Sagot ko sakaniya.

"Alright. Bigay mo na lang sakin yung phone number mo para may contact tayo sa isa't isa" sabi niya.

I took my phone out, and typed my number and handed it to him.

"Thanks, so I'll text you later. Bye Rian." Pagkaabot niya ng phone, ay umalis na siya at nagpunta na sa kaniyang sasakyan.

Ako naman ay nagtungo na sa sasakyan ko at umuwi na para makapag pahinga.

Pagdating ko sa condo ko. Nagbihis na ako at nagluto na lang ng instant noodles. I know it's not healthy pero minsan lang naman. I was in the middle of eating my food and reading my favorite love story when my phone rang.

Tiningnan ko ang screen.

Unknown calling...
I answered it.

"Hello? Who's this?" Tanong ko.

"Rian, this is Xander, save my number." Sabi niya.

"Ikaw pala, okay I'll save it. Wala ka bang ginagawa?" Sabi ko.

"Wala naman, bakit busy ka ba ngayon?" Tanong niya.

"Hindi naman, pero maya-maya lang ay mag-aaral  na din ako"

"Oh, okay. I'll hang up this call now Rian."

"Sige. Bye."

"Bye"

Call ended.

Maya-maya lang ay tumunog nanaman ang phone ko.

Notification from Twitter
@KkkaadeCruz : "Your smile is my favorite smile."

Madami naman siyang nakitang ngiti ngayong araw. Psh.
Tinuloy ko ang pagkain sa noodles para mamaya ay mag-aaral na ako.

Maya-maya lang ay handa na ako para matulog.

-Ipagpapatuloy

In TimeWhere stories live. Discover now