CHAPTER 4

40 4 0
                                    

Chapter 4

"Hi miss, mind if I help you?" he asked.

Literal na huminto ang puso ko. Sino ba naman ang hindi? Nasa harapan ko ang taong gusto ko. If I can hug him right now, I would do it in a heartbeat.

"Miss?" Sabi niya, at napagtanto ko na kanina pa niya ako tinatawag.

"Umm, sige." Sabay abot sa mga medyo mabibigat kong groceries. Kinuha naman niya ito.

"Kilala mo ba ako?" Tanong niya.
"Oo, ikaw si Kade." Sagot ko.
"Paano mo nalaman?" Takang tanong niya.

"You didn't know?Your famous in our university. Kahit sino naman, kilala ka." Sabi ko

"So, your one of my fangirl?" Nakakaloko niyang tanong.

"Ha! No, i just know you, that's all." Pagtanggi ko.

"Alright, so may I know your name miss?" Tanong niya

"Hello." Sabay lahad ng kamay "I'm Rian Isabelle Heart, it's nice to meet you Kade" I flashed my smile at him, at ngumiti din siya sakin, kung pwede lang tumili ngayon, baka ginawa ko na.

Ang ganda talaga ng ngiti niya. Kinuha niya ang kamay ko at halos makuryente ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"It's nice to meet you Rian."sabi niya at binitawan na niya ang kamay ko.

"Alam mo, mabuti pa pumunta na tayo kung saan ka man pupunta. Late na din, you need to go home." Ani Kade.

"Okay." Sagot ko.

Nagsimula na kaming pumunta sa parking lot. Napaka tahimik, parang wala akong kasama, hindi din naman siya nag sasalita, at ganoon rin ako dahil nahihiya talaga ako.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa
sasakyan ko, tinulungan niya din ako, ilagay ang mga groceries ko sa compartment.

"Wala ka bang ibang pupuntahan?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala na, nag stroll lang ako tapos, nakita kita. Eh mukha kasing nahihirapan ka magbitbit ng mga pinamili mo kaya tinulungan kita." Sabi niya "At ikaw din yung nakita ko sa cafeteria, kaya na-recognize din kita." Dagdag pa niya.

I smiled at what he said. Nakilala niya pala ako.

"Mm. Ganoon ba?" Sabi ko "Well, thank you ha? At tinulungan mo ako."

"Wala yon."
"So, paano? Una na'ko. Late na din kasi" sabi ko sakaniya.

"Sige, ingat ka.Bye, see you when I see you" aniya

"Okay. Bye." Sabi ko at pumasok na sa kotse at nag drive na pauwi.

Pag-uwi ko sa bahay ay dali-dali kong tinawagan si Alhena, para i-kwento sa kaniya ang nangyari sa mall. Kaso unattended siya kaya napagpasyahan ko na isalansan na lang ang mga pinamili ko.

Kung tutuusin ay hindi ko naman talaga totally gusto si Kade, humahanga lang ako sa kaniya dahil magaling siya sa sports at mabait din siya. Parang he's just my inspiration to motivate myself.

Nadala na ako noong pumasok ako sa relationship last year, nasaktan lang ako at nagkaroon din ako ng mild depression dahil it's my first time to handle a heartbreak, si Alhena naman ay pumuntang China dahil sa family matter, at hindi ko ma-express ang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon.

He cheated on me, he told me that I wasn't paying attention on him that's why he replaced me and start being cold to me, nalaman ko na lang na ginagago na pala niya ako noong hindi niya ako sinipot noong nagtagumpay ang itinayo kong flower shop, hinintay ko siya hanggang sa dumating siya.

Pero sinayang ko lang pala yung oras ko. Dapat pala ini-entertain ko na lang ang iba kong visitors, kesa sa kaniya.

Pero ngayon, I've already moved on. No more hatred at masaya na ako ngayon. Nasa bago na akong school, nandito na si Alhena, and I have my source of inspiration, which is Kade.

My phone suddenly rang. Sino kaya ang tunatawag?

Tiningnan ko at si

Xander calling...

"Hello?" Sabi ko.
"Hi Rian. Are you busy tonight?" Tanong niya

"Hindi naman, bakit?" Tanong ko.
"Can I visit you? I'm just lonely, I just like to talk to someone." He's voice is sad.

"Don't you have friends?" Tanong ko.
"Meron, in fact I have many friends, pero ayaw ko lang na i-burden sila." Sabi niya.

"Alright, i-send ko lang sa'yo ang address ko. And can you also buy foods? Tinatamad kasi ako mag luto." I told him.

"Alright, sige bye." Sabi niya and he ended the call.

Pagkatapos kong i-text sa kaniya ang address ko ay nanatili na lang ako sa sala, while watching T.V

Para akong uto, dahil pinayagan ko siya na pumunta sa condo ko kahit bago pa lang kaming mag kakilala. Kung papakinggan ang boses niya ay parang malungkot siya. Kaya naawa na din ako.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay narinig kong tumunog ang doorbell ko sa condo, kaya dali-dali kong sinilip kung sino ito.

Si Xander pala.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya, at talagang nagulat ako dahil ang dami niyang dala. Pagkain ba ang lahat ng iyan?

"Hi" sabi niya sabay ngiti
"Hello, ang dami mo yatang dala?" Sabi ko.

"Um, okay lang, madami naman akong pera" sabi niya.

Hindi ko naman tinatanong kung madami kang pera. Ang tinatanong ko kung bakit madamibkang dala. Psh.

"Mag- movie marathon nalang tayo." Sabi niya.

"Sige" sagot ko at nag simula na naming ihanda ang movie at foods.

- Ipagpapatuloy

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In TimeWhere stories live. Discover now