CHAPTER 3

40 5 0
                                    

Chapter 3

"I have this feeling na ikaw yung tinutukoy niya sa tweet niya" ani Alhena, kakatapos ko lang ikwento sa kaniya yung nangyari kahapon.

"Hindi rin." Sagot ko sakaniya.
"He saw many smiles that day, imposible yatang ako yun" dagdag ko pa.

Nandito kami sa isang restaurant, bigla na lang siyang nag aya na lumabas kami, hindi na ako tumanggi dahil kailangan ko din ng stress reliever dahil madami ang gawain sa school. Minsan talaga ay maganda din mag relax para makapag isip isip ka.

"Excuse me, Ma'am. May I take your order?" Tanong ng waiter sa akin.

"Oh, I'll take this" turo ko sa isang seafood pasta "and this please" turo ko sa Lemonade juice.

"Thank you Ma'am, just wait for a little while." He said to me, at kinausap naman na niya si Alhena. While he is talking with Alhena my phone beeped.

From: Xander
Good afternoon Rian. Where are you?

Mag rereply na sana kaso tumatawag naman siya.

Xander calling...

"Hi Rian."

"Hello, Xander napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya, napatingin naman si Alhena sakin.

"Wait. Em' I disturbing you? Parang ayaw mo'kong kausap eh." Nagtatampo niyang sabi.

"No, I mean do you need anything?" Tanong ko sakaniya.

"Nothing I just called to say Hi. That's all" he said

"Okay, I'm here in a seafood restaurant with my bestfriend. Just hanging out." Sabi ko

"Alright, take care Rian. Nice talk with you. Bye" then he ended the call.

Call ended.

"Sino yung kausap mo?" Tanong ni Alhena.

Ii-interrogate nanaman ako nito.

"Si Xanderius, bago ko siyang kaibigan." sabi ko sa kaniya at nanlaki naman yung singkit niyang mata.

"Wait, wait. Are you saying that your new friend here, is a boy?" Sabi niya. " Yes––"

"Gwapo ba?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Yeah, kind of. He has hazel-brown eyes"

"O to the M to the G! That's my type." Sabi niya.

"Psh. Don't think about it, you know our goal this college. Studies first." Sabi ko at natawa naman siya doon.

"Hahaha. Oo alam ko yan, pero pwede naman pagsabayin eh. Give me his number and I'll take of the rest." Sagot niya.

"Ha! Over my dead body, hindi ko sa'yo ibibigay ang number niya. Style mo!" Sabi ko.

"Please?"

"Nope, never gonna happen"

"Psh. Whatever, masyado ka talagang killjoy. Porket kasi naka isa ka palang ng boyfriend. Hay nako!"

Aba! Inungkat pa ang nakaraan. Bruhang 'to

"Kahit naka isa pa lang naman ako ng boyfriend, marami naman na akong lessons na natutunan." Sabi ko

"Like what?" Parang naghahamon na aniya

"Like, you should give your full time and attention to that person."sabi ko.

"Fine." Maikling sagot niya.

Dumating na ang orders namin at nag simula na kaming kumain, madami kaming napag kwentuhan. Girl's stuff, movies, love stories and ofcourse boys. Welk she always open that topic, kasi siya naman ang mahilig sa lalaki.

"Have you seen Mike's photo in instagram?"
Tanong niya sakin. As if may isasagot ako.

"Nope, alam mong hindi ako mahilig sa lalaki, I only stalk one man which is Ka––"

"Kade Cruz. Yeah, yeah I know." She said in a boring tone. "You know what, you should change. Ibang boys naman" sabi pa niya.

"No way. You know how I love his silver eyes. And I find him cute also, malay mo mapansin niya din ako one day." Depensa ko

"Sige na, wala na akong sinabi. Oh I know, how about we go on a salon today? Let's have a haircut." Sabi niya sabay tayo sa kinauupuan niya. Pumunta kami sa favorite salon niya at nag pa haircut at dye ng buhok.

Color golden brown yung kanya at color dark green naman sakin, sa dulo lang ang pinakulayan ko dahil baka ma-damage ang buhok ko. Pagkatapos naman namin sa salon ay nag punta na kami sa sinehan.

Ako na ang bumili ng tickets para sa amin at siya naman sa popcorns and drinks. Ganito kami lagi ni Alhena, hati kami sa gastusin tuwing lalabas, minsan nililibre niya ako at ganoon din naman ako sa kaniya.

Pinili namin ay ang movie ng KathNiel which is the "Hows Of Us".

We enjoyed the movie as usual, we both like love stories kasi maganda naman talaga.

Pagkatapos namin sa sinehan, sinamahan niya ako mag grocery para may stock ako sa condo.

Nasa cashier na kami nang biglang tumunog ang phone ni Alhena.

"Wait lang Rian ha?" Sabi niya

"Sige, take your time" sagot ko naman.

Nung tapos na akong magbayad ay binitbit ko na ang groceries ko, sinubukan kong hanapin si Alhena, pero hindi ko na siya makita, I also tried to call and text her but she isn't responding, so I decided to go home already.

"Your hair suits you. You look lovely."

I was in the middle of walking when I heard a baritone voice. And I know it's from a boy.

Pagharap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon, isang pair ng silver eyes ang nakita ko.

Kade.

"Hi miss, mind if I help you?" He asked

-Ipagpapatuloy

In TimeWhere stories live. Discover now