Chapter 1 : Expelled

126 5 1
                                    

November 23, 2017

Eunice's POV :

Nandito kami ng mga kaibigan ko sa living room namin at pinapanood ko lang sila.

Pansin kong kanina pa sila nagtatalo, at sa hindi ko pa talaga malamang dahilan.

'Siraulo ang mga puta..'

Siguro mga bored lang, wala kasi kaming TV eh. Ano? Dito sila gumagawa ng telenovela? Tarantado.

Kung sa katotohanan papanig, kagabi pa nga sila ganyan..

"E kung 'di ka na lang kasi lumabas kagabi?! Edi sana hindi mangyayari 'to!" , sigaw nitong si Jamie.

Si Jamie, ang kilalang tuliro sa aming lahat. Hindi nauubusan ng laway at hindi rin napapanis. Kahit walang nakakatawa, tumatawa pa rin kung kaya. Kahit nga walang nangyayari tumatawa na lang siya bigla, pero syempre biro lang... hindi ko na siya trotropahin kung ganun na ang lagay niya, hehe.

"Bakit? Ikaw din naman ah? Sa'kin mo lang pinapasa, kahit ikaw rin naman tumatawa 'nun!", sabi naman nitong nuknukan sa kahinhinan, si Maryllei.

Si Maryllei, ang kilalang tahimik noon, nasiraan na ng katinuan ngayon. Siguro naimpluwensyahan ng mga siraulo naming tropa. Pero tahimik pa rin naman kahit papaano.

"Putragis kayo! Ang iingay niyo!" , sabi ng isa rin namang tarantado, kulot nga lang, si Genalyn.

Si Genalyn, taga-payong este taga-payo at taga-saway samin 'pag may hindi pagkakaintindihan sa lahat. Isa ring siraulo yan, napakababaw. Pero matalino yan sa pagkakaalam ko! Haha.

"Hoy! Kaya nga! Ang iingay niyo!Bakit 'di niyo na lang kasi talaga tanggapin na lahat tayo may kasalanan dito okay?" , sabat naman nitong si Paulenne. Siraulong 'to? Ang ganda na nga ng palabas, umeeksena pa.

Eto namang kakapanira lang ng trip, ay si Paulenne, kadalasang seryoso at taga-payo sa mga tarantadong kulang sa aruga. Tarantado rin, haha. Ekojowes lang.

"Tsk! Hays! Nakakaloka ka sa utak!" sigaw na naman ni Jamie at tinalikuran kami para umalis.

"'Yan, tumigil na lang kasi kayo..." ang pagong, si Lyle.

Si Lyle, utang na loob ang slow niyan. Saan ka pa lulugar bilang guro kung pwede mo rin naman siyang turuan? Naiintindihan ko siya pero, hindi rin. Hindi ko maipaliwanag kasi nga hindi ko nga maintindihan! Utang na labas!

"Parang baliw 'to.." , sabi ng pandak, Si Lovelee.

'Tangina eh 'no? Ang kapal ng mukha, akala mo katangkaran rin.'

Si Lovelee, ang bukod-tanging pandak pero mabait at maintindihin. Kung ano kinatalo ng sukat, ayun naman kinapanalo ng mukha. Tahimik, maingay, hindi mo maiintindihan. Ultimong ako hindi maintindihan, ikaw pa kaya? Asa ka.

Sininghalan ko na lamang sila at umalis na ko sa kinauupuan ko.

Dadaan lang sana ako sa sala para uminom ng tubig nang namataan ko ang malulusog ang tinapay sa sintido. 

Pumunta ako sa lamesa ng sala kung saan naroon si Elijah at Charlotte.

Si Elijah, ang pinaka-matalino sa amin dito sa magtro-tropa. 'Me katalinuhan rin naman kaming lahat pero iba ang dating ng tinapay niya. Kung sa amin ay pandesal sa tipikal na bakery, sa kaniya ay tinapay ng Bread Talk.

Tahimik nga lang sa kadalasan pero tumatawa't masayahin din naman siya.

'To naman si Charlotte, ang bukod-tanging wirdo. Hindi mo rin talaga maiintindihan yan kaya mag-abang ka na lang sa ibang chapter.

MONTRIDEL - The Class Of 1991Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon