Chapter three

64 1 0
                                    

Zine’s POV

Nasa magkabilang gilid kami ng silid sa Museum. Nakita kong nakapikit ito kaya nilapitan ko, inisip ko ang bilis naman niyang nakatulog ganon ba siya ka antok kaya nakatulog agad? Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at tinignan ang kanyang mga mata mahaba pala ang mga pilik mata nito, sumunod naman ang ilong niya matangos ito at tamang tama lang ang taas at ang labi nito napaka pula ay hindi kulay pink ay hindi parang red na pink? Basta yun na yun ang gwapo niya kapag tinitigan mo nang matagal.

Bigla siyang kumilos kaya nilayo ko agad ang mukha ko at bumalik sa gilid pero ng sinubukan ko ng tumayo ay bilang niyang hinawakan ang kamay ko. Nabigla ako sa ginawa niya.

“dito ka lang, tabihan mo ako” sabi nito

“hah?” ang nasabi ko, anong sabi niya? Nananaginip ba ito?

“sabi ko tabihan mo ko” sabi niya pero nakapikit padin ito

“bitiwan mo nga ako, nananaginip ka yata” sabi ko

“hmmm” gumalaw ito pero di parin niya binitawan ang kamay ko. Mas lalo pang humigpit kaya napa upo ako ulit.

Inilagay ko ang isa kong kamay sa harapan ng mukha niya at kinaway kaway ko ito para subukan kung tulog nga ito o hindi. Hindi naman ito kumilos sinubukan kong alisin ang kamay na hawak niya pero hindi ko ma alis.

“dito ka lang” sabi ulit niya

Hindi na ako kumilos. Nang mapatingin uli ako sa mukha niya hindi ko talaga mapigilan na tignan siya. Mas gusto ko pa talaga na ilapit ang mukha ko kaya nung ginawa ko yun ay biglang ng mulat ang mga mata niya nagulat ako at hindi ko naigalaw ang katawan ko

“anong ginagawa mo?” tanong nito na nakangisi pa

Sa wakas at nailayo ko na ang mukha ko.“ bitiwan mo nga ako” sabi ko

“sabihin mo sakin kung anong ginagawa mo? Bakit ang lapit  ng mukha mo?seguro may gagawin kano?” sabi niya sakin

“wala no. susubukan ko lang na alisin yung kamay ko na hawak mo” sabi ko

“eh nandito naman ang kamay mo ahh, wala sa mukha ko” sabi niya

“ahh ehh, tinignan ko lang baka binibiro mo lang ako na tulog ka para mahawakan ang kamay ko” sabi ko

“ako para saan”

“ayan ohh hawak mo na nga” sabi ko sabay turo sa kanya

“ahh ito, yun na nga, kanina mo pa kasi ginagawa yang pag titig sakin” sabi niya

So napansin niya pala yun akala ko tulog siya, pano niya ginawa yun pano niya nalaman na tinititigan ko siya.

tumalikod ako. “hindi ahh!” sabi ko

“so totoo na tinititigan mo ako, bakit? Gusto mo akong halikan ano? Ano?” pilit nito

“ang kapal mo naman para gawin ko yun” sabi ko at sinubukan ko uli na makawala

hinila niya ako at inilapit niya ang mukha niya sa akin. Pilit kung nilalalo pilit niya ring nilalapit sa akin.

“kung ganon ako nalang ang gagawa” sabi nito at ngumiti pa ito

“anong binabalak mo? Ha-” hindi ko na naituloy dahil hinalikan niya na ako

Hindi ako makakilos sa ginawa niya. Ni hindi ko alam kong anong naramdaman ko ng sandaling iyon. Hindi ko ma ipaliwanag, ang tamis ng halik na ginawa niya inalis naman niya kaagad ito at tumayo na siya. Hindi ako nakakilos ka agad at ng humarap na ako ay bukas na ang pinto. Nakalabas napala ito, hindi man lang sinabi na alam pala nito buksan ang pinto oh nasa kanya ang susi.

Nasa harap na ako ng  Reviewing Stand. Nakakainis talaga sino bang taong yun para halikan ako ng ganon ni hindi man lang sinabi na gagawin niya napala yun. Ang bastos talaga kala mo kung sino. Eh! Bat ba niya ginawa yun sakin? Hindi ko tuloy alam kong tatawagin kong first kiss ko yun. Hindi ko naman inaasahan na gagawin niya yun, nagulat ako at hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Ah basta hindi yun matatawag na first kiss, ahh basta hindi! Hindi! Sabi ko sa sarili ko

“franzine!” tawag sakin ng pamilyar na boses lang pala ni Jam

“ikaw pala Jam, kamusta?” tanong ko

“okay lang, ang aga mo ata ngayon?” tanong niya sa akin

“ahh! Maaga kasing pupunta si papa sa maynila kaya maaga niya akong hinatid”sabi ko sa kanya

“ahh! Ganun bah? Eh anong ginagawa mo rito?” si Jam

“ahh, galing ako sa Museum, kaya dumiritso na ako dito” sagot ko

“di nakapasok ka na dun? Nakita mo na yung mga bagong paintings?” tanong niya. Anu? Sasabihin ko bas a kanya na nakita ko na?

“ahh yun ba? Nakita ko pero hindi lahat hindi kasi ako nakapasok” sabi ko

“ahh! Zine maiba ako, ang sabi sabi ng mga chismosang mga palaka dito sa skwelahan ay may bagong lipat na naman na student” jam

“hindi pa, eh ano naman ngayun?” sabi ko

“ikaw talaga ang Kj mo?”sabi niya. Kj ba naman ako? Wala naman akong pakialam kung sino naman yung bagong lipat dito.

“Eh! Ano naman kung may bagong lipat?” tanong ko

“Zine ang pogi daw sabi ng mga palaka.” Si Jam

“hindi pa naman pala segurado, eh! Ano naman kung gwapo yun matutulongan ba tayo na maka pasa sa exam?” sabi ko

“iwan ko sayo Franzine, basta pag nakita ko siya makikipag friend ako sa kanya” sabi ni Jam

“tara na nga malapit na ang time” sabi ko

“hmf. Kj talaga tara na nga” sabi niya at ng lakad na kami pa puntang classroom nasa second floor pa yun.

“Zine. . . Zine. . .” sabi ni Jam

“ohh ano nanaman Jam” sabi ko

“tara maki chismis muna tayo dun” sabi ni Jam at bigla nalang akong hinila

“teka ano ba yun?” tanong ko

“doon ohh! tara” turo naman ni Jam. Pa punta kami malapit sa Bulletin

“Zine tignan mo” si Jam at tinignan ko ang naka post sa bulletin board

“Audition?” sabi ko

“ayaw  mo? Akala ko ba hinihintay mo to? ito na ohh! Ang pagkakataon mo na” sabi ni Jam sa akin

Pangarap ko talagang mangyari to at ito na nga Audition para sa magiging lading lady nang isang bandang sikat na sikat sa buong mundo ang  “Silent” at isa ako sa fans nila at hindi lang isang ordinarong fan nila. At kung sinumang mapipili ay gaganap sa bago nilang gagawin na Music Video para sa kanilang 8th album

“ohh! Ano sasali ka?” si Jam

“hmf.. oo naman.” Sabi ko, ito na ang pagkakataon ko. Next week na ang Audition kaya kailangan ko ng maghanda.

“tara kuha tayo ng form” Jam

“sasali Karin?” tanong ko

“hindi ahh , wala akong talent sa pagkanta no, mapapahiya lang ako doon” sabi ni Jam

At kumuha na nga kami ng form.

“Zine” sabi nanaman ni jam pero mukang kinikilig ito nung sinabi niya ang pangalan ko

Hottest Band Vocalist Who Ever Lived (Love of Music and Lies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon