Wishes of a Dying Fangirl

308 6 1
  • Dedicated kay To all the fangirls out there :))
                                    

AN: Plano ko sana ay one shot lang ito kaso masyadong mahaba pala para sa one shot kaya baka umabot ito ng ilang chapters, maximum na siguro yung 10.

Sana magustuhan niyo, idini-dedicate ko ito sa lahat ng mga fangirl diyan. Aja! :D

Wishes of a Dying Fan Girl

Chapter 1

Stalker ka ba niya sa social media? Yung tipong daig pa nito ang may sariling bodyguard dahil bantay-sarado ka? Na-full na ba ang 16 gb mong flash drive ng pictures niya? May instant wallpaper na ba ang kwarto mo dahil sa posters niya? Napagalitan ka na ba ng Nanay mo dahil pinambayad mo sa concert niya ang pang-tuition mo sana? Nasubukan mo na bang ilagay ang picture niya sa ilalim ng unan mo? May t-shirt ka na ba na naka-print ang mukha niya? Nasubaybayan mo ba lahat ng movies at drama series niya? Umiyak ka na ba dahil nalaman mong may girlfriend na siya?

Oo ba ang sagot mo?

Kung ganoon, fangirl ka ngang tulad ko.

Sa huling mga araw ng isang fangirl sa mundo, ano kayang hihilingin niya?

-=-=-=-

"Omma! Akin na, please!"

"Tumigil ka ngang bata ka. Isang buwan mo tong hindi gagamitin." Inumpisahan na ni Mama na i-lock ang cabinet niya matapos ipasok doon ang laptop ko, na syempre may nakadikit na picture ni crush/idol. Napanguso ako habang patuloy na nagmamaktol. Hah! 1 month, no laptop? No internet? No stalking kay Idol? Oh no, I'm gonna die.

"Omma!" Nagpatuloy ako sa pagmamakaawa kay Mama pero ng hawakan ko siya sa braso ay inalis niya lang ito.

"Tigilan mo nga ako. Wala na tayo sa Korea kaya wag kang maka-omma omma diyan."

Ah, this can't be happening. "Hindi ako mabubuhay nito!" Huli na noong marealize kong nasabi kop ala ng malakas ang nasa isip ko, sa isip ko ay pinaghahampas ko na ang sarili ko. Aish.

"Anong hindi mabubuhay? Tubig ba yang lalaking yan at hindi ka mabubuhay ng wala siya? Psh. Malala ka na." Singhal niya pa sa akin sabay labas ng kwarto niya, pero agad ko rin naman siyang sinundan.

"Ma! Alam kong napagdaanan mo rin to, bakit hindi mo ko naiintindihan?" Nice. Gotcha. Namana ko yata sa Mama ko ang pagiging fangirl. Haha!

Dahan-dahang pumihit si Mama paharap saakin, masama ang tingin. "Euna!" Babala nito pero imbes na matakot ay ngumiti pa ako. "Ah ganon? Gawin na nating dalawang buwan. Dalawang buwan kang hindi gagamit ng laptop na yan. Period." What? 2 months? Hindi pwede! Pero sa oras na sabihin ni Mama na 'period' end of discussion na, wala ng bawian pa. "Buti sana kung pumapasa ka. Naku, hindi ka na nakakapag-aral dahil sa kakatutok mo diyan sa laptop mo. Ano bang nakukuha mo diyan?" Pahabol pa ni Mama, nag-umpisa na siyang ihanda ang mga lulutuin niya sa tanghalian.

Bumuntong-hininga ako. "Updates tungkol kay idol."

Napatigil ang Mama ko at tumingin na naman saakin. "Euna!"

Napapikit pa ako sa lakas ng sigaw ni Mama, agad akong humakbang paatras diretso takbo sa kwarto ko, "Sorry na, Ma!"

Ah. Isa lang yan sa mga oras na nagalit saakin si Mama. Sakit sa ulo niya ang pagiging fangirl ko, bawat taon, minimum na ang mga sampung beses na panenermon niya saakin dahil sa ginagawa ko. Pero bawat taon, may mga piling nangyayari na hindi ko talaga malilimutan, parte na yan ng pagiging fangirl.

Masarap maging fangirl pero mahirap din. Dahil alam mong hanggang titig ka lang.

-=-=-=-

Balik Korea na naman kaming tatlo nila Mama at Ate. Hindi katulad ng dati na magbabakasyon kami dahil ngayon, kailangan naming bisitahin sa ospital si Papa. Dito siya nagta-trabaho, dito rin nagpapagamot.

Wishes of a Dying FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon