Broken Promises:
Ch4: The Promises
Biglang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Lumapit agad ako at niyakap ko siya. Naramdaman kong umalis na ang mga tao sa loob ng kwarto ni Seb. Humagulgol na ako sa iyak. Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit! Tinanggal ko ang takip sa ulo niya, nakita ko ang maamo niyang mukha.
Naiinis ako sa sarili ako. Kahit isang araw lang sana bago siya mawala, natupad nmin ang mga promises namin sa isa't-isa. Umupo na ako sa tabi niya. Hinahaplos ang buhok niya.
"Seb, bakit? Anong nangyare? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit iniwan mo agad ako? Dba gagawin pa natin ung mga pangako natin sa isa't-isa? Paano na natin un magagawa kung iiwan mo na ako?" tumutulo parin ang mga luha ko. "Seb, dba pupunta pa tayo ng Enchanted Kingdom? Kasi gusto mong pasakitin ang ulo ko at magsuka? Dba mag-tra-travel pa tayo sa Korea para tikman ung specialties nila doon? Dba sabi mo kakain pa tayo ng siomai ng napakarami hanggang sa tumaba na tayong mabuti? At dba sabi mo dito ka lang lagi sa tabi ko. Ikaw ang laging magtatanggol sakin sa lahat ng mang-aaway sakin? Dba magpapakasal pa tayo? Akala mo hindi ko alam ang tungkol jan? Nabasa ko yan sa notebook mo. Hehe. Sorry pinakialaman ko ha? At dba, sabay tayong tutupad sa mga pangarap natin? Anong nangyare? Bumangon ka na jan Seb. Hindi ka ba napapagod jan? Masakit sa likod ang matagal na humiga. Kahit saglit lang, gumising ka na, please?" pinilit kong ngumiti.
BINABASA MO ANG
Broken Promises [PAUSE STORY]
Short StoryI know it's common that PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN. But as we experienced it, we believe in it. You know the feeling right? It hurts so much. Especially when it's the one you love the most who broke it.