Broken Promises:
Ch3: It's Over
Limang buwan na ang itinagal ng panliligaw sakin ni L.A. At kasabay ng panliligaw niya ang pagkawala ni Seb.
Huli ko siyang nakita nung umamin sakin si L.A tungkol sa nakaraan namin. At ang una at huling beses na nakita kong umiyak si Seb.
I feel incomplete without him. I missed him. His smile, his charming eyes, and hid voice. I missed all about him. Nami-miss ko ung lagi akong napipikon pag inaasar niya ako.
Kailan ko ba siya makikita? Gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit. Ung hindi na siya makakahinga sa sobrang higpit. Sa halos sampung taon naming pagkakaibigan, ngayon lang kami nagkahiwalay ng ganito. Hindi namin makaya ang 2 araw na hindi nakikita ang isa't-isa. Pero anong nangyari? Umabot ng limang buwan. Nakaya niya 'to? :(
Si L.A naman? Ayun. Lagi siyang sweet. Lagi akong hatid-sundo sa bahay. Kilala na nga siya ng buong family ko eh. Gustong-gusto nga nila si L.A para saakin eh.
Madami din ang naiinggit saakin ngayon dahil sa mga gnagawa sakin ni L.A sa campus. Dinadalhan niya ako lagi ng roses at minsan naman bouquet with chocolates. Kinantahan pa nga niya ako sa gym namin eh. Ang dami masyadong nangyari sa loob ng 5 buwan.
At sa loob ng limang buwan, si Seb lang ang lagi kong iniisip. At sa tagal naming pagkakaibigan, ngayon ko lang naisipang pumunta ng bahay nila. Tahimik. Wala atang tao?
Nag-doorbell ako...
*dingdong!* walang lumalabas na maid para magbukas. Kaya sinubukan ko ulit mag-doorbell pero Wmwala parin. Paalis na sana ako nang biglang bumukas ang gate.
"Ano ang kailangan mo miss?" tumingin ako, nakita ko ang mommy niya.
"Ako po si Psychie. Bestfriend ni Seb. Anjan po ba siya?" nakita ko ang lungkot sa mata ng mom niya
"Ah oo. Kilala kita hija. Lagi ka niyang kine-kwento sakin." nagbago ang expression ng mom ni Seb at ngumitu, "So ikaw pala si Sy. Ang First and True Love niya."
"Po? Hehe. Mag-bestfriends lang po kami tita. 10years na po."
"Alam ko. Yan ang tingin mo sa anak ko eh. Pero iba kayo ng nararamdaman sa isa't-isa." nakaramdam ako ng kaba. Tumibok ng bigla ang dibdib ko. Ano 'tong nararamdaman ko?
"Hindi ko po kayo maintindihan tita."
"Mahal ka niya, bata palang kayo. Natatandaan mo nung nasa park kayo? Crush ka lang niya noon. Nagpapa-pansin siya sayo tulad ng ginagawa ni L.A." naguguluhan na ako. Paanong...
"Paano niyo po kilala si L.A?"
"Hindi mo ba alam? Magkapatid sila. Pero magkaiba lang ang apelyido nila dahil sa magkaiba sila ng daddy." ohmyGod! no, hindi. mali ito. Mali ang iniisip ko.
"Ganun po ba. So alam niyo din po ba na nililigawan na ako ni L.A?" nalungkot bigla ang Mom ni Seb
"Oo. Sa loob ng limang buwan, nasa hospital siya." nabigla ako at nalungkot. Madami ang pumapasok sa isip ko na tanong.
"Ha? Bakit po? Sinong binabantayan niya doon?"
"Wala siyang binabantayan dun..." napahinga naman ako ng maluwag, pero natulala ako sa sunod na sinabi ni tita, "Kasi siya ang binabantayan namin doon. May sakit siya, may butas sa puso niya." nakita kong may tumulong luha sa mata ni tita. Pati ako, tumulo ng ang luha ko.
For 5 months, Wala ako sa tabi niya para alagaan siya. Masama na ba akong kaibigan? Ako ang bestfriend niya pero hindi ko alam tungkol sa sakit niya?
For 5 months, he lied to me. It hurts a lot. Pero hindi ito ang tamang panahon para sayangin ang oras.
I run. As fast as I can. Kailangan kong makarating agad sa hospital. Gusto ko na siyang mayakap. Gusto ko na siyang mahalikan sa pisngi, na gaya ng ginagawa ko sakania pag nag-aasaran kami.
Nakarating na kami sa ospital. Pnuntahan ko agad ang room number niya. I opened it as fast as I can, pero pagkabukas ko, bigla nalang nadurog ng tuluyan ang puso ko sa narinig at nakita ko...
"Time of death, 2:14pm..."
BINABASA MO ANG
Broken Promises [PAUSE STORY]
Short StoryI know it's common that PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN. But as we experienced it, we believe in it. You know the feeling right? It hurts so much. Especially when it's the one you love the most who broke it.