Kabanata 16

10.8K 213 14
                                    

Kabanata 16

Utos

Married life was not easy, as what they say. Ngunit para sa akin ang katagang iyon ay isa pa rin iyong hiwaga. Bakit? Sa paanong paraan ito hindi madali? Kung ang iyong asawa at ikaw ay maligaya? Kung may isang inang palaging magtatanong sa iyong kalagayan at nangangamusta. Kung patuloy ang nararamdaman mong kaligayahan sa bawat araw na lumilipas?

I must admit. I am enjoying this new found life of mine. I no longer ache for more. Kuntento na ako kung ano ang nasa harapan ko ngayon. Sapat sa akin ang pagtanaw sa papalayong sasakyan ni Cirolius tuwing umaga at ang pag-aabang sa kaniyang pag-uwi pagdating ng hapon.

Wala akong alam sa pagluluto ngunit iyon ang aking pinag-aaralan sa tulong ng pinagkakatiwalaan ni Mama na mga kasambahay. Ang ilang gwardiya ay nakapaligid sa bahay upang protektahan ako.

Pinagmasdan ko ang iba't-iba at bagong kagamitang napamili namin ni Cirolius noong sinubukan niya akong ilabas at dalhin sa pamilihan. We were both almost unrecognizable with the way we dress. And I wore a mask different from what I used to.

Ang sabi niya, isang magandang paraan iyon upang hindi kami makilala. Lalo ako dahil mayroon pa ring iilan na mga taong nakapagtabi ng litrato ko nang ito ay mailahad sa mata ng karamihan.

"Naku, Ma'am, baka masugatan po kayo," ani isang kasambahay na dati ay na kay Mama, ang ina ni Cirolius.

Umiling ako at inilapag ang talim ng grinder na aking dinampot nang walang pag-aalinlangan. Iyon kasi ang gagamitin namin ngayon, ayon sa kaniya.

"Hindi naman. Natutuwa lang ako sa talim niya," sambit ko. na may itinatagong ngiti sa labi.

"Maari mo bang ituro sa akin kung papaano ito gamitin?" masuyo ang boses kong ginamit. "ho?" dagdag ko nang maalala na nakalimutan kong gumalang.

Natawa si Nang Blesilda sa panghuling sinambit ko at lumapit siya sa akin sa akin, kinuha sa akin ang mga kagamitan para asikasuhin.

"Ganiyan din si Ma'am Loela sa ama ni Sir Ciro, eh. Maasikaso at handang matutunan ang lahat," nakangiting komento nito.

Napukaw noon ang interes ko. Hindi ko alam kung anong klase ba ng tao ang ama ni Cirolius.

"Mabait ho ba siya?"

Lumingon sa akin si Nanang Blesilda. Hindi ako sanay noon na may kaakibat na pagtawag ang ngalan ng aking tagasunod subalit sinabi sa akin ni Mama na isa iyong paraan para bigyang galang sila. Na hindi lamang sila basta tagasunod at bahagi na ng pamilya. Bagay na hindi naituro sa akin noon ni ina.

"Napakabait noon. Kung mahinahon si Sir Cirolius, doble ang hinahon noon. Hindi namin kailanman nakitang nagtaas ng boses iyon o nagpakita ng galit."

Inilapit nito sa akin ang meat grinder.

"At saka mapagmahal na asawa at ama. Kaya hindi nito kinaya noong hindi niya nagawang iligtas ang bunso niya sa operasyon," malungkot nitong sinabi.

Lumunok ako at tumango. I took some meat and put it inside. Binuksan ko iyon at pinanood ang pagkadurog ng karne.

"Ano po ang kinamatay ni Cora?" tanong ko.

"Ang alam naming lahat ay namatay ito sa sakit nitong tumor. Sabi hindi raw naging matagumpay ang operasyon pero may iilan din na nagsasabing may higit pang dahilan kaysa roon."

Sinilip ni Nanang Blesilda ang karne.

"Tama na iyan, hija. Sapat na ang pagkapino," aniya.

Hinugot ko iyon sa saksakan at inilapit ang karne sa bowl. Napapaisip ako kung ano ang iba pang dahilan nang pagkamatay ng bunso nila? Walang babae sa kanilang pamilya kaya naman malaking bagay sana kung narito si Cora upang magsilbing babae sa magpipinsang Del Rico.

Del Rico #1: Say AmenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon