Kabanata 19
Questions
"You love my kisses, huh?" he murmured as he planted soft trickles on my back.
I nodded and purred.
"Lahat sa iyo ay gusto ko, Cirolius," masuyong tugon ko.
Isang mababang tunog na mistulang 'di makapagpigil ang umalpas sa kaniyang labi.
"I am pretty sure you're pregnant now..." bulong niya. "You're always ready for me," he added.
Isang malungkot na ngiti ang lumandas sa aking labi. Ipagpapasalamat ko ba ngayon kung ako nga ay nagdadalang-tao gayong dalawang araw na lamang ay tuluyan ko siyang lilisanin at ilalagay ang buhay sa peligro?
I begged for the Lord to give me an offspring yet I didn't know I cannot be happy with my husband's arms. Hindi kami maaring magkaroon ng supling sa pagkakataong ito. Bukod sa walang kasiguraduhan kung siya ba ay muli kong makikita, wala ring kasiguraduhan na hindi ko maipapahamak ang inosenteng buhay sa aking paglisan.
Hindi ako maaring maging makasarili.
"You're spacing out again, wife..."
I heaved a sigh. Humarap ako sa kaniya at isiniksik ang sarili sa kaniyang dibdib. Hindi ko na nais pang umalis sa ganitong posisyon. Kung sakaling ako ay mamamatay, gusto kong sa kaniyang mga bisig pa rin sapagkat nasisiguro kong sa ganoon ko lamang matatanggap ang kamatayan habang dinadama pa rin ang saya.
"Nakaramdam lamang ako ng kapaguran sa ating ginawa," marahan kong pahayag.
Mababang halakhak ang nagmula sa kaniya bago isiniksik ang sarili sa pagitan ng aking leeg.
"Baby," aniya, natutuwa pa rin ang boses. "I'm sorry..." noong nagseryoso.
"Hindi mo naman kailangan humingi ng pasensya, Cirolius."
Umahon siya sa aking leeg at tinitigan ako, may multo ng ngiti sa labi. Masuyong-masuyo ang kaniyang mga mata at maamo ang mukha. Sila lamang ng isa pa niyang pinsan ay mukhang maamo sa kanila. Si Bastian Del Rico habang si Blake naman, kahit pa mukhang mabilis kaibiganin ay may angkin pa ring karahasan ang hawis.
"Anong nais mong ipangalan kung sakaling magkakaroon tayo ng anak?" pagtatanong ko.
Lalong lumawak ang kaniyang ngiti.
"I want it to be something marvelous," he murmured. "Something wonderful and gorgeous like you, her mom. How about you?"
I swallowed hard to hide the emotions stirring inside me. It's painful to hear. Painful to hear.
"I haven't thought of anything yet," I whispered.
Umangat ang kamay ko at hinaplos ang kaniyang pisngi.
"How about Maravillosa? It is the same marvel in Spanish."
Tumango siya. He brushed my hair.
"Maravillosa it is, baby..."
He planted a kiss on my lips that made my stomach churned to hundreds of something living on it as of this moment. The hair on his chest brushes on mine. It makes me feel all the giddiness in the world.
"Magpahinga na tayo," malambing niyang tugon matapos ay ikinulong ulit ako sa kaniyang bisig.
"Mahal na mahal kita, Cirolius..." bulong ko.
Kahit hindi ako sigurado sa lahat ng bagay sa mundo, sa mga natutunan ko ay 'di ko na malaman ang totoo, alam kong ang pag-ibig ko sa kaniya ang siyang tanging katotohanan na mayroon ako ngayon. Tanging katotohanang maipagmamalaki kong akin.
BINABASA MO ANG
Del Rico #1: Say Amen
Vampire(UNDER EDITING) Rouge's upbringing was unusual, shaping her into an innocent soul with a dark divine goal. She believed she was serving a divine purpose by fulfilling men's carnal desires, even as a virgin. Behind her innocence lies a dark secret...