CHAPTER 3: MUNTING PANGAKO'NG NAPAKO

24 0 0
                                    

"Mommy! Mommy!" sigaw ng batang si Aeron "Nandiyan na po ba sina Jon-jon?" tanong niya sa ina.

"Bakit naman sila pupunta ulit dito, anak?" tanong ni Fe sa anak.

"May usapan po kasi kami ni Jon-jon na pupunta ulit sya dito sa'tin para mag-laro ulit kami ng tren-trenan." sagot ni Aeron sa ina.

"Ganun ba.." napatawang sagot ni Fe "Aeron, anak, mukhang malabo nang makapunta ulit si Jon-jon dito, masyadong busy ang Mommy nya sa trabaho, at hindi naman makakapag-isa si Jon-jon pagpunta dito."

"Basta, Mommy. Nag-promise sya sa'kin na babalik ulit sya dito at maglalaro ulit kami." patuloy na umaasa si Aeron na darating ang kaibigan.

Abala sa pag-aayos at pag-liligpit ng gamit si Fe at ang kanyang asawa. Upang sa pagdating ng araw ng kanilang pag-alis, nakahanda na sila. Hindi pa man nasasabi ng mag-asawa sa kanilang anak na malapit na nilang lisanin ang lugar na kinagisnan nito, pero alam nila na maiintindihan din ito ng kanilang anak pagdating ng panahon.

"Mommy, bakit po nag-susunog ng mga lumang libro si Daddy sa labas? At saka bakit nyo po nilalagay sa malalaking bag 'yung ibang mga damit at gamit natin?" pag-tatakang tanong ni Aeron sa ina.

"Kasi, anak.." hindi mahugot ni Fe ang isasagot nya sa tanong ng kanyang anak "...magbabakasyon tayo sa mga Lola mo sa Taguig. Doon tayo magbabagong taon." sagot na lang niya.

"Eh bakit po pati 'yung mga gamit at kasangkapan natin eh dadalhin po natin du'n?" pagtataka ni Aeron.

"Basta, anak, ang Daddy mo na lang ang magpapaliwanag sa'yo. Nga pala, 'yung mga lumang coloring books at comic books na hindi mo na kailangan ilabas mo lahat, at ibigay mo sa Daddy mo, para masunog at mailigpit na rin. Bibili na lang ulit tayo ng bago." utos ni Fe sa anak.

Puno man ng pagtataka, agad na tumalima si Aeron sa ina at kaagad na umakyat sa kwarto upang kunin ang mga lumang coloring books at mga comic books niya. Sa sobrang dami, hindi na mabuhat-buhat ni Aeron ang makakapal na mga aklat na pinagsabay-sabay nyang buhatin. Hanggang sa nabitawan nya ito at sumabog sa sahig. Kaagad syang tinulungan ng kanyang ama, pinulot isa isa ang mga aklat at dinala sa labas upang sunugin. Maging ang mga pocketbooks ng ina ay napasama din at napasunog ng mga oras na iyon.

Tsug! Tsug! Tsug! Tsug! Tsug! Tsug!

Dumaan ang tren. Kaagad na nanakbo si Aeron sa may tabing puno at pinagmasdan ang pagdaan ng kinagigiliwang tren. Samantalang sa likod nya ay nakatanaw ang kanyang ama at ina, nag-iisip na ang mga pagkakataong iyon na mapagmasdan ang pagdaan ng tren tuwing umaga ay mga huling pagkakataon na para kay Aeron at sa kanila, dahil malapit na nilang iwan ang lugar na iyon.

"Andaya mo, Jon-jon.Hindi ka bumalik.Sabi mo papanoorin mo ulit ang pagdaan ng tren. Siguro natatakot ka pa din noh." pagkausap ni Aeron sa sarili "Andaya mo talaga, 'di mo tinupad ang pangako mo. Galit na'ko sa'yo." mangiyak-ngiyak na pangungulila ni Aeron sa kanyang kaibigan.

Samantalang ilang kilometro lang ang layo sa lugar na iyon..

"Ang tren, ayan na ang tren!" sigaw ng batang si Jondy.

"Jondy, nananaginip ka lang." paggising ni Nette sa anak.

"Hindi po, Mommy! Naririnig ko po talaga ang tunog na tren!" sagot ni Jondy, sabay bangon sa kinahihigaan.

"Medyo malayo tayo sa riles na dinadaanan ng tren, kaya hindi abot sa atin ang tunog ng tren, Jondy, mag-almusal ka na. Aalis na'ko at pupunta na ako sa office." utos niya sa anak.

Naisip ni Jondy ang pangako nya kay Aeron na pupunta muli sa bahay nila at magkasamang papanoorin ang pagdaan ng tren. Pero papaano pa ang magagawa nya? Kakagising lang nya, at imposibleng makakapunta sya dun mag-isa.

Sumilip na lang sya sa bintana ng bahay nila, tanaw ang buong sambahayan, hinahanap kung matatagpuan ba niya ang bahay ng kaibigan. Hawak-hawak nya ang laruang tren-trenan at nag-dasal na lang, na sana ay hindi magalit sa kanya ang kaibigan.

"Hala, Erron, sorry.."

OLD FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon