CHAPTER 5: JONDY

16 0 0
                                    

"Jondy, bunso ko. Happy Birthday! Gising ka na pala. Uhm mwuah." bati sakin ni Mama with matching kiss sa noo.

"Thank you, 'Ma." sagot ko.

"Oh bakit nakasimangot ka? Birthday mo pa man din ngayon? Hmm." tanong ni Mama.

"Wala lang po." sagot ko sabay smile. Tinahak na namin ni Mama ang hagdan pababa ng bahay papuntang dining room.

Papaano ba naman ako hindi magiging malungkot? 'Yung ex mo pa 'yung unang makakalimot ng birthday mo? Porke't ba wala na kayo magkakalimutan na? Tnt. Anyway, kumain na lang ako ng madami. Breakfast pa lang ang dami nang hinanda ni Mama, papaano pa kaya mamayang dinner? Nabusog ako. May work pa pala ako ngayon. Ano kayang mangyayari mamaya sa McDo? Excited akong tumakbo sa shower room at inihanda ang dalawang tuwalya ko. Sa shower room. Dala-dala si CP, pinapatugtog ang "Terrified" ni Katherine McPhee habang naliligo.

"Say it again...

I'm terrified for the first time.."

Biglang nag-pause ang music. May nag-text pala.

uzzap_ex.vinz <+639190001234>

hapi bertdei jondy ! kala mo nkalimot ako no ? mwuaps :))

09:45 PM, Dec 01

"weh?" reply ko naman. Katampo ng konti, pero sa totoo lang kinikilig pa din ako. Si Vinz ang unang naka-relasyon kong lalaki. Sya ang nagmulat sa'kin kung ano ba talaga ako, ang pagkatao ko. Sya ang ideal lover ko, masaya ako nung makilala ko sya sa chat. Kahit taga malayo sya sa amin, nakuha pa din namin magkita, hanggang sa naging kami. Kahit sa tingin ng iba mukha lang kaming magtropa, pero nagmamahalan kami as partners. Nagpapakatotoo lang naman kami, kahit sa mundo alam namin na hindi ito kinikilala as legal, pero nag-e-exist ang ganitong uri ng relationship. Hanggang sa maghiwalay kami, siguro dahil naging busy ako sa pag-aaral at work, pati magkalayo kami, kaya nag-cool off muna kami.

"Jondy, 10 o'clock na! Male-late ka na." sigaw ni Mama.

"Opo!" sigaw ko din.

"Ang phone mo baka mabasa." sigaw ulit nya.

"Opo! Tapos na po." sagot ko habang hinahablot ang dalawang tuwalya. Tuwalya sa ibaba at tuwalya sa itaas. Oh 'di ba?

Mag-11 AM na nung maka-alis ako ng bahay. 1 PM pa naman ang duty ko, inagahan ko lang ang pagpasok ko ngayon, kasi nitong mga nakaraang araw lagi na lang ako late. Ewan ko kung bakit?

"Pera, cellphone, Nameplate, necktie, panyo, headset.." binibigkas ko sa isip ko ang bagay na 'yan para ma-check ko kung may naiwan ba ako. Patay, naiwan ko ang charger ko. Mabilis pamandin malobat ang phone ko. Tsk. Biglang, sumikat ang araw, tumigil pa ang sinasakyan kong tricycle, sakto naman sa braso ko oh, baka mangitim ako nyan! Ilang minuto ng nakatigil ang sinasakyan kong tricycle, ayan na nga ba ang sinasabi ko, na-traffic ako kaagad? Lagi na lang ako nata-traffic sa lugar na 'to, kaya siguro ako nale-late lagi. Simula kasi nung naitayo ang subdivision malapit sa may riles ng tren sa boundary ng barangay namin, lalong sumikip ang daloy ng trapiko palabas ng barangay namin. May ilang buwan pa lang kasi nakatayo ang subdivision na 'yun sa may riles, madami na kaagad ang nakabili ng bahay at nakatira doon, kaya madami na'ng dumadaang tao at mga sasakyan sa may kanto ng subdivision katabi mismo ng daan palabas ng barangay, madadaanan pa ang riles, kaya laging nagkaka-traffic.

"Manong, bakit po ayaw pa'ng umandar ng mga tricycle du'n sa may riles?" tanong ko bigla sa driver.

"May dadaan daw na tren." sagot ng driver.

Tren? Eh elementary pa lang ako matagal na 'yang riles na 'yan eh. Matagal na ding walang dumadaan na tren dahil itinigil na noon pa ang operasyon.

"Natawa naman po ako du'n, Manong. May dadaan pa bang tren dyan?" tanong ko.

"Joke lang." sagot ng Manong driver.

Si Manong naman, nakuha pang magbiro. Sabi sa'kin ni Mama, noong nagkaroon ng bagyo. pinagnanakaw daw ang mga riles ng tren sa kung saang-saang parte ng Manila, Laguna hanggang Bicol, kaya itinigil na ang operasyon ng tren noong mga nakaraang panahon hanggang ngayon. Kaya useless na din ang mga riles na 'yan kung hindi na dadaanan ng tren. 'Di ko tuloy maiwasang sisihin na naman ang gobyerno, 'di man lang sila magkaroon ng proyekto para maisaayos muli ang operasyon ng tren dito sa Pilipinas. Kaya hanggang ngayon, naging isang malaking bakanteng lote ang malawak na lupa sa may tabi ng riles doon sa aming barangay. May ipapatayo daw na government project, hindi naman natuloy. May bahagi ng puso at isip ko ang pilit na umaalala ng isang pangyayari noong bata pa ako, hindi ko nga lang matandaan?

 To be continued....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OLD FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon