CHAPTER 1: SUMPAAN SA TABING-RILES

55 1 0
                                    

Wala pang tatlong katok, ay nagbukas na ang pinto ng isang may kalakihang bahay na 'di kalayuan ay may riles kang matatagpuan.

"Mars! Merry Christmas!" sigaw kaagad ni Nette sa na-miss nya'ng kumare na si Fe.

"Ikaw pala, Mars! Merry Christmas din!" tugon ni Fe, sabay yapos sa na-miss din nya'ng kumare. "Halika, tuloy kayo." alok niya.

"Kasama ko ang inaanak mo. Jondy, magmano ka sa Ninang Fe mo." tugon ni Nette, sabay upo sa sofa.

"Mano po, Ninang Fe." talima ni Jondy.

"Anlaki na ng inaanak ko ah." kinalong pa ang limang taong batang lalaki. "Palibhasa every Christmas lang tayo nagkikita kaya ganito ako kasabik sa inaanak ko. Tamang-tama, may inihanda akong regalo sa'yo." sabi ni Fe.

"Talaga po?" tanong ni Jondy.

"Naku naman, Mars, nag-abala ka pa." tugon ni Nette sa kumare.

"Syempre naman, Mars, pasko naman ngayon, in-expect ko talaga na dadating kayo. Teka kukunin ko lang, tatawagin ko na din si Aeron." tugon ni Fe.

"Oo nga pala, nasaan nga pala si Aeron? Ngayon lang ulit magkikita ang magkinakapatid." sabi naman ni Nette.

"Mama, may bisita tayo?" tanong ng isang bata na nakatayo sa may hagdanan ng bahay.

"Ay oo, Aeron, halika dito anak, natatandaan mo pa ba si Jon-jon? 'Yung kinakapatid mo?" tanong ni Fe sa anim na taong anak na lalaki.

"Opo, Mama. Hello, Jon-jon." bati ni Aeron sa kinakapatid.

"Tanda mo pa pala ang kinakapatid mo, kunin mo 'yung gift natin para sakanya, today is Christmas Day 'di ba?" utos ni Fe sa anak.

Tumalima kaagad si Aeron at kinuha ang isang malaking regalo at kaagad itong inabot kay Jondy.

"Merry Christmas, Jon-jon!" bati ni Aeron sa kinakapatid, sabay abot ng regalo.

"Wow, ang laki ng gift! Thank you, Erron, Merry Christmas din." pasasalamat ni Jondy pagkaabot ng regalo mula sa kinakapatid.

"Halika, Jon-jon, mag-laro tayo! Papakita ko sa'yo 'yung tren-tren-an na laruan ko!" sabik na pag-alok ni Aeron kay Jondy.

"Talaga? Tren-tren-an?" tuwang-tuwang inabot ni Jondy ang regalo sa ina, at patakbong sumunod kay Aeron para maglaro ng tren-tren-an.

"Nakakatuwa ang magkinakapatid, Mars, ano?" tanong ni Nette sa kumare.

"Tama ka d'yan, Mars. Wala kasing makalaro dito 'yan si Aeron, kaya tuwang-tuwa sya na mayroon syang makakasama sa paglalaro ngayon." sagot naman ni Fe.

"Kada-pasko lang nagkikita ang magkinakapatid, sana naman ay hanggang pagtanda ay ganyan sila ka-close sa isa't isa." hiling ni Nette.

OLD FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon